PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rufa Mae Quinto channels Vice Ganda in funny YFSF performance

Rufa Mae injects her signature comedy style into her impersonation of Vice Ganda
by Bong Godinez
Published Oct 12, 2025
rufa mae quinto vuce ganda your face sounds familiar
For her Your Face Sounds Familiar debut, comedienne Rufa Mae Quinto (left) took on the challenge of impersonating Vice Ganda (right). While her voice didn’t quite match Vice’s signature tone, her hilarious performance left both the judges and viewers in stitches.
PHOTO/S: Instagram

Kinaaliwan ang performance ni Rufa Mae Quinto sa Your Face Sounds Familiar nitong Sabado, October 11, 2025.

Ang Your Face Sounds Familiar na umeere sa kasalukuyan sa Kapamilya Channel ay franchise ng reality contest show mula Spain

Ang contestants ay aktuwal na celebrities at kailangan nilang mag-impersonate ng singers sa kilos, pananamit, at maging boses.

Para sa kanyang unang performance ay ginaya ni Rufa Mae ang comedian-host na si Vice Ganda sa pag-awit nito ng "Rampa" na lumabas nung 2023.

Read: 48th Gawad Urian: Highlights and sidelights

BRINGING THE HOUSE DOWN

Sa una pa lang ay agaw-pansin na ang outfit ni Rufa Mae — kumot na ginawang body-hugging dress, puting tuwalya sa ulo, at may hawak na asul na thermos — na kopya sa attire ni Vice para sa isang pictorial nung 2023.

vice ganda rufa mae quinto yfsf
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As expected, kuwela ang performance ni Rufa Mae na labis na nagpasaya sa mga tao — kasama ang judges na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta, at hosts na sina Jhong Hilario at Vhong Navarro — sa loob ng studio.

Pinuri ni Sharon ang ginawang effort ni Rufa Mae at pagpapaligaya niya sa mga manonood.

Pero natatawang sabi rin ng Megastar, "Kailangan kong sabihin, hindi kayo magkaboses ni Vice!"

Pagsusuma ni Ogie sa naging performance ni Rufa Mae: "Sa timing, sa tono... walang kang tinamaan, e!"

Aware naman dito si Rufa Mae, sabay sabing, "Sorry naman!"

Sa social media naman ay masayang pinagpiyestahan ng netizens ang ipinamalas ni Rufa Mae sa programa.

"Hindi kaboses at kamukha ni Meme pero wala akonh pakialam!!! Ta****na go Rufa Mae [three crying emojis]," komento sa X ng isang nakapanood ng episode.

Hirit naman ng isang netizen: "Si Ruffa Mae lang makakagawa neto na nakakatawa. Perfectionist tayo sa iba pero iba si Peachy shutaaa kahit ano ata gawin neto nakakatawa talaga sya HAHAHAHA."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May nagsabi rin na, "She was just there to have fun! And we're having a fun time watching her din! HAHAHAHA."

Aliw na kuwento ng isa ring nakapanood: "Yung kumakain ka tapos eto mapapanood mo. Nabulunan tuloy ako. Shuta ka Rufa Mae!!!."

Read: Oscar-winning actress Diane Keaton dies at 79

KEEPING HERSELF BUSY

Sa recent interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rufa Mae ay inamin nitong nagluluksa pa rin siya sa pagpanaw ng kanyang mister na si Trevor Magallanes.

Pumanaw si Trevor noong July 31, 2025.

Ang anak nina Rufa Mae at Trevor na si Athena ay walong taong gulang pa lamang.

Isa raw sa paraan ni Rufa Mae para maibsan ang pagdadalamhati ay ang pagtatrabaho.

Sa ganitong paraan daw ay pansamantala niyang nakakalimutan ang lungkot at pangungulila dulot ng biglaang pagpanaw ng asawa.

"Nalilibang ako, pero minsan after three days na busy, ganun pa rin, iiyak ka pa rin," sabi ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kagaya kahapon, umiyak ako tapos natulog ako ng tanghali, tapos sabi ni Athena, 'Mama, ako rin.'

"Hindi na siguro mawawala yung umiiyak, mapo-pause, busy ako, malilibang, pero babalik ka na naman sa katotohanan."

Read: MMFF 2025 official entries: A mix of horror, comedy, drama, thriller

Nagpasalamat si Rufa Mae sa mga proyekto na meron siya sa kasalukuyan, kabilang na ang mapabilang sa Your Face Sounds Familiar.

"God is good, e. Siguro yun din ang plano sa akin ng destiny ko, kaya pala dito ako binalik ng Diyos," sambit ng komedyana.

"Yung mga nangyari sa buhay ko, lagi na lang akong pinababalik sa Philippines, yung destiny ng Diyos na parang, 'Rufa, kasi may mga kailangan ka pang asikasuhin, may gagawin.'

"Ngayon, parang naging maliwanag sa akin na dito muna ako magpokus kasi nga nandito lahat ng nagmamahal, tumatangkilik...

"Maraming offers, may trabaho, kaibigan, pamilya, kaya todo na 'to!"

Read: Rufa Mae opens up about coping with husband's death

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For her Your Face Sounds Familiar debut, comedienne Rufa Mae Quinto (left) took on the challenge of impersonating Vice Ganda (right). While her voice didn’t quite match Vice’s signature tone, her hilarious performance left both the judges and viewers in stitches.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results