Ilang oras lamang mula nang makarating ng Pilipinas mula sa out-of-the-country trip, dumiretso si Tessa Prieto sa Makati Regional Trial Court (RTC) ngayong Lunes, October 20, 2025, para magbayad ng piyansa sa kasong estafa.
"Legal-battle ready" si Tessa sa suot niyang green dress at handmade terno style designer vest with matching green platform heels and "newly purchased" Venti tote bag.
Kahit nahaharap sa estafa ay hindi raw padadaig si Tessa at handa raw siyang labanan ang aniya'y maling akusasyon sa kanya.
"I'm a victim!" diin ni Tessa sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw ding ito sa Makati RTC sa Makati City.
Ayon kay Tessa, nadawit umano siya sa panloloko sa pera ng di pinangalanang tao na ka-deal umano ng complainant.
"You know, the thing is I have no clue what it is because I don't even know.
"Apparently, you know, [the complainant is claiming] I'm involved and whatever. I convinced the other person that she wouldn't have given the money if it wasn't for my introduction...
"I mean, I am a victim! I was also fooled and same with you. So, why don't we both go after the bad one?
"But no, she put me with a bad one. I don't know what she is accusing me of, the amount and whatever," paliwanag niya.
Sinegundahan si Tessa ng abogado niyang si Atty. Tei Leonardo.
Sabi ng abugada: "No, our client does not have any knowledge about it. If there is anything for the first case, it was more the civil liability. But that is also, you know, our client is also not accountable."
Si Tessa pa nga raw ang nagpaluwal ng pera, pero siya rin daw ay naloko.
Paliwanag pa ni Tessa: "You know, I think I was caught somewhere in the middle and had no idea.
"Like I said, I'm a victim. I was scammed. I was fooled. I was everything.
"So, now I've said, like, 'I'm just gonna move forward.'
"But then I can't, because then I'm gonna be dragged on with another person who was also scammed."
Liban sa nabanggit ni Tessa ay tumanggi na siyang magdetalye kung paano siya nadawit sa isyu ng estafa kahit wala raw siyang sinasalihang investment.

Read: Court junks criminal information vs. Tessa Prieto, Angel Chua
TESSA PRIETO ON BLINDED LOVE
Nang tanungin ng PEP kung ano ang natutunan niya sa kumplikadong legal battle niya, ang sabi lang niya ay nabulag daw siya sa pag-ibig.
"I will never fall in love so unconditionally. That's the lesson for me," ani Tessa.
"Because I love all out. I don't see the red flags. Everything vibrates in love with me.
"And so, when I already knew that there was something going on, I already put my foot down."
Tinanong din niya ang kanyang sarili, "Why am I getting victimized all over again?"
Sagot daw ni Tessa sa sarili niya, "And all my problem was I fell in love."
Masyado raw siyang nagtiwala nang walang boundaries.
"So I'm correcting that. So now, I'm... I'm here with my lawyers to defend myself and prove that justice should be served."
Read: Joy Belmonte asks Arjo Atayde about flood control project in QC
TESSA PRIETO SAYS SHE IS BATTLE READY
Nagpapasalamat si Tessa sa kanyang legal team na ginagabayan daw siya sa kinahaharap na estafa case.
Bukod kay Atty. Tei Leonardo, kasama ni Tessa sa Makati RTC sina Atty. Ronnie Rodillas at Atty. Sweet Marnilego ng Domingo Dizon Leonardo & Rodillas Law Office.
"Because I have never been in a criminal case ever. The last time I was here in court was really for my annulment," ani Tessa.
Inisip na lang daw ni Tessa na bagamat mahirap ang pinagdadaanan niya, desidido siyang lumaban para magsilbing leksyon sa iba.
Handa raw siyang humarap sa publiko at ibahagi ang legal battle niya.
Hindi raw dapat basta na lang manahimik lalo pa't inosente umano siya sa ibinibintang sa kanya.
Sa huli, sabi niya sa PEP: "Yeah, we're ready. My outfits are ready. You know, my whole outlook is ready.
"And I'm standing here again for, maybe myself plus other people that have unspoken problems and was victimized also."
Read: Arjo Atayde on Discayas: "I’ve never dealt with them."
THE FIRST COUNT OF ESTAFA THAT GOT DISMISSED
Sa ulat ng PEP noong September 12, 2025, nakasaad na ibinasura ng Makati Regional Trial Court ang criminal information para sa unang bilang ng estafa na kinaharap ni Tessa.
Ayon sa resolusyon ng korte, na may petsang August 28, hindi maituturing na kaso ng estafa kundi "personal loan" ang pakikipagtransaksiyon kay Tessa ng complainant na pinangalanang si Salud Bautista.
Ipinunto ng korte na napatunayan ni Tessa na nagbayad ito ng PHP5.05M kay Bautista, sa pamamagitan ng isang post-dated check.
Ayon pa sa resolusyon, walang ebidensiyang magpapatunay sa sinasabi ni Bautista na PH10M na ibinigay niya sa umano'y financial scheme ni Tessa at ng dati nitong karelasyong si Angel Chua.
Wala raw naipakitang bank deposit slip na magpapatunay na nagbigay si Bautista ng pera kay Tessa, at wala rin naman daw naipakitang post-dated check na magpapatunay na may ganoong halagang ibinayad si Tessa kay Bautista.
Sa kabilang banda, pinaboran ng korte ang criminal information para sa ikalawang bilang ng estafa na inirereklamo ng complainant laban kay Tessa.
Naglabas ang korte ng warrant of arrest kay Tessa at nagtakda ng bail for her release na nagkakahalaga ng PHP120,000.
Personal na humarap si Tessa sa Makati RTC nito ngang Lunes, at nagbayad ng piyansa kasama ng kanyang legal team.
Nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
Read: Estafa complaint ng GMA laban sa TAPE executives, dismissed
