PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sugar Mercado no bad blood with ex-boyfriend Willie Revillame

Sugar Mercado prefers to be single for now.
by Melba R. Llanera
Published Oct 31, 2025
Sugar Mercado no bad blood with Willie Revillame
Sugar Mercado says she has no more communication with ex-boyfriend Willie Revillame: "Si Kuya Wil, wala naman diyang masamang tinapay. Wala kaming pinagsamahan na di maganda, alam naman niya rin yun. Busy lang talaga kami pareho."
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Marami ang nagulat nang aminin ni Sugar Mercado na pitong taon niyang naging karelasyon si Willie Revillame.

Hindi sinabi ni Sugar kung kailan sila naghiwalay ni Willie, pero wala na raw silang komunikasyon ngayon.

"But I hope na okay siya," sambit niya.

"Ako, kasama naman sila sa dasal ko always, saka mabuti naman yung tao.

"Walang anything ako na masasabi sa kanya na hindi maganda.

"Gusto ko mag-enjoy siya. I-enjoy niya lang kung ano ang mayroon siya.

"Gusto ko yun para humaba ang buhay niya."

Paglalarawan pa niya kay Willie, "Yung tao na yun masyadong masinop, mabuti."

Read: Sugar Mercado confirms past relationship with Willie Revillame

Kung ano man ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan, tingin ni Sugar ay walang isyu sa pagitan nila ni Willie.

"Si Kuya Wil, wala naman diyang masamang tinapay. Wala kaming pinagsamahan na di maganda, alam naman niya rin yun.

"Busy lang talaga kami pareho," saad ni Sugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkatrabaho sina Sugar at Willie sa noontime show na Wiltime Bigtime noong 2011-2012 at sa Wowowin noong 2017.

SUGAR'S CHOICE TO BE SINGLE

Nang tanungin kung bukas siya sa mga bagong manliligaw, sinabi ni Sugar single siya ngayon.

Ani Sugar, "Choice ko. Gusto ko na sa kids ko muna talaga.

"Iba rin yung binibigay sa akin ni God, e. Yung purpose niya sa akin pag nagla-live ako ng Bible study online.

"Yung paglaki ng mga anak ko kasi... Nakikita naman natin yung mga kabataan ngayon, lalo na sa social media, naiiba na rin.

"Gusto ko talagang tutukan yung mga importante na bagay."

Sabay pinunto niya na kahit single siya ay masasabi raw niyang buo siya.

"Naranasan ko yung pag-ibig na wagas na walang kapantay sa buhay natin, na walang hinihinging kapalit, mamahalin ka lang Niya.

"Pag-ibig ng Panginoon sapat na sa akin yun. Saka yung mga mahal ko sa buhay."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sugar sa ribbon cutting ng Nazareth Instutute of Alfonso sa Alfonso Cavite noong October 20, 2025.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Anak ni Manny Pacquiao, panalo sa Thrilla in Manila 2

SUGAR MERCADO ON SEXBOMB REUNION

Dito ay natanong din siya tungkol sa reunion concert ng SexBomb na may titulong Get Get Aw! na gaganapin sa Araneta Coliseum sa December 4.

Ayon kay Sugar, hindi siya makakasama sa concert dahil sa kontrata niya bilang Mrs. Universe 2025.

Paliwanag niya: "Heto na nga, nasabay yung rehearsal saka pictorial ng SexBomb, pero manonood ako.

"Kasi sa pageant, ang daming bawal sa kontrata kundi magbabayad tayo ng eme, e, wala tayong pambayad. May conflict.

"Naintindihan naman ng mga ate ko yun. Sa December 4, sine-share ko na lahat ng mga ganap nila, pupunta ako, manonood ako. Siyempre support ako sa SexBomb."

Taong 1999 nang mabuo ang grupong SexBomb sa pangunguna ng kanilang manager na si Joy Cancio.

Ilan sa kanilang hit songs ay "Bakit Papa," "The Spaghetti Song," "Halukay Ube," "Di Ko Na Mapipigilan," at "Sumayaw, Sumunod."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumida rin ang SexBomb sa afternoon series sa GMA-7, ang Daisy Siete, na tumagal ng 26 seasons.

Proud naman si Sugar para sa mga dating kasamahan.

Saad niya: "Sobrang saya. Alam naman natin legend yan.

"Sorry ha, pero alam mo yun, hindi sa pagbubuhat, pero nasaksihan naman nating lahat na yan ang pinakamatagal na group at talagang sumikat nang bonggang-bongga at talagang sabay-sabay sumayaw.

"Ibig kong sabihin, hindi ko alam yung iba, pero talaga kami trained, masa, talagang minahal hanggang ngayon ng mga kababayan natin ang SexBomb.

