PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Glenda Garcia resurrects "kontrabida powers" for Hating Kapatid

Glenda pulls from her "Valiente" villain role to create new villainess, Jacinta.
by Ruel J. Mendoza
Published Oct 18, 2025
Glenda Garcia
Glenda Garcia is grateful to GMA-7 for her role as Jacinta in "Hating Kapatid." She returns to playing a villain after playing a loving and patient mother in "Lilet Matias: Attorney-At-Law."
PHOTO/S: GMA-7

Balik sa pagiging kontrabida ang seasoned actress na si Glenda Garcia sa bagong afternoon teleserye ng GMA na Hating Kapatid.

Big leap nga raw ang kontrabida character niyang si Jacinta mula sa mabait at mapagtiis na si Nanay Ces sa huli niyang teleserye na Lilet Matias: Attorney-At-Law.

“Natutuwa ako dahil di mo makikita si Nanay Ces na character ko sa Lilet Matias dito sa Hating Kapatid bilang si Jacinta.

“Grateful ako sa GMA Network sa tiwala at paniniwala nila sa akin bilang actor. Sa lahat ng role na binibigay sa akin, binibigay ko talaga ang best ko,” ani Glenda sa naganap na mediacon noong October 7, 2025, sa GMA Annex Studio 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Thankful din si Glenda sa kanilang direktor na si Adolf Alix Jr. dahil sa paggabay sa kanya sa bago niyang TV character.

“Masaya ako at si Direk Adolf ulit ang director ko kasi kilala na namin ang isa’t isa.

“Alam niya ‘pag mabigat ang eksena, close up shot na muna kasi alam niya na ibibigay ko na lahat.

“Nag-uusap din kami kung ano ang tingin ko sa eksena at kung ano ang tingin niya kaya lumalabas ng maganda.

“Hindi ako kinabahan kasi nasabi naman sa akin yung character ko kaya napaghandaan ko.”

glenda resurrects kontrabida powers

Muli ngang binuhay ni Glenda ang kanyang kontrabida powers na una niyang ipinamalas bilang si Leona Braganza sa 1992 drama series na Valiente.

Hinaluan niya ng konting Leona ang character ni Jacinta para makabuo ng panibagong kontrabida na kaiinisan ng marami.

“Yes at magagalit sa akin ang marami dahil sa pagganap ko as Jacinta. Kasi umpisa pa lang noong mga bata pa yung role ni Mavy Legaspi portrayed by Euwenn Mikaell and ang batang Cheska Fausto portrayed by Juharra Asayo, grabe ko silang apihin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pati si Carmina Villarroel as Roselle sobra kong pagsalitaan. Galit din ako kay Leandro Baldemor as Darius kasi kapatid ko siya na bigla na lang iniwan lahat ng responsibilidad sa akin. Kaya naging matapang ako at may kinikimkim na galit parati.”

Nakatrabaho na raw ni Glenda si Zoren Legaspi sa 2017 teleserye ng GMA Public Affairs na I Heart Davao. Si Carmina ay hindi pa niya nakakasama sa anumang teleserye, pero matagal na raw silang magkakilala.

“Si Carmina kasi dumadalaw siya dati sa set ng Valiente dahil boyfriend pa niya that time si Rustom Padilla [BB Gandanghari na ngayon].

“Nag-guest na rin ako sa morning show niya noon. Masarap kasama si Mina kasi magaling, very sweet and humble.”

Kaya naman maingat si Glenda sa mga pisikal na eksena niya with Carmina dahil first time siyang kontrabida nito.

“May eksena kami ni Carmina na pakiramdam ko nakikipagsabwatan siya kay Leandro. Kinaladkad ko siya, tinulak at marami akong sinabing masasakit na salita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maayos naman naming nagawa, pero mukhang may nasaktan din physically. But it was choreographed very well. Naitawid namin nang maayos ni Carmina yung scene.”

scenes with mavy

Naging paborito naman ni Glenda ang mga eksena nila ni Mavy.

“Si Mavy ang madalas kong kaeksena. Marami kaming drama na magpapaiyak sa mga tao.

“Kahit lagi akong nagagalit, nagpapakita ng masamang ugali, di ako sinukuan ng character ni Mavy na si Tyrone.

“May vulnerable side si Jacinta at tinatago lang niya sa pagiging matapang at mataray. Malalaman nila kung ano ang mga weaknesses niya sa story.”

Inspired nga sa kanyang profession si Glenda, kaya hindi raw nawawala ang passion niya sa pag-arte.

“Sobrang pagmamahal, yung passion ko sa trabaho ko bilang artista ang nag-inspire sa akin para pagbutihan ko ang trabaho ko. I’m so grateful for the gift of work.“

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glenda Garcia is grateful to GMA-7 for her role as Jacinta in "Hating Kapatid." She returns to playing a villain after playing a loving and patient mother in "Lilet Matias: Attorney-At-Law."
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results