Hindi na naka-follow sa isa't isa sina Ryan Bang at Paola Huyong sa Instagram.
Nitong mga nagdaang araw, napansin ng ilang netizens na wala na sa kanilang following lists ang engaged couple, na napapabalitang hiwalay na.


Pero hindi pa binubura ni Ryan ang engagement photos nila ni Paola.
Na-engage ang dalawa noong June 2024.
Read: Ryan Bang now engaged to non-showbiz girlfriend Paola Huyong
View this post on Instagram
Sa social media site na Reddit, usap-usapan ng netizens ang tungkol sa pag-unfollow nina Ryan at Paola sa isa't isa.
Paalala ng isang commenter: "This is the time where we set boundaries.
"Hindi na to kailangan pagchismissan pa and let them figure out. Let's give them the space and respect.
"Let's stop assuming things. Wala nga tayo alam exactly sa relationship nila eh"

Sinang-ayunan naman ito ng iba pa:


Read: Claudine Barretto flaunts sweet photo with Milano Sanchez
BREAKUP CONFIRMATION BETWEEN RYAN BANG AND PAOLA HUYONG?
Una nang kumalat ang isyung hindi na matutuloy ang kasal nina Ryan at Paola dahil napansin din ng netizens noong September 2025 na burado na sa Instagram ni Paola ang engagement photos nila.
Pati mga larawan nila ni Ryan ay naglaho na rin.
Noong panahong iyon, naka-follow pa sila sa isa't isa.
Read: Ryan Bang’s fiancée Paola Huyong takes down engagement photos
Lalo pang umugong ang hiwalayan nang inanunsiyo ni Paola na hanggang November 2025 na lamang ang operasyon ng Siesta Horchata Cafe na kanyang pag-aari.
Ang Siesta Horchata Cafe ay matatagpuan sa 33 Scout Santiago, Diliman, Quezon City.
Nasa second floor ito ng building kunsaan matatagpuan din ang Paldo, ang Korean restaurant na pag-aari ni Ryan at ng iba niyang Korean business partners.
Read: Ryan Bang’s fiancee announces closure of her cafe; netizens react
