PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Dustin Yu's IG photos of Bianca De Vera a soft launch?

DusBia fans: “Ito na yun.”
by KC Cordero
Published Nov 1, 2025
Photo of Dustin Yu and his IG post
Hindi man malinaw ang mga larawan, tingin ng netizens ay sina Dustin Yu at Bianca De Vera ang magkahawak-kamay sa IG post ng binata.
PHOTO/S: Dustin Yu Facebook / Instagram

Nag-soft launch ba si Dustin Yu sa Instagram kung ano ang relationship status nila ni Bianca De Vera?

Sa kanyang IG post last October 31, 2025, makikita sa hindi clear na photo ang isang lalaki at babae na magka-holding hands.

Outdoor ang setting, gabi at may liwanag na hindi matiyak kung buwan o lamp post.

Kung pagbabatayan ang photo kahit hindi malinaw, mahihinuhang sina Dustin at Bianca iyon.

Dustin Yu's IG post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post din si Dustin ng malinaw na photo ni Bianca na naka-cap at nakaharap sa camera.

Batay sa background, mukhang nasa loob ang dalaga ng isang restaurant—or kumakain siya kung saan man nang kunan ng photo.

Dustin Yu's IG post

Ang sumunod na naka-post na photo ay anino ng isang pareha na nasa rural setting.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kita ang malawak na kapatagan, at sa bandang dulo ay malalaking punongkahoy at kulay asul na kalawakan.

Read: Dustin Yu, nililigawan na nga ba si Bianca de Vera?

Dustin Yu's IG post

DAVID LICAUCO, netizens react to DUSTIN YU’S IG POST

Ang IG post ni Dustin ay nakakuha na ng mahigit 33K reactions, at mahigit 1.2K comments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaka-notable ang comment ng Kapuso actor na si David Licauco.

Ani David, “Uso pa pala yung selfie.”

Dahil naman sa IG post ni Dustin, hindi naiwasan ng DustBia fans na kiligin.

Tila pagkukumpirma ng isa na may something na nga sa dalawa: “Ito na yun.”

Sambit ng isa pa: “Stay happy and in love, DustBia.”

DustBia fans' comments
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kinilig ang fans ng DustBia kahit malabo ang photos. Photo:

May mga bumilib naman sa lakas ng loob ni Dustin na i-post ang photos.

“Ang tapaaaaang. Ganyan ang gusto namin.”

Susog ng isa pa: “Tapang ng aming baby boy. That's our paps. Hangga't wala kang inaapakang tao, ipaglaban mo yung karapatan mo [sa] love.”

DustBia fans' comments
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Photo: @dustinyuu on IG

May mga humirit naman na sana ay mag-post si Dustin ng mas malinaw na photos.

“Kailan ma-upload yung HD version nung last slide, Dustin? Hahaha, eme lang. Sige lang kung saan kayo masayang dalawa. We'll always support you both.

“Asarin niyo pa si Dustin para ilabas na niya yung mga naka-save.”

DUSTIN YU ELUSIVE ON REAL SCORE WITH BIANCA DE VERA

Ever since, elusive si Dustin sa pagsasabi kung ano ang real score sa kanila ni Bianca—na aminado siyang isang girlfriend material.

Naging close ang dalawa sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab, na umere mula March to July 2025.

Kapuso si Dustin habang si Bianca ay Kapamilya.

Pagbabahagi ng binata sa October 24, 2025 interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Si Bianca, nakilala ko na siya sa PBB, four months kami nasa loob ng Bahay Ni Kuya and for me to say na pasok siya, I really mean it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsasalarawan niya sa dalaga: "Very particular ako sa girl.

“At si Bianca, I would say, ang bait... May kakaiba talaga si kanya as a woman.

"Kung paano siya mag-isip, paano siya mag-decide, parang kaya niya i-handle yung mga bagay-bagay.

"At saka down-to-earth siya and laging nakikinig. She knows how to listen, di lang puro salita. So super nice."

Nilinaw rin niyang hindi sila nagpapadala ni Bianca sa pressure ng fans na maging sila na.

"Lagi ko rin nire-remind na happy lang, enjoy lang nila. Minsan lang kami magka-work, e, knowing na magkaiba kaming ng network, right?

"So habang may chance pa, sana, maging happy na lang yung mga tao na magkasama kami."

Nang tanungin kung hindi ba niya itatago sa publiko maging sila na ni Bianca, safe na sagot ni Dustin: "Kung magiging ganun, depende. Di ko alam."

Read: Dustin Yu says Bianca de Vera is girlfriend material

Ang DustBia ay magtatambal sa 2025 Metro Manila Film Fest entry na Love You So Bad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Will-Bianca-Dustin upcoming movie excites WillCa, DustBia fans

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi man malinaw ang mga larawan, tingin ng netizens ay sina Dustin Yu at Bianca De Vera ang magkahawak-kamay sa IG post ng binata.
PHOTO/S: Dustin Yu Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results