Seven provocative films ang tampok sa inaugural CineSilip Film Festival na palabas for seven days, mula Oktubre 22, 2025, Miyerkules, hanggang Oktubre 28, Martes, sa Trinoma, Market! Market!, Ayala Malls Manila Bay, at Ayala Malls Circuit Makati.
Kung ang tahanan ng 7th Sinag Maynila filmfest ay ang Gateway Cineplex sa Cubao, Quezon City, at ang 21st Cinemalaya filmfest ay ang Shangri-La Plaza sa Mandaluyong City, ang mga premiere screening naman ng 1st CineSilip ay sa Market! Market! sa Taguig City.
Read: Vice Ganda explains absence of “Magpasikat”; reveals monetary considerations
Tatlo ang nag-premiere noong Oktubre 22, Miyerkules — Haplos sa Hangin, Pagdaong, at Dreamboi.
Dalawa ang nag-premiere noong Oktubre 23, Huwebes — Salikmata at Maria Azama: Best P*rn Star.
Ang huling dalawa ay noong Oktubre 24, Biyernes, nag-premiere — Babae sa Butas at Ang Lihim ni Maria Makinang.
Lahat ng pelikula ay Rated R-18 ng MTRCB.
Lahat ay may eksena ng hubaran at puksaan, pero mild ang mga iyon kung ikukumpara sa mga payugyog sa streaming platform na VMX.
Ang regular price ng tiket ay PHP270 bawa’t erotic movie.
Ang festival pass kung saan mapapanood ang pitong pelikula ay nagkakahalaga ng PHP1,500.
PREMIERE SECREENINGS
Sa bawat premiere screening, pinamunuan muna ng host ang pagdarasal, na sinundan ng pag-awit ng "Lupang Hinirang."
May maikling mensahe ang direktor, at ipinapakilala ang mga artistang dumalo.
Bago ang mismong screening ay ipinapalabas ang omnibus trailer ng pitong kalahok na pelikula.
Present sa lahat ng premiere screening ang festival director na si Ronald Arguelles na nagturan: “The films explore desire in various forms — from neorealist encounters in the slums, to fantasies come to life.
“They dissect it through poetry, find what's funny about it, and view it through the lens of the marginalized.
“Desire comes in many forms, and our filmmakers have taken it upon themselves to give us a panorama of perspectives.
“This festival is more than just a showcase — it's a platform for storytelling, experimentation, and Filipino creativity to flourish.
“Expect films that will make you laugh, cry, question, and feel. It's proof that Philippine cinema is alive, evolving, and ready to take on the world.”
Ang awards night ay gaganapin sa Oktubre 27, Lunes, sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
Ang tatlong hurado ay sina Erik Matti, Joy A. Aquino, at Tito Valiente.
Read: Dustin Yu on Bianca de Vera: "May kakaiba sa kanya as a woman."
DREAMBOI
Erotic psychological drama na sinulat at idinirek ni Rodina Singh. Dalawang beses na-X ng MTRCB.
Sa pitong pelikulang nag-premiere sa Cinema 3 ng Market! Market!, bukod-tanging ito ang Standing Room Only (SRO). Walang naupuan ang ibang bumili ng tiket.
Nagkaroon ito ng additional screenings. Llamado na ito sa Audience Choice Award.
Bago pa man umpisahan ang opening credits, napasigaw na ang audience nang ihayag na R-18 ang MTRCB rating ng Dreamboi.

Ang central character ng pelikula ay hindi ang pink-haired na si Dreamboi (Tony Labrusca) kundi ang transwoman na si Diwa (EJ Jallorina).
Nalasap ni Diwa ang glorious kiss ni Dreamboi, and more.
Ang galing-galing ni Dreamboi sa pumping scenes with Diwa and Lilith (Jenn Rosa).
Medyo nakaka-distract lang na naka-white underwear pa rin si Dreamboi.
Ang makisig na si Maki (Migs Almedras), walang eksena ng pagtatalop.
Read: Dreamboi, dalawang beses na-X ng MTRCB bago nabigyan ng R-18
Must watch para sa mga accla at transwoman ang pelikula, kung saan nakaw-eksena si Iyah Mina sa monologo.
Naging best actress si Iyah Mina sa defunct Cinema One Originals fiomfest para sa pelikulang Mamu; And A Mother, Too (2018) na isinulat at idinirek ni Rod Singh (dating pangalan ni Rodina Singh).
Suporta sa nasabing movie si EJ Jallorina.
Take note na sa 21st Cinemalaya, ang Top 3 sa takilya ay ang fantasy-comedy na Child No. 82 (Anak ni Boy Kana), ang queer/tomboy movie na Open Endings, at ang political satire na Republika ng Pipolipinas.
