Twelve years in the making ang Lakambini, ang pelikulang pinagbibidahan nina Lovi Poe at Rocco Nacino.
Magkasintahan pa sila nang i-shoot ang pelikula, at ngayon ay may kanya-kanya na silang pamilya.
Si Rocco ay kasal sa volleyball player na si Melissa Gohing. May anak na sila, si Baby Ezren Raffaello. Buntis uli si Melissa sa ikalawa nilang anak.
Si Lovi ay kasal sa scientist at independent film producer na si Monty Blencowe. Noon lang October 24 isinapubliko ni Lovi na nanganak na siya ng unang anak nila ni Monty.
Read: Lovi Poe welcomes firstborn; shows off two-week postpartum body
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco noong October 23, 2025.
Dito inihayag ni Rocco na masaya siyang malamang magkakapamilya na rin si Lovi.
"I'm very happy for her and her husband," saad ni Rocco.
Taong 2016 nang maghiwalay sina Rocco at Lovi matapos ang dalawang taong relasyon.
On good terms daw sila ngayon.
"We've moved on. We're happy," paniniguro ni Rocco.
"Nagkausap kami. May closure kami. We're both happy for each other.
"Nakapag-work din kami sa teleserye niya with Ben Alves. Nakapag-guest ako dun, nakapag-usap din kami ni Lovi."
Ang tinutukoy ni Rocco na "teleserye" ay ang Owe My Love, na huling drama series ng Lovi sa GMA-7 bago siya lumipat sa ABS-CBN.
LAKAMBINI
Excited si Rocco dahil sa wakas ay ipapalabas na ang Lakambini sa November 5.
Hango ito sa buhay at pag-ibig ni Gregoria de Jesus, na itinuturing na Lakambini ng Katipunan.
Gumaganap na Gregoria o Oryang sina Elora Espano, Lovi Poe, at Gina Pareño.
Si Rocco ay gumaganap bilang Andres Bonifacio.
Nasa pelikula rin si Paulo Avelino at ang pumanaw na beteranong aktor na si Spanky Manikan.
Ang direktor ay si Arjanmar Rebeta.
Siniguro ni Rocco na worth it panoorin ang pelikula.
"Of course, it needs to be heard, e. Sabi ko nga, very timely ito, e, sa lahat ng nangyayari ngayon.
"Marami sa atin ang takot mag-voice out. Dito pinakita ni Ka Oryang talaga na, 'Hindi, sasabihin ko sa iyo kung mali.' Sana ganun din tayo.
"Ako, very vocal din ako. Sabi ko, ang wish ko ang matamaan nito lalo ang mga kabataan.
"Sorry, magiging transparent ako, pero marami sa mga kabataan natin entitled, weak, and timid.
"We need something like this to spark [conversation]. Sa isandaan na makapanood nito, dalawa ang ma-inspire maging Gregoria de Jesus, kumbaga, malaking bagay na yun."
Read: Former actor Patrick dela Rosa dies at 64
ROCCO NACINO ON FILMING LAKAMBINI
Naibahagi rin ni Rocco ang karanasan niya sa paggawa ng pelikula.
"Makikita niyo yung growth ko dito, yung hitsura ko noon. And siguro maa-identify niyo kung anong part yung this year lang ginawa, this year lang kinunan."
Ikinatuwa rin ni Rocco na pasok ang physical features niya para sa kanyang role bilang Andres Bonifacio.
"Tulad ng sinabi ko, pang-period ang hitsura ko. Pero it's something na akala ko nakakasagabal sa self-esteem ko dati na di ako mestizo, na I won't make it in showbiz.
"Pero, yeah, may mga projects na tulad nito. Meaningful yung mga experience ko and, of course, very important din yung project. So very thankful ako ngayon sa features ko."
Ano ang natutunan niya sa karakter niya bilang Andres Bonifacio?
"Tinanong yan ni Direk kanina. Ang pagkakakilala natin kay Andres Bonifacio ay yun nga, mayabang, matapobre, kumbaga, maingay, malakas.
"But here, you will see a different side of him. Mas makikilala natin siya bilang partner nga ni Gregoria.
"Mas maiintindihan natin ang pagiging bayani niya in a different way, the softer side of Andres Bonifacio."
Read: Raymart Santiago breaks silence on Inday Barretto's allegations
ON ROLE OF WOMEN
Ayon kay Rocco, marami siyang natutunan sa Lakambini kung paano mas pahalagahan ang kababaihan.
"Dapat naman talaga. Nasabi ko kanina yun na nagbago ang tingin ko sa mga babae, lalo na sa asawa ko, lalo na nung nanganak siya.
"Yung respeto na mayroon ako ngayon para sa mga kababaihan really shows na di lang naman talaga lalaki ang dapat na kumikilos even noon pa.
"This film will show that women are indeed empowered also and they can lead ways," saad niya.
