PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Princess Aliyah, Miguel Vergara join PBB Celebrity Collab 2.0

Princess Aliyah turns down lead role on TV in favor of PBB.
by Rachelle Siazon
Published Oct 22, 2025
Princess Aliyah and Miguel Vergara join PBB Celebrity Collab Edition 2.0
Princess Aliyah and Miguel Vergara share why they decided to join Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
PHOTO/S: Instagram

Sina Princess Aliyah at Miguel Vergara ang pinakabagong housemates na sasabak sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2.0.

Ito ang inanunsiyo ngayong Miyerkules ng gabi, October 22, 2025, sa 24 Oras ng GMA-7.

Si Princess ay Kapuso actress na napanood sa Onanay at My Special Tatay. Habang si Miguel ay Kapamilya actor na napanood sa Nang Ngumiti Ang Langit.

PRINCESS ALIYAH

Sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras, ibinahagi ni Princess na pinili niyang sumali sa PBB kaysa isang proyekto sa GMA-7 na pagbibidahan sana niya.

"Well, nung una po tinanong ako ni mom, 'Sure ka ba?' Kasi pag nag-PBB ka, hindi mo alam baka ma-bash ka, di ba, sa loob, and di mo alam kung anong mangyayari sa labas, e."

Hindi raw siya likas na risk-taker kaya naisip daw ni Princess na ibahin ang kanyang atake.

"Bago ako mag-18, gusto kong maka-try ng something exciting," dagdag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto raw ni Princess na ma-expose sa mga kaedaran niya dahil lumaki siyang home-schooled at ang palagi lang kasama ay pamilya.

Sana raw ay ma-overcome niya ang pagkailang kapag may nakakasalumuhang lalaking kaedaran niya.

Pagbabahagi pa ni Princess, "So medyo awkward ako. So yun, siguro sana ma-develop ko na makipag-usap din, makipag-friends din sa kanila and walang ilangan."

Basta paalala lang daw ng kanyang ina, "Huwag ka mai-in love sa loob, ha?"

Nangako raw siya sa ina na hindi muna siya makikipag-boyfriend at uunahin niya ang kanyang career.

MIGUEL VERGARA

Excited din si Miguel Vergara sa kanyang PBB journey.

Napa-oo raw siya sa oportunidad na sumali sa reality show dahil gusto niyang makakilala ng mga bagong tao.

Isang bagay na una sa listahan ng mga dadalhin niya sa Bahay Ni Kuya ay ang rosary na namana niya sa kanyang namayapang lola.

Pumanaw ang kanyang lola tatlong taon na ang nakararaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Miguel, tingin niya ay may basbas ng kanyang lola ang pagsali niya sa PBB.

"Before I left for PBB, there was a yellow butterfly po nung despedida po namin. So, you know, I think good luck sa akin ng lola ko."

Siniguro ni Miguel na handa siya sa mga tasks sa Bahay Ni Kuya.

Lahad niya, "Yes, I'm competitive kasi I play tennis po. So I think yung competitiveness ko mapapasok sa loob.

"Sa emotional side naman, I also like listening to stories. I like listening to people. I think that's one quality that I think will help inside the house."

Aminado si Miguel na hindi siya marunong sa gawaing-bahay, at baka dito raw siya mahirapan.

Pero kung anu't ano man, ang isang pinaghahandaan niya ay ang pakikisama sa ibang housemates.

"And I'll just be myself po inside the house and I'll just have fun."

Sa Sabado, October 25, ang pilot telecast ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Princess Aliyah and Miguel Vergara share why they decided to join Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results