Ligwak sa Top 3 ang Warla nina Lance Reblando at Kaladkaren, kung saan sa umpisa ng istorya ay tegi ang karakter ni Iyah Mina.
Sa awards night ng Cinemalaya 2025 ay wagi ng best ensemble performance ang Open Endings, samantalang ang Warla ay ngangey.
Samantalang sa takilya ng CineSilip ay itinayo o iwinagayway ng Dreamboi ang bahagharing watawat ng mga transwoman. Malamang sa alamang na may iuuwing karangalan sa awards night.
Read: Descendant of Manuel Quezon confronts director Jerrold Tarog and actor Jericho Rosales
PAGDAONG
GL movie ni Pangs Leonardo.
Matulain, tipong 100 Tula ni Luna para kay Ella.
Love triangle ng tatlong babae — ang manunulat na si Luna (Angela Morena), ang mananayaw na si Ella (Astrid Lee), at ang photographer na si Jade (Ashley Lopez).
Mapanakit ang guro na si Tano (Chester Grecia).
Katutuntong pa lang kapwa nina Astrid at Ashley sa edad na 21.
Must watch ang Pagdaong para sa mga tung, lalo na sa mga nabitin sa harutan ng apat na bida ng Open Endings na sina Janella Salvador, Klea Pineda, Jasmine Curtis-Smith, at Leanne Mamonon.
Ipinakita sa Pagdaong ang ganda ng bayan ng Allen, Southern Samar.
Sandahutay ang GL movies sa VMX, kagaya ng Unang Tikim, Throuple, Palitan, Violet, Pihit, Uhaw, Teacher’s Pet, Forbidden Desire, Lamas, Mahal Ko Ang Mahal Mo, Rapsa, Kiskisan, Late Bloomer, Halinghing, Hibang, Undergrads, Kaulayaw, X-Deal 2, Patikim-tikim, Halimuyak, Trianggulo, Sorority, Eva, Adan, Baligtaran, Us x Her, Balinsasayaw, Pin/Ya, Online Selling, Tampipi, Private Tutor, Malagkit, Eks, Kabitan, and what have you.
Iba sa mga ito ang diwa at haplos ng Pagdaong.
Read: VMX actor Chester Grecia, itinangging sumabak sa pagiging adult content creator
HAPLOS SA HANGIN
Erotic horror ni Mikko Baldoza. Na-X ng MTRCB sa unang review.
Bugbog Sarado (2003) meets Halimaw sa Banga (1986).
Sa mystery drama film na Bugbog Sarado, magdyowa sina Brandon (Victor Neri) at Shy (Andrea del Rosario).
Kapitbahay nila si Stella (Maui Taylor) na binubugbog ni Brix (Jordan Herrera).
Umiral ang hero complex ni Brandon at tinulungan si Stella.
Sa Haplos sa Hangin, seven years nang magkasintahan sina Emman (Martin del Rosario) at Liz (Angelica Cervantes). Engaged to be married na sila.
Neighbor nila si Althea (Denise Esteban), na ginagawang punching bag ni Emil (Vincent Pajara).
Umiral ang hero complex ni Emman at tinulungan si Althea, na isang halimaw sa kama.
Pinukaw at kinagat ni Althea ang hayup sa kaibuturan ni Emman.
Sina Martin, Denise, at Vincent ay tampok sa dulang Anino sa Likod ng Buwan.
Sa premiere ng Haplos sa Hangin ay dumalo ang dalawa pang bida sa Anino sa Likod ng Buwan na sina Elora Españo at Ross Pesigan.
Read: Martin del Rosario to hold nothing back in 1st "erotic" film

ANG LIHIM NI MARIA MAKINANG
Coming-of-age drama na sinulat at idinirek ni Gian Arre.
Kuwento ni Danilo (Gold Aceron) mula pagkabata hanggang pagtanda.
Tatlong babae ang inibig niya — ang kaklaseng si Anita (Christy Imperial), ang mahiwagang si Maria (Aiko Garcia), at si Teresita na naging Therese (Micaella Raz).
Comeback movie ito ni Leandro Baldemor sa pagtatalop. Meron siyang sandaling butt exposure habang nakababa ang pantalon at kinakana ang kumare (Mercedes Cabral).
Maraming tanong sa kuwento na ang kasagutan ay lihim. Itanong mo sa buwan, ika nga.
Makinang ba talaga ang apelyido ni Maria, na lumilitaw lamang kung kabilugan ng buwan?
Si Maria ba ay isang diwata?
Naka-lipstick ba siya o sadyang ganoon ang kanyang labi?
Sa tinagal-tagal ni Maria sa mundong ibabaw, wala bang pagbabago sa kanyang kaalaman?
