PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla opens up about Mommy Eva Cariño's dementia

Robin Padilla: "Walang tigil ng iyak kasi lahat ng natatandaan niya, masakit."
by Jojo Gabinete
Published Oct 28, 2025
robin padilla mommy eva carino
Senator Robin Padilla tearfully opens up about his mother Eva Cariño’s struggle with dementia: “Mahirap kasi kapag nakita mo yung nanay mong matibay, tapos makikita mo siya na helpless.”
PHOTO/S: Facebook / GMA Network

Nangilid ang luha ni Senator Robin Padilla nang magkuwento ito tungkol sa pagkakaroon ng sakit na dementia ng kanyang inang si Eva Cariño — na kilala sa pagiging matatag at matapang noong malakas pa ito.

Ibinahagi ni Robin ang kanyang saloobin sa panayam nila ng misis niyang si Mariel Padilla sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda ngayong Martes, Oktubre 28, 2025.

Read: Singer Jona Viray opens up about childhood abuse by her father

Lahad ng actor-politician: “Ang pagiging matibay, yun kami pinalaki ng nanay namin. 'Kailangan maging matibay kayo.'

"Kasi yung tatay namin, politician din siya. Local siya, once a month lang namin siya nakikita.

"So, ang nanay namin ang tatay at nanay.

“So, hindi kami puwedeng mahina. Kailangan, kahit anong dumating matibay ka. Hindi ka puwedeng uupo, iiyak."

MOMMY EVA ONLY REMEMBERS THE PAINFUL PAST

Ayon pa kay Robin, ang malimit daw maalala ni Mommy Eva ay ang masasakit na parte ng buhay nito kaya panay raw ang iyak nito nitong mga nakalipas na araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Emosyunal na lahad ni Robin: “Iba po si Mama kaya masakit sa amin ngayon na nakikita namin yung mama namin na mahinang-mahina.

“Meron siyang dementia kasi. Minsan nakakalimutan niya kung sino siya. Nakakalimutan niya kung nasaan siya.

“Ang natatandaan niya, lahat ng masakit. Kanina lang, magmula kagabi hanggang kanina, iyak nang iyak yon.

"Walang tigil ng iyak kasi lahat ng natatandaan niya, masakit.

“Kaya ang gagawin mo, tulad ng sinabi ni Mariel, kakantahan mo siya ng mga kanta na natatandaan niya.

"Halimbawa yung 'Maalaala Mo Kaya,' yun ang good memories nila ng tatay ko.

“Yun yung kapag kinanta mo, ngingiti siya. Yung 'Dahil Sa Yo...' Lahat ng kantang iyon good memories sa kanya.

"Mahirap kasi kapag nakita mo yung nanay mong matibay, matigas, tapos makikita mo siya na helpless."

Read: Raymart Santiago breaks silence on Inday Barretto's allegations

ROBIN PADILLA ON CELEBRATING CHRISTMAS AFTER HE CONVERTED TO ISLAM

Mula nang maging Muslim si Robin, hindi na niya ipinagdiriwang ang Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nagbago raw ang lahat mula nang magkaroon ng dementia ang kanyang ina.

“Minsan nga, Tito Boy, ikinukuwento ko nga kay Mariel, yung mga magagandang alaala ni Mama, Pasko.

"Kaya minsan inaano ako ng mga brothers and sisters, 'Bakit kailangan, e, Muslim ka? Wala tayong Pasko.’

“Wala akong magagawa, yun ang panahon na masaya si Mama,” katuwiran ni Robin.

Sumakabilang-buhay ang nakatatandang kapatid ni Robin na si Royette Padilla noong Enero 2021.

Mula noon, nanghina na umano ang kanilang ina hanggang magkasakit ito ng dementia.

Pagbabahagi ni Robin: “Kanina lang nabanggit ko sa kanya, 'Ma, uuwi ka ba ng Pista ng Patay?’

“Ako’y nakalimot na hindi pala niya naalala na namatay si Kuya Royette.

“Nung nasabi ko yon, dun niya naalala. Sabi ko, mali ako.”

Read: Former actor Patrick dela Rosa dies at 64

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Robin Padilla tearfully opens up about his mother Eva Cariño’s struggle with dementia: “Mahirap kasi kapag nakita mo yung nanay mong matibay, tapos makikita mo siya na helpless.”
PHOTO/S: Facebook / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results