"Ako, proud that I'm one of the members of SexBomb and excited ako kasi alam ko na talagang mapupuno yung concert nila.

"Abangan ninyo kasi sila Ate Rochelle [Pangilinan] nagpapapayat.

"Yung sorpresa ng mga wala sa picture, abangan niyong lahat dahil baka magulat kayo kung sinu-sino ang lalabas."

Kahit may kanya-kanyang landas na silang tinahak, napanatili raw nila ang pagiging magkakaibigan.

"Okay naman, nagge-guest kami together, kami nila Ate Sunshine, Alfa, Ate Jopay, Mia, Ate Joy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Talagang okay na okay. I am happy kasi ang layo na ng narating, iba-iba na yung naging path namin sa buhay, and all glory to God.

"We are still okay and nandiyan kaming lahat, maayos ang pamilya.

"Wala man sa showbiz, ang importante maayos ang pamilya, yun naman lagi yan," sabi ni Sugar.

Read: Sugar Mercado denies rumored affair with Willie Revillame

sugar mercado ON MRS. UNIVERSE OFFICIAL 2025 CROWN

Kinoronahan si Sugar bilang Mrs. Universe Official 2025 noong October 14. Iba't ibang bansa ang nakalaban ni Sugar sa international pageant.

"Sobrang ano, sobrang give glory to God, yun lang ang masasabi ko.

"Talagang one week lang yun, sagad yun lahat ng pinagdaanan ko, lahat ng bansa, pakikisama mo.

"Ang pageant naman, lahat yan ang kailangan mo talaga ay pakikisama kasi iba-ibang lengguwahe, lahi, so bakbakan kayo ng pabaitan, paanuhan.

"Hindi kailangang pikon, kailangan unawain mo ang lahat, mahaba ang pisi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Glory to God lahat talaga. Pati paglabas mo, lahat yun, sabi ko talaga, 'Matalo, manalo, lahat yun para sa iyo, Lord.'

"Kung nakita niyo ang reaksiyon ko dun, kung napanood niyo, yung buka ng bibig ko, 'Lord Jesus Christ, thank you so much.'

"Alam ko hindi ko kaya pero pag Siya, walang imposible sa Kanya, lahat kaya natin."

Ibinahagi ni Sugar na ilan sa nagkumbinsi sa kanyang sumali sa Mrs. Universe Official 2025 ay sina Herlene Budol at Wilbert Tolentino.

Lahad niya: "Oo, isa siya sa nag-push talaga kasi takot talaga ako, hindi ako para dun.

"May baby na ako, showbiz, business... Yung pageant, hindi yun talaga para sa akin.

"Pero sabi sa akin ni Herlene, dahil sa pagkakakilala niya sa akin, marami rin akong pinagdaanan, at alam ko ang buhay ko at adbokasiya.

"Yun naman ang pageant, e. Kung ano ang mapapamahagi mo sa ibang tao, di lang sa sarili mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa dami kong napagdaanan, naging malaking hakbang talaga yung competition na yun kasi may mga adbokasiya kayo."

Hindi raw akalain ni Sugar na mapagtatagumpayan niya ang kumpetisyon.

"Every country, five languages ang alam nila. Ako, 1 1/2 lang yung alam ko, Filipino and English and half pa yung English, minsan choppy pa!" natawang hirit ni Sugar.

"Pero alam mo, ang maganda dun, ngayon ko lang na-experience na kapag nararamdaman pala yun, kahit di kayo pare-pareho ng lengguwahe, napi-feel nila kung ano ang sinasabi mo.

"Sabi ko, 'Bakit sila nakatulala?' Tapos pumalakpak, lahat sila iba-iba, may India, Bulgaria, U.S., lahat yun, lahat sila narinig pala nila yung sinasabi ko, kung ano ang nararamdaman ko.

"Akala ko lahat sila di ako nage-gets, di ako naiintindihan. Ang sabi sa akin nung isa, 'You know, Philippines...' Hindi nila nauunawan, pero pumapalakpak. Ibig sabihin napi-feel nila yung aking sinasabi.

"Naitulong ng pageant na yun na mag-grow pa ako, siyempre si Mima, si Wilbert Tolentino, ang humubog sa amin para maging successful talaga sa bagong hinaharap namin sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, No. 1, nanay-nanayan namin, manager namin, sobrang proud kami na sunud-suanod yung tagumpay niya sa buhay."

Read: Marjorie Barretto laments mom Inday Barretto's statement against her

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sugar Mercado says she has no more communication with ex-boyfriend Willie Revillame: "Si Kuya Wil, wala naman diyang masamang tinapay. Wala kaming pinagsamahan na di maganda, alam naman niya rin yun. Busy lang talaga kami pareho."
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results