Wala ba siyang natutunan sa kasaysayan, halimbawa’y sa kaganapan sa dalawang digmaang pandaigdig?
Ibang-iba si Maria kay Lestat de Lioncourt sa Vampire Chronicles ni Anne Rice.
Andaming kaganapan at pakikipagsapalaran sa buhay ni Lestat. Andami niyang nakasalamuha.
BABAE SA BUTAS
Mystery drama ni Rhance Añonuevo-Cariño, who dedicated the movie to her ninong Maryo J. de los Reyes.
Kuwento ng 27-anyos na tricycle driver na si Kaloy (Van Allen Ong) at ng apat na babaeng nakasama niya sa isang bahay sa squatter’s area.
Nakitira si Kaloy sa bahay ng three sisters — ang girlfriend niyang si Dona (Vern Kaye), ang una niyang niligawan na si Sheila (Arah Alonzo), at ang bunsong si Angel (Karen Lopez) na graduating na bilang Architecture student.
Nakitira rin ang vlogger na si Megan de Vera (Skye Gonzaga), na kaibigan ni Dona.
May subplot kaugnay sa boss ni Sheila na DOM (Archi Adamos).
Caught in the act ni misis (Marnie Lapus) ang kangkangan nila sa sahig ng upisina.
Minsang mag-CR si Kaloy, may nag-text sa kanya para ipasok niya ang kanyang ari sa butas nang sa gayon ay makaraos niya. Akala ni Kaloy ay si Dona iyon.
Natulaley si Kaloy nang matanto na hindi iyon si Dona. Kasi, habang pinapaligaya siya ng babae sa butas, si Dona ay namamalengke.
Ang itlog… bow!

SALIKMATA
Erotic supernatural thriller directed by BC Amparado, na nagdirek ng Cinemalaya 2024 film na Gulay Lang, Manong.
Kagaya ng French art thriller na Irreversible (2002) starring Monica Bellucci, Vincent Cassel, and Albert Dupontel, Salikmata (Unseen) is told in reverse chronological order.
Nag-umpisa ang pelikula sa closing credits. Meron itong labintatlong kabanata, at nagwakas ito sa prologue.
Ang opening scene ang huling event sa kuwento — kinaladkad ni Jordan (Aerol Carmelo) ang buntis na si Karina (Aliya Raymundo), at nagpakita ang isang nilalang na kung tawagin ay Kulariut.
Sa pag-usad ng pelikula ay unti-unting mabubunyag ang mga bagay-bagay.
Si Karina ay anak ng mayor (Jeffrey Hidalgo).
Si Jordan ay labandero dati ng kanyang pinsan (VJ Vera).
Nag-abroad ang kasintahan ni Jordan na si Mercy (Rinoa Halili).
Read: VMX actor Jhon Mark Marcia, "medyo" nagsisi sa video scandal
MARIA AZAMA: BEST P*RN STAR
Sexy comedy ni Alpha Habon.
Kasama sa cast si Jeric Raval pero wala siyang butt exposure, at wala rin siyang kalampungan.
May moment si Jeric na reminiscent ng There’s Something About Mary (1998).
Nagpapaalala rin iyon ng isang eksena ni Marissa Sanchez sa Boy Bastos (2022) na pinagbidahan ni Wilbert Ross.
May masturbation scene si Martin del Rosario sa Haplos sa Hangin, si Tony Labrusca sa Dreamboi, si Van Allen Ong sa Babae sa Butas, at si Gold Aceron sa Ang Lihim ni Maria Makinang.
Sa Maria Azama, tatlong hombre ang nagsarili — si Albie Casiño at ang gumanap bilang dalawang katropa niya na sina Micah Andres at Aldo Cuervo.
Mahiwaga ang dagta ni Jepot (karakter ni Albie). Hindi tiyanak ang binuhay niyon, kundi ang pinapantasya niyang Haponesang p*rn star na si Maria Azama (Dani Yoshida).
Binanggit ng co-worker ni Jopet na si Cheche (Chloe Jenna) ang kuwento sa Greek mythology tungkol sa hari at eskultor na si Pygmalion, na umibig sa nililok niyang estatwa na si Galatea.
Sa local movies, prinodyus ng Seiko Films ang dalawang Machete movies na bida sina Cesar Montano at Gardo Versoza.
Sa Kapuso telefantasya na Machete ay si Aljur Abrenica ang bida.
Sabi nga, si Maria Azama ay parang Machete na Sadako na hindi nakakatakot at maya’t maya ay gustong makipagbembangan kay Jepot.
Read: Albie Casiño, inamin kung sino ang nag-iisang fantasy niya
