PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF chair confident in lineup of MMFF 2025 official entries

MMDA Chairman Atty. Don Artes addresses pull-out issue of small producers.
by Melba R. Llanera
Published Oct 12, 2025
atty. don artes mmff 2025
MMDA and MMFF Chairman Atty. Don Artes on MMFF 2025 official entries: "Magaganda naman yung ating mga pelikula at mukhang nagke-cater sa ating mga pelikula at nagke-cater sa iba't ibang segment ng ating society, age, bracket. So, hopefully, mas maraming manood."
PHOTO/S: Jerry Olea / MMFF

Kabilang sa mga hinaing ng producers at mga artistang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong mga nagdaang taon ay ang pag-pull out ng mga pelikulang mahina sa takilya sa unang araw pa lang ng pagpapalabas.

Ayon sa iba, sugal na ang pagpoprodyus ng pelikula ng mga maliliit na produksiyon laban sa mga kilala at malalaking film outfits.

Mas masakit daw kung sa una o pangalawang araw pa lang ay ipu-pull out na ang kanilang mga pelikula sa mga sinehan, lalo na't kakaunti na nga lang ang mga sinehang natotoka sa kanila.

Read: MMFF 2025 official entries: Horror, comedy, drama, thriller

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Port) si MMDA at MMFF Chairman Atty. Romando "Don" Artes sa announcement ng Final 4 official entries para sa MMFF 2025 sa University of Makati noong Biyernes, October 10, 2025.

Hiiningan namin ng reaksiyon si Atty. Artes tungkol sa tila wala pa ring solusyong hinaing ng maliliit na film producers tuwing MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ng MMF chairman: "Hindi naman natin pinu-pull out, binabawasan lang natin yung sinehan nila.

"Pero we make sure na hindi sila nawawalan o nasi-zero.

"Siyempre minsan mahina yung isang pelikula sa isang sinehan, pero malakas naman siya sa iba.

"So, ine-equalize naman namin para mabigyan naman ng pagkakataon yung mga malalakas na may demand pa, na ma-cater yung demand sa kanila.

"Pero, eventually, binabalik naman."

Read: Final 4 official entries to MMFF 2025 announced

MMFF 2025 OFFICIAL ENTRIES

Masaya at kuntento raw si Chairman Artes sa walong 51st MMFF entries.

Ito ay ang mga sumusunod:

Call Me Mother

vice ganda nadine lustre call me mother
Vice Ganda and Nadine Lustre in Call Me Mother
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Rekonek

bela padilla andrea brillantes rekonek
Bela Padilla and Andrea Brillantes in Rekonek

Manila's Finest

piolo enrique manila's finest
Piolo Pascual, Joey Marquez, Romnick Sarmenta, and Enrique Gil in Manila's Finest
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Shake, Rattle & Roll: Evil Origins

carla abellana srr evil origins
Carla Abellana in Shake, Rattle & Roll: Evil Origins

I'mPerfect

Krystel Go Earl Amaba i'm perfect
Krystel Go and Earl Amaba in I'mPerfect
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Love You So Bad

love you so bad
Will Ashley, Bianca de Vera, and Dustin Yu in Love You So Bad

UnMarry

angelica panganiban zanjoe marudo unmarry
Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo in UnMarry
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bar Boys: Afrer School

will ashley in bar boys
Will Ashley in Bar Boys: After School

Pahayag ni Atty. Artes: "Kami ay excited lalung-lalo na first time ko.ring nakita yung mga trailers, nakita natin na magaganda talaga yung mga pelikulang walo.

"In fact, ang feedback sa akin ay nahirapan ang selection committee na pumili kasi mahigit twenty yung sinubmit na finished movies, and apat lang yung pinili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang may discussion na ibalik ko sa sampu, anim yung piliin, dahil nga marami pa yung magaganda dun sa sinubmit.

"Pero we decided na mag-stick na lang dun sa walo dahil nga nahihirapan kami na mag-place ng mga movie sa sinehan, para mabigyan ng mas malaking tsansa yung mga pelikula.

"Mabigyan sila ng mas maraming sinehan para maraming opportunity na kumita at mai-showcase yung talents nila sa mas maraming Filipino."

Hiling ni Chairman Artes na tangkilikin, suportahan, at panoorin ng mga Pinoy ang walong opisyal na MMFF entries ngayong Kapaskuhan, at kumita ito ng mas malaki kumpara noong mga nagdaang taon.

Saad niya: "Well, ako, tangkilikin natin mga kababayan yung walong kalahok, sana mas maraming manood.

"Magaganda naman yung ating mga pelikula at mukhang nagke-cater sa ating mga pelikula at nagke-cater sa iba't ibang segment ng ating society, age, bracket.

"So, hopefully, mas maraming manood.

"Lagi naman tayong nagho-hope na mas malaki ang kitain every year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana, sana, with your help to promote, sana malagpasan natin yung last year."

Read: Will, Dustin, at Klarisse tigdadalawa ang entries sa MMFF 2025

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMDA and MMFF Chairman Atty. Don Artes on MMFF 2025 official entries: "Magaganda naman yung ating mga pelikula at mukhang nagke-cater sa ating mga pelikula at nagke-cater sa iba't ibang segment ng ating society, age, bracket. So, hopefully, mas maraming manood."
PHOTO/S: Jerry Olea / MMFF
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results