PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Xyriel Manabat: "Nagkaroon ako ng near-death experience."

Xyriel on mental health concerns: "Ask for help."
by Rommel Gonzales
Published Oct 25, 2025
Xyriel Manabat admits she had a "near-death experience"
Xyriel Manabat speaks about "near-death experience" and overcoming mental health concerns in the past.
PHOTO/S: @xyrielmanabat_ Instagram

Trigger warning: Mention of attempted suicide

Inamin ni Xyriel Manabat na minsan na siyang nakadanas ng near-death experience na may kinalaman sa isyu ng mental health.

“Ako po, nagkaroon ako ng near-death experience, sa hospital at saka sa buhay," bungad ni Xyriel.

Hindi naman idinetalye ni Xyriel kung ano ang nangyari at napunta siya dun sa ganoong sitwasyon.

Sabi lang niya, "So sa hospital, naranasan ko yung tinatawag na yung mga nurse kasi unresponsive na ako."

Pagdating sa mga pinagdaanang pagsubok sa buhay, sumagi raw sa isip niyang sumuko noon.

"Tapos sa buhay naman, nakaranas na ako ng parang 'Julia moment'.

"Na parang at a very young age, maaga kong na-feel na parang, 'Ayoko na,' parang tapos na ako, ganyan.

"So yes, marami na po akong mga near-death experience sa medical and mental na aspeto."

Idiniin ni Xyriel na hindi biro ang isyu ng mental health.

Paano niya ito nalampasan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It's a long process po. It's not linear, and at the same time, you really have to acknowledge it, and you really have to ask for help.

“Huwag mong ikakahiya na nanghingi ka ng tulong. Kasi that's the bravest thing you can give for yourself. To ask for help.”

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang natutunan niya rito, sagot ni Xyriel, mahalaga raw ang pag-intindi sa sinumang taong nakakasalamuha.

“Gaya po nung sabi ni Ms. Lot and ni Ate Charlie, hindi naman kada makakasalamuha natin, malalaman natin kung ano yung pinagdadaanan.

Hindi naman porke’t may nagawang mali sa atin that day, kukutyain na natin, pagsasalitaan na natin ng masama, sisirain na natin yung araw nila dahil lang may inconvenience.

"So it's free to be kind, it's free to be nice."

Importante raw na maging sensitibo sa kapwa.

"Masayang maging kaibigan kasi hindi mo alam kung kailan nangangailangan ng kaibigan yung taong kaharap mo...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Always choose to be kind," diin ni Xyriel.

Ang tinukoy ni Xyriel na "Julia" ay ang karakter ni Charlie Dizon sa horror film na Near Death. Gumaganap si Xyriel bilang Mia, na kapatid ni Julia.

Kasama rin sa cast members ang beteranang aktres na si Lotlot de Leon.

Nakausap ng PEP si Xyriel sa red-carpet premiere ng pelikula noong Linggo, October 19, sa Cinema 3 ng SM North The Block.

Read: Magkapatid na Kim at Alessandra Atienza, pareho ng karanasan

NEAR DEATH TRAILER

Ang horror film na Near Death ay may temang tumatalakay sa attempted suicide.

Base sa trailer ng pelikula, may mental health concern ang lead character na si Julia (Charlie Dizon), at may mga nakikita siyang hindi nakikita ng iba.

May eksena sa trailer na kumausap si Mia ng pari (Joel Torre); at mayroon ding eksena na binabantaan si Mia ng isang lalaki (RK Bagatsing) na may mga kaluluwa raw na humahabol kay Mia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa direksyon ni Richard Somes, na co-producer ng pelikula, ang Near Death ay bahagi ng Sine Sindak Film Festival na ipapalabas sa SM Cinemas.

Iprinodyus ito ng Diamond Productions, CMB Films, at RVS Studios.

Mapapanood ang Near Death simula October 29, 2025.

To those who are seeking either someone to talk to or professional help because of mental health issues, you may call National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 and mobile number 0966-351-4518.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xyriel Manabat speaks about "near-death experience" and overcoming mental health concerns in the past.
PHOTO/S: @xyrielmanabat_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results