PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lala Vinzon accused of perjury, defamation by former partner

Lala Vinzon is the daughter of veteran action star Roi Vinzon.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 13, 2025
Lala Vinzon accused of perjury, defamation by former partner
Lala Vinzon, daughter of veteran action star Roi Vinzon, is reportedly facing perjury and defamation complaints filed by her former partner, Atty. Mark Tolentino (not in the photo).
PHOTO/S: Lala Vinzon on Facebook

Sinampahan ng criminal complaint ang actress/singer/beauty queen na si Ma. Isabella "Lala" David Vinzon ng kanyang dating live-in partner na si Atty. Mark Tolentino.

Sa ulat ng Bilyonaryo News Channel noong Linggo, October 12, 2025, patung-patong na reklamo ang isinampa ni Tolentino kay Lala sa Mandaluyong Prosecutor's Office.

Kabilang na rito ang perjury, falsification of public documents, obstruction of justice, oral defamation, at unjust vexation.

Ayon sa ulat, pinagsisigawan umano ni Lala ang dating nobyo habang sila ay nasa loob ng sasakyan, matapos ang isang insidente sa isang tanggapan ng gobyerno noong August 2025.

Read: Oscar-winning actress Diane Keaton dies at 79

Ang perjury ay tumutukoy sa pagsisinungaling habang nasa ilalim ng panunumpa o pagbibigay ng maling pahayag sa mga legal na proseso.

Falsification of public documents naman ang tawag sa pamemeke o pagbabago ng mga opisyal na dokumento ng gobyerno.

Ang obstruction of justice ay tumutukoy sa anumang hakbang na humahadlang o nakikialam sa imbestigasyon o proseso ng batas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang oral defamation ay paninira o pagbibitiw ng mga mapanirang salita laban sa isang tao na maaaring makasira sa kanyang reputasyon.

Habang ang unjust vexation ay tumutukoy sa sinadyang pang-aabala, pang-iinis, o panggugulo sa isang tao nang walang sapat na dahilan.

Nakasaad din sa ulat na marami ang nakakita sa pananakit ni Lala kay Tolentino na magiging saksi sa inihaing reklamo ng kanyang dating nobyo.

Kabilang umano rito ang driver, secretary, at kasambahay ng abogado na nagsabing maayos ang asal ni Tolentino nang sigawan at saktan siya ni Lala.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa naglalabas ng anumang pahayag si Lala tungkol sa isyung kinasasangkutan.

Nagpadala rin ng mensahe via email ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lala, dahil naka-deactivate ang kanyang Instagram at Twitter, upang hingin ang kanyang panig.

Hanggang ngayon ay hindi pa siya sumasagot.

Read: Lala Vinzon recounts trauma dad Roi being killed in past movies

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHO IS LALA VINZON?

Si Lala ay isa sa apat na anak ng veteran action star na si Roi Vinzon at asawa nitong former band vocalist na si Jeany David-Vinzon.

Read: Roi Vinzon reveals he has 7 children with 3 women in real life

Taong 2017 nang pasukin ni Lala ang mundo ng showbiz nang sumali siya sa Kapamilya singing competition na The Voice Teens, kunsaan hinirang siyang first runner-up.

September 2021, opisyal na naging Kapuso si Lala matapos pumirma ng exclusive contract sa Sparkle GMA Artist Center.

Pinasok din ni Lala ang mundo ng pageantry nang maging kinatawan siya ng Mexico, Pampanga, sa Binibining Pilipinas 2022.

Lala Vinzon, Binibining Pilipinas 2022
Lala Vinzon was among the Binibining Pilipinas 2022 candidates.
Photo/s: Sany Chua
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Lala Vinzon grabs chance to join Binibining Pilipinas 2022 to fight depression

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lala Vinzon, daughter of veteran action star Roi Vinzon, is reportedly facing perjury and defamation complaints filed by her former partner, Atty. Mark Tolentino (not in the photo).
PHOTO/S: Lala Vinzon on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results