Ipinakilala na si Luis Manzano bilang nagbabalik na main host sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Ngayong Sabado ng gabi, October 25, 2025, sumalang si Luis sa Confession Room para kausapin si Big Brother.
Ibinahagi ni Luis na naging host siya ng PBB noong PBB Celebrity Edition 1 (2006) at PBB Teen Edition Plus noong 2008.
Read: Emman Atienza recalls joys of her childhood days before passing
Sa nakalipas na 17 taon, mas nakilala ang galing at talento ni Luis sa hosting sa iba-ibang game show at reality show sa ABS-CBN.
Ikinuwento rin ni Luis kay Big Brother na ngayon ay isa na siyang ganap na asawa at ama.
Sagot ni Kuya, sana ay maibahagi rin ni Luis ang kuwentong iyon sa PBB.

Paglabas ni Luis ng stage, sinalubong siya ng co-hosts na sina Bianca Gonzales, Mavy Legaspi, Gabbi Garcia, Melai Cantiveros, at Alexa Ilacad na mga nag-host din sa nakalipas na PBB Celebrity Collab.
Wala si Robi Domingo sa lineup ng hosts.
Masiglang sinabi ni Luis na hindi mawawala sa kanya ang excitement at kaba sa pagbabalik niya sa PBB.
Read: Dustin Yu on Bianca de Vera: "May kakaiba sa kanya as a woman."
PBB CELEBRITY COLLAB 2.O TEEN HOUSEMATES
Para sa main program, ipinakilala naman ang Kapamilya at Kapuso teen housemates na susubaybayan sa PBB Celebrity Collab 2.0.
Marami sa kanila ay child stars at mga anak ng artista.
Unang batch na ipinakilala sina Sofia Pablo, Joaquin Arce, Marco Masa, at Carmelle Collado.

Ikalawang batch sina Heath Jornales, Krystal Mejes, Miguel Vergara, at Princess Aliyah.

Ikatlong batch sina Anton Vinzon, Eliza Borromeo, Rave Victoria, at Waynona Collings.

Ikaapat na batch sina Inigo Jose, Caprice Cayetano, Lee Victor, at Lella Ford.

Ikalimang batch sina John Clifford, Reich Alim, Fred Moser, at Ashley Sarmiento.

Nagkagulatan ang teen housemates nang makita kung sinu-sino ang mga makakasama sa Bahay Ni Kuya.
Marami sa girls ang nagtilian nang makilala ang kapwa housemates na waring ka-close rin nila sa outside world.
Mayroon din sa boys na natuwa nang magkita tulad nina Joaquin at Inigo.
Unang gabi pa lang ay binigyan na rin sila ng task ni Kuya.
Anong mangyayari sa unang gabi nila sa Bahay Ni Kuya? Paano kaya ang magiging assignment nila sa household chores? Sino ang agad na magpapasiklab? May mabuo rin kayang Big Brother love?
