Nagsumite na ng kanyang counter-affidavit ang gambling tycoon na si Atong Ang sa Department of Justice (DOJ) ngayong Biyernes, October 17, 2025.
Kaugnay ito ng murder at kidnappping complaints na isinampa laban kay Ang dahil sa pagkawala ng mga sabungero.
Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi ng abogado ni Atong na si Atty. Gabriel Villareal na hiniling nila sa ahensiya na ibalik sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang reklamo para sa maayos na case build-up at para sa “fair, impartial” investigation.

Saad ni Atty. Villareal: “Kasi po, sabi ko, kung madi-dismiss lang basta yung kaso sa kahilingan ni Mr. Ang, masaya siya doon, tama yun sa kanya.
“Kaya lang, magkakaroon pa din ng duda at suspetsa sa isip ng tao kung sino ba talaga ang may kagagawan ng missing sabungero at nasaan ba yung missing sabungeros."
Nahaharap si Atong sa mga reklamong multiple murder, kidnapping with serious illegal detention kaugnay sa mga nawawalang sabungeros.
Dawit din ang business partner niyang si Gretchen Barretto.
Read: DOJ issues subpoena for Atong Ang, Gretchen Barretto, 60 others
ATONG CAMP SAYS STRONG EVIDENCE AGAINST WHISTLEBLOWER
Sinabi rin ni Atty. Villareal na may malakas silang ebidensiya laban sa whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan na nakalagay sa USB.
Naisumite na raw nila ito sa DOJ.
Si Patidongan ang nag-ugnay kina Atong at Gretchen sa kaso ng missing sabungeros.
Aniya, “Which shows Dondon, undeniably, although dine-deny niya, bitbit po niya nakaposas yung isang missing sabungero na nakunan ng media. At yun po ay sinubmit sa panel nung huling hearing."
Nagsampa rin si Atong ng reklamo laban kay Patidongan sa Prosecutor’s Office ng Mandaluyong City noong Hulyo 3, 2025.
Robbery, grave threat, grave coercion, slander, at incriminating innocent people ang mga kasong isinampa ni Atong laban kay Patidongan.
Si Patidongan, na unang nakilala bilang Alias Totoy, ang hepe ng security agency na may hawak ng mga farm at sabungan na diumano’y pag-aari ni Atong.
Inireklamo ni Atong si Patidongan dahil sa mabigat na paratang nitong si Atong ang "mastermind" sa pagkawala ng mga sabungerong ang mga bangkay ay itinapon umano sa Taal Lake.
Read: Atong Ang denies "mastermind" tag in missing sabungeros case
Sa November 3, 2025 nakatakda ang susunod na pagdinig sa DOJ.
