Nagkaroon ng press conference para sa Cinema One Originals
digital film na Maling Akala, na ipapalabas muli sa IndieSine ng
Robinsons Galleria mula November 5 - 11. Actually, 2007 pa entry for Cinema One
Originals ang Maling Akala na pinagbibidahan nina Victor Basa at Jodi
Sta. Maria.
Dahil marami pa ang hindi nakapanood ng movie, so, hindi nakakapagtaka na ang tungkol sa gender issue pa rin ang madalas na itanong kay Victor during the press conference, since, sa Maling Akala, Victor kasi played the role of a homosexual na nagtatago mula sa batas.
Gaano nga ba siya ka-comfortable nang gawin niya ang movie?
"Very comfortable in a sense na siyempre, it's a character and I love to act. Gusto ko talagang umarte. Hindi naman, any role, I take. Nagkataon lang na nabasa ko ang script at gusto ko siya. At maganda talaga ang kuwento."
Dahil napanood na namin ang Maling Akala kaya may ideya na kami kung bakit ayaw sagutin ng diretso ni Victor ang tanong how far did it go sa love scene raw niya with same sex.
"You have to watch it talaga. Para malaman n'yo kung gaano kalawak ang range ko sa ganitong bagay," natatawa niyang sabi.
After doing the gay role, dalawa ang tila naging implication no'n sa tao. Nandiyan yung mga papuri dahil nagampanan niya ng mahusay ang character na ibinigay sa kanya. Pero hindi rin maikakaila na nagkaroon ng ibang epekto kung kaya't napagdududahan naman siyang kesyo may bahid daw.
How was it to him? "Kilala ko po ang sarili ko. I'm very comfortable and I can say, no, I'm not gay. Hindi naman isyu yun, eh, but I just know myself."
Dugtong pa niya, "No regrets po...no regrets. As I've said, yun talaga ang kuwento and I trust my audience. Our audience today are very smart contrary to popular belief," nangiti pa niyang sabi.
Pero saan nga ba niya nahugot yung klase ng performance na ipinakita niya sa Maling Akala, wherein, he was nominated pa sa Breakthrough Performance by an Actor category ng Golden Screen Awards?
"Training and of course, in our industry, we have a lot of encounters. Nag-two days workshop din kami sa PETA."
After Maling Akala, may sumunod na raw siyang ginawang another indie film pa rin which is Xenoa 2, isang sci-fi story naman at malapit na ring ipalabas. So, we asked him kung nag-enjoy ba siya doing indie films?
"I enjoy doing films. Enjoy talaga. Happy lang po akong umarte. Happy lang akong makibahagi ng isang kuwento."
How does he feel at the early start of his career, he is being recognized already?
"Kapag may nag-a-approach, ‘uy, ang guwapo mo'...along the lines of those comments. But every time I hear na, ‘uy, ang galing mo sa show na ito.' Ano, nakaka-flatter talaga.
"Flattering kasi, I'm really really critical sa acting ko. Kumbaga, I'm not happy with it. So, it's flattery because it's undeserved praise. So, hindi pa...hindi pa talaga. It's a long way to go pa."
Ayon kay Victor, kung meron man daw siyang hinahangaang actor sa ngayon, si Diether Ocampo yun.
"I admire Diether. He's one actor I look up to. And of course, si John Lloyd Cruz also. Si Diether kasi, I watched him in Maligno. And I watch TV talaga, ‘yung serious and it's a hobby for me."
Nagkatawanan ang ilang press sa sinabi naman ni Victor when it comes to his love life na nagkaroon daw sila ng M.A. ng dating girlfriend na si Valeen Montenegro. M.A. stands for Mutual Agreement at iba naman daw sa M.U. which is mutual understanding.
Aniya, "Nagkaroon kami ng mutual agreement na it would be
better if we'll go our separate ways.
Siyempre, kailangan din niyang mag-focus sa school as well as work."
Although, hindi niya itananggi na siyempre raw, may mga personal reasons din na mas gusto nilang sa kanila na lang naman daw.
"Sometimes, we still see each other, like sa TV5 [kung saan host siya ng Shall We Dance], sa hallway, we say hi and bye...pero, as far as yung kuwentuhan talaga, hang-out, hindi na talaga. Medyo mahirap na."
Wala raw third party involved. Even ‘yung pagli-link sa kanila ni Roxanne Guinoo, wala raw talaga ‘yun.
"Roxanne is just a friend. Pero to take it further, hindi po talaga. Ako rin po kasi, I'm rarely have friendship with girls, usually, nagkakatuluyan. So, yun...I'm in the point of my life na friends muna at work."
More than half a year na raw siyang single.
