Masayang yugto ng kanyang buhay kung ituring ni Tweetie de Leon-Gonzalez ang kanyang maiksing panahon sa showbiz.
Si Tweetie, na nagmarka bilang Filipina supermodel, ay pinasok ang showbiz noong ‘90s at napabilang sa iconic fantasy TV sitcom na Okay Ka, Fairy Ko!.
“I really just had one foray into showbiz… that was Okay Ka, Fairy Ko! which was six years of my life… an enjoyable period of my life,” pagbabalik-tanaw ng former model-actress sa recent interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang reporter.
Si Tweetie ang pangalawang aktres na gumanap bilang Faye, ang diwatang naging asawa ni Enteng Kabisote na ginampanan ni Vic Sotto.
Si Alice Dixson ang unang gumanap bilang Faye, na ginampanan din noon nina Dawn Zulueta, Kristine Hermosa, at Gwen Zamora.

Read: Tweetie de Leon and Christine Jacob talk about aging gracefully
TWEETIE LOOKS BACK ON HER TV ROLE
Matapos ang higit dalawang dekada, at nagretiro na sa pagiging modelo at aktres para pagtuunan ang pamilya, saya pa rin ang nararamdaman ni Tweetie kapag binabalikan ang kanyang nag-iisang showbiz venture.
“At first, I didn’t wanna do it,” sabi niya tungkol sa kanyang role sa Okay Ka, Fairy Ko!.
“But eventually I joined, and I had the time of my life,” sabi ni Tweetie.
Naging kaibigan daw ni Tweetie ang mga bumubuo ng TV show, kabilang ang production team.
“Meeting these people who became my friends, even the crew, they’re good friends of mine, I still see them,” banggit niya.
Ibinahagi rin ni Tweetie kung sino sa cast ang patuloy niyang nakakausap hanggang ngayon.
“Ice [Seguerra], who I’m still in touch with,” pagtukoy niya sa singer-actor na gumanap bilang anak nila ni Enteng.
Nabigyan din ng pagkakataong makagawa ng pelikula si Tweetie para sa film franchise ng fantaserye.
“And then we had a couple of movies,” sabi niya.
TWEETIE DE LEON ON LEAVING SHOWBIZ
Pagsapit ng early 2000, may nangyari na naging hudyat para talikuran ni Tweetie hindi lamang ang showbiz kundi pati ang kanyang modeling career.
“I got pregnant. I started my family and I also ended my professional fashion modeling career.
“Because that was a conscious decision to focus on my family, coz I was growing my family, and I had four kids then after.
"And by that time, my priorities have changed," paliwanag ng 57-year-old former model-actress.
Apat ang anak nila ng asawang si Mon Gonzalez. Ang kanilang panganay ay 29 anyos at 20 naman ang bunso.
Namamangha rin daw sa Tweetie na magpahanggang ngayon ay patuloy siyang nakikilala ng mga tao dahil sa Okay Ka, Fairy Ko!.
Saad niya: “I’m really just so happy that Okay Ka, Fairy Ko! is still matunog. It’s still matunog, e. It’s not me, it’s the show, and I’m part of it.
“It was a successful TV show and I’m grateful that I’ve been taken part of that.
“Even this generation, they know about it or they’ve heard about it.”
Binibiro nga raw ni Tweetie ang mga nakakasalubong niya at binabati siya dahil sa kinabilangang fantaserye.
“So when I come across, when I come into contact with people who would tell me, ‘I remember you from Okay Ka…,' I would always tease them, ‘O, matanda ka na!’” sabay tawa ni Tweetie.

TWEETIE DE LEON ON NEW STAGE OF HER LIFE
Ikinuwento rin ni Tweetie na noong kapanahunan niya, ang mga modelong katulad niya ang nasa cover ng glossy fashion magazines.
Ito ang tatak ng print magazines noon.
Subalit pagtuntong daw ng early 2000, ang mga modelo ay pinalitan ng mga artista sa cover.
Pero masaya raw si Tweetie na naranasan niya ang panahon kunsaan ang mga modelong tulad niya ang namamayagpag.
Ngayong nasa late 50s na si Tweetie, nag-iba na raw ang pananaw niya pagdating sa edad.
Saad niya: “I’m happy to be this age. Honesty, I’m not afraid of getting older.
"I’m aware of what I can still do, and I can still do a lot I think at this age.
“I welcome this new stage in my life. I’m not afraid. I like myself better now, actually.
“I’m more accepting of my faults, of my flaws, of my imperfections. I can laugh about it.
“Whereas before, I would be defensive because I was young and immature.”
Aniya sa estado niya ngayon, “It’s just more peaceful on my part. I don’t feel the need to explain anything to anyone.”
Kung mayroon man daw grupo ng taong pinapahalagahan ni Tweetie ang sasabihin ukol sa kanya, ito ay ang pamilya niya.
