Pinangalanan na sina Joaquin Arce at Sofia Pablo bilang housemates sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2.0.
Read: PBB Celebrity Collab Edition: Meet the 20 housemates
Apat na araw bago ang muling pagbubukas ng Bahay Ni Kuya, inanunsiyo ang pagsali ng dalawang young stars sa ikalawang collab ng ABS-CBN Studio at GMA-7.
Si Sofia ay isa sa kilalang teen stars ng GMA-7 at nakilala sa hit teleserye niya na Prima Donnas.
Si Joaquin ay bagong talent ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN. Anak siya ng film producer na si Neil Arce, na mister ng aktres na si Angel Locsin.
Nakapanayam sina Sofia at Joaquin ni Nelson Canlas sa 24 Oras ngayong Huwebes ng gabi, October 21, 2025.
Sinabi ni Sofia na sumali siya sa PBB dahil tingin niya ay magiging daan ito para mas makilala siya ng mga manonood ng higit pa sa mga ginagampanan niyang karakter sa telebisyon.
Paliwanag ng Kapuso actress: "This is something big for me to take. I was always a victim of misconceptions, of fake news.
"And I feel like the people know me for my work, sa mga memes ko. I want them to know me for who I really am."
Excited naman si Joaquin dahil fan daw siya ng show.
Isa raw sa pinaghahandaan niya ay ang pakikipag-bonding sa mga kaibigan niya.
Pinaplano na rin daw niya ang dadalhing toiletries at damit sa Bahay Ni Kuya.
GETTING READY TO SPEND CHRISTMAS AND NEW YEAR IN PBB HOUSE
Si Sofia naman ay siguradong mami-miss ang kanyang ina.
Tatagal kasi ang PBB ng 100 days, kaya doon na sila magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa Disyembre.
"I think I can never be ready for that because, again, sa buong buhay ko, I never spent Christmas or New Year away from my mom kasi dalawa lang kami.
"And even si Mommy, like, she was crying if I'm not there, she's gonna be alone.
"But then again, inisip namin na one Christmas, one New Year kapalit ng puwedeng ma-appreciate ng tao for who you really are. So sugal talaga."
Pangako ni Sofia, pangingitiin niya ang mga manonood ng PBB.
