Usap-usapan ngayon ng Pinoy pageant fans ang beauty queen mula sa bansang Curacao na si Akisha Albert.
Itinuturing na "lucky charm" ng mga Pinoy si Akisha pagdating sa international beauty pageants.
Ayon sa pageant fans, hindi lamang isa kundi limang titulo ang napagwagian ng Pinay sa iba't ibang international pageants, mula taong 2014, kung saan may partisipasyon si Akisha bilang kandidata o tagaputong ng korona.
Read: Chie Filomeno accuses "Sofia" of malicious smear campaign
THE "AKISHA" EFFECT: 5 PAGEANTS WITH FILIPINA WINNERS
Limang titulo ang napagwagian ng Pinay beauty queens sa international pageants, kung saan apat dito ay kandidata si Akisha.
Kaya naman itinuturing siya ng Pinoy pageant fans na "secret ingredient" para sa pagsungkit ng korona.
Sa Miss Earth 2014 na ginanap sa UP Theater, Quezon City, Philippines, noong November 29, 2014, hindi pumuwesto si Akisha bilang kandidata ng Curacao.
Ang kinatawan ng Pilipinas na si Jamie Herrell ang nagwagi ng korona.

Sa Reina Hispanoamericana 2017 na ginanap sa Santa Cruz de la Sierra, Bolivia, noong November 4, 2017, si Akisha ang hinirang na Virreina Hispanoamericana 2017.
At ang nagwaging Reina Hispanoamericana ay si Winwyn Marquez ng Pilipinas.

Sa Miss Universe 2018 na ginanap sa Nonthaburi, Thailand, noong December 17, 2018, si Akisha ang kinatawan ng Curacao at nakaabot siya hanggang Top 10.
Pero ang hinirang na Miss Universe 2018 ay si Catriona Gray ng Pilipinas.

Read: Who is Matthew Lhuillier?
BACK-TO-BACK MISS GRAND INTERNATIONAL TITLES FOR 2024 & 2025
Noong 2024, muling sumali sa isang international pageant si Akisha at Pinay na naman ang nagawagi.
Sa Miss Grand International 2024 na ginanap sa Bangkok, Thailand, noong October 25, 2024, kabilang sa 5th runners-up si Akisha.
Itinanghal namang first runner-up si CJ Opiaza ng Pilipinas.
Ngunit nang magbitiw ang kinoronahang Miss Grand International 2024 na si Rachel Gupta ng India, ipinasa ang titulo kay CJ.


Sa Miss Grand International 2025 na ginanap muli sa Bangkok, Thailand, nitong October 18, si Akisha ang isa sa mga nagputong ng korona sa isa sa runners up.
View this post on Instagram
At Pinay muli ang nagwagi sa katauhan ni Emma Mary Tiglao, bilang back-to-back win ng Pilipinas sa Miss Grand International.

Read: Emma Mary Tiglao clinches back-to-back MGI crown for PH
NETIZENS REACT
Maraming Pinoy ang nagkomento sa post ni Akisha kasama sina CJ at Emma.
Sabi ng isa: "You did it again! Every time you’re present at a pageant, our Filipina queens shine and win! From Jamie Herrell in Miss Earth 2014, Teresita Ssen Marquez in Reina Hispanoamericana 2017, Catriona Gray in Miss Universe 2018, CJ Opiaza in MGI 2024, and now in 2025, marking our first ever back to back MGI win, you were there!
"You truly are a blessing, Ms. @akiishaa Albert, the Philippines’ ultimate pageant lucky charm!"

Ayon sa isa pa: "Oh Saint Akisha Albert of Curaçao, patron saint of Filipina beauty queens, please also bless the Miss Universe coronation night with your presence, so our Ahtisah may get to experience too, the luck you've brought to the past Filipina beauty queens."

