Not once but thrice inatake ang "Power Diva" na si Frenchie Dy ng sakit na Bell’s palsy.
Ang Bell's palsy, ayon sa Cleveland Clinic, ay healt condition na lumilikha ng temporary paralysis o panghihina sa isa o magkabilang bahagi ng mukha.
Nangyayari ito kapag may pamamaga sa cranial nerve na siyang kumukontrol sa facial muscles.
Bata pa lang daw si Frenchie nang unang maranasan ang Bell's palsy.
Read: Bela Padilla spotted with ex-BF Norman Bay, denies reconciliation
Unang lumabas ang symptoms ng Bell’s palsy kay Frenchie habang nasa eskuwelahan siya.
Napansin ng kanyang kaklase ang pagngiwi-ngiwi ng kanyang bibig.
Nang malaman ng teacher ni Frenchie ang nangyari sa kanya, agad siyang pinapunta sa clinic ng eskuwelahan at saka siya pinauwi ng bahay.
Pagkatapos ay nagpatingin daw siya agad sa doktor.
Balik-tanaw ng singer: “Nine years old ako, Grade 5, nung una ko ma-experience ang Bell’s palsy. So sabi ng doktor sa akin, kasi mahilig ako maglinis ng tenga.
“Sabi ni Doc, parang meron akong nakawit or natamaan na nerve kaya naging ganoon."
Kanang bahagi ng kanyang pisngi ang naapektuhan. Hindi naman daw nagtagal ay gumaling din siya.
"Yun mabilis lang, parang two weeks lang. Kasi, bata pa ako noon," ani Frenchie.
Ikalawang atake sa kanya ng Bells Palsy ay nang mag-guest siya sa noontime show na Wowowee noong 2007.
“Ang nangyari lang sa akin nung second time hindi naman ako naka-aircon. Pag gising ko, yun na. Yun lang ang naisip ko,” kuwento ni Frenchie.
Naparalisa ang kaliwang pisngi ni Frenchie, at inabot ng isang buwan bago siya naka-recover.
Malaking tulong daw sa paggaling ni Frenchie ang kanyang ina na matiyagang nagmamasahe ng kanyang pisngi na naapektuhan ng Bell’s palsy.
Ikatlong beses na dumanas ng Bell's palsy si Frenchie noong February 2025.
“Sa huli ko, mas nahirapan talaga ako,” lahad niya.
"Kasi iba yung may magulang na nandiyan, at saka ako na kasi yung magulang."
Taong 2008 pumanaw ang mga magulang ng singer.
Hindi na naabutan ng mga magulang ni Frenchie na siya ay may sariling pamilya na.
May tatlong anak si Frenchie sa kanyang husband for 22 years.
Anong nangyari nang magkaroon siya ng Bell's palsy sa ikatlong pagkakataon?
"Kumakain naman kami ng lunch ng asawa ko. Tapos, pag-inom ko ng tubig, tumulo na siya.
"So, naramdaman ko siya. ‘Shucks, Bell’s palsy na naman ‘to!’ True enough, Bell’s palsy nga," bulalas ni Frenchie.
Ibinahagi ni Frenchie sa kanyang Instagram ang recovery journey niya. Noong Hulyo ay "80 percent" na ang paggaling niya at noong Agosto ay "90 percent" na.
Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Frenchie kamakailan ay "100 percent" Bell's palsy-free na ito.
Mabuti na lang daw at gumagaling ang Bell’s palsy.
“Kasi mukha ko lang yung na-paralyze hindi katawan ko. Nakakagalaw pa rin ako,” sambit pa ng singer.
Read: Former Pinoy Dream Academy contestant Davey Langit dies
FRENCHIE DY SOLO CONCERT
Nakapanayam si Frenchie sa mediacon ng kanyang first major solo concert na may titulong Here to Stay, Frenchie Dy 20th Anniversary Concert. Gaganapin ito sa Music Museum bukas, Biyernes, October 24, 8P.M.
Malaking bagay ito para kay Frenchie na bata pa lang ay pangarap nang maging matagumpay na singer.
"Nagsimula akong kumanta sa banda. Teenager pa lang ako that time, 14 ako noon.
"Nung time na yun sumasali-sali kami sa battle of the bands. Kasi yung mga kabanda ko ka-age ko rin.
"Hanggang sa pumuwesto na kami. Tapos ang talent fee namin three sets of P45, P100. Late. 90s yan,” lahad ni Frenchie.
Big break ni Frenchie nang tanghalin siyang grand champion sa defunct Kapamilya singing competition na Star in A Million noong 2024.
Kakantahin ni Frenchie ang winning piece niya sa Star In A Million, ang “Raindrops Will Fall.”
Ayon kay Frenchie, “Napakalaki po ng utang na loob ko sa awiting yun. Doon po nagsimula na mabago ang buhay ko kaya kakantahin ko po siya.”
Read: DPWH, tiniyak na walang nasirang flood-control documents sa sunog
GUESTS AT FRENCHIE'S CONCERT
Special guests ni Frenchie sa kanyang concert ang mga kaibigan niya sa entertainment industry gaya nina Ice Seguerra, Ima Castro, OJ Mariano, at Atak Arana & FiFi.
Guests din sina Ala Kim the magician, El Gamma Penumbra, Rocky Garcia, at Sheryn Regis.
May special participation din sa concert ang former manager ni Frenchie na si Boy Abunda.
Dadalo rin si Cathy Garcia-Sampana, ang head ng CLNjK Artist Management na namamahala ng career ni Frenchie ngayon.
Front act sa concert ang artists na sina Neon, Idol Kids contestant Monique Naga, Ro Estanislao, Jade Aban, at ang Star Music rap artist na si Neeyong.
Ang concert ni Frenchie ay iprinodyus ng Grand Glorious Productions in cooperation with CLNjK Artist Management. Ang director ay si Alco Guerrero.
