PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto flaunts sweet photo with Milano Sanchez

Are they officially in a relationship?
by Rachelle Siazon
Published Oct 30, 2025
Is Claudine Barretto in a relationship with Milano Sanchez?
Claudine Barretto reveals what appears to be a blooming romance with Milano Sanchez, brother of veteran broadcaster Korina Sanchez.
PHOTO/S: @claubarretto / @onalim_zehcnas / @loveforclaudine Instagram

Isinapubliko ni Claudine Barretto ang pagkakamabutihan nila ni Milano Sanchez, ang lalaking nagbibigay umano ng matamis na ngiti sa aktres ngayon.

Sa Instagram ni Claudine ngayong Huwebes ng umaga, October 30, 2025, ipinakita niya ang litrato nila ni Milano.

Nakatayo si Claudine habang yakap niya si Milano na nakaupo sa silya.

Tinakpan ni Milano ang kanyang mukha, pero makikitang matamis din ang pagkakangiti nito tulad ng aktres.

Makikita sa likuran nila ang ilang food stalls sa isang di pinangalanang lugar.

Kalakip ng lovestruck emoji, sabi sa caption ni Claudine (published as is): "Can you really wait??? No matter how long??? No one wil break me? Swear?"

Naka-tag sa post ni Claudine ang IG handle ni Milano na @onalim_zehcnas.

Read: Raymart Santiago breaks silence on Inday Barretto's allegations

MILANO SANCHEZ VOWS TO PROTECT CLAUDINE BARRETTO

Nang tingnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang IG feed ni Milano, makikita roon ang litrato nila ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauna itong i-post ni Milano ilang oras ang nakararaan.

Dito ay may pag-amin si Milano ng kanyang pagtatangi kay Claudine.

Sabi sa caption ng post ni Milano kalakip ng heart emoji: "The courtship starts now.

"No matter how long it takes, I will wait. No one will ever break you again."

Nilagyan ito ni Milano ng background music na "Can We Just Stop And Talk A While."

May ilang bersiyon naman ng litrato nina Claudine at Milano na kita na ang mukha ng lalaki.

Sa comments section ng post ni Claudine, may mga tagasuporta ang aktres na natuwang makitang may bago itong pag-ibig.

Natukoy rin agad ng netizens na si Milano ay kapatid ni Korina Sanchez.

Sa Instagram feed ni Milano ay makikita namang kasama niya sa ilang litrato ang beteranang broadcaster.

Read: KC Concepcion on seven-year break from showbiz, reconciliation with Sharon Cuneta

CLAUDINE BARRETTO AND ESTRANGED HUSBAND RAYMART SANTIAGO

Ang pagsasapubliko ni Claudine ng buhay pag-ibig ay kasunod ng mga paglabas ng kanyang inang si Inday Barretto ng mga tirada laban sa estranged husband ni Claudine na si Raymart Santiago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi malinaw kung bakit nagpainterbyu si Inday sa vlog ni Ogie Diaz, pero inungkat ng Barretto matriarch ang mga seryosong alegasyong pinag-awayan nina Claudine at Raymart sa korte noon pang 2013.

Umalma naman si Raymart sa aniya'y "paninira" at masasakit na akusasyon sa kanya ni Inday. Nanindigan si Raymart na tinupad daw niya ang pangako kay Inday at sa namayapa nitong mister na si Miguel na itataya niya ang sarili para protektahan si Claudine.

Umapela rin si Raymart sa publiko na huwag siyang husgahan, at sinabing hahayaan na lang niya sa paglipas ng panahon na lumabas ang katotohanan.

RELATED STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto reveals what appears to be a blooming romance with Milano Sanchez, brother of veteran broadcaster Korina Sanchez.
PHOTO/S: @claubarretto / @onalim_zehcnas / @loveforclaudine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results