PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dustin Yu evasive about real score with Bianca De Vera

Dustin on closeness with Bianca: "Walang nagbago."
by Rose Garcia
Published Nov 1, 2025
Dustin Yu evasive about real score with Bianca De Vera
Dustin Yu on growing closeness with Bianca de Vera: "Kami, mas happy, mas matured at mas lumawak pa ang mundo namin. Sa bahay ni Kuya, may sarili kaming mundo, e."
PHOTO/S: @dustinyuu / @paulolazaro.studio Instagram

Mailap si Dustin Yu, 24, nang diretsong tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang estado ng relasyon nila ni Bianca de Vera, 23.

Hindi maikakaila angsweetness nila Dustin at Bianca nang maging housemates sila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab.

Base sa kilos nila ay noon pa lang ay nagkahulugan na sila ng loob.

"Honestly, noong nasa bahay kami ni Kuya, kung sino kami run, hanggang ngayon ay ganun pa rin naman kami. Wala namang nagbago," safe na pahayag ni Dustin.

"Very lucky, actually, na walang nagbago. Kasi, di ba, kapag lumabas, nag-iiba na ang dynamics, nag-iiba na ang pakikisama.

"Kami, mas happy, mas matured at mas lumawak pa ang mundo namin. Sa bahay ni Kuya, may sarili kaming mundo, e."

Mas close sila ni Bianca ngayon?

"Oo naman, super close," sagot ni Dustin.

Usisa pa rin ng PEP, may label na ba ang relasyon nila?

"Ah, secret," nakangiting sabi ni Dustin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabay bawi niya, "Wala, wala."

Nagkomento ang awtor na ito na mukhang in love si Dustin, pero natatawang paiwas na sagot pa rin ng binata, "Saan? Sa work?"

Nang klaruhin ng awtor na ito na romantic level ang tinutumbok ng tanong, kunwa'y nag-iisip na sabi ni Dustin, "Hmm… In love ba ko?" Sabay dagdag niya, “Inspired.”

Hindi nagbitiw ng label si Dustin, pero naging bukas siya sa entertainment press sa pagsasabing tingin niya ay hindi makakasagabal ang love life sa trabaho.

Dinagdag din niya na nagpapasalamat siya na nagkakasama sila ni Bianca sa Metro Manila Film Fest entry na Love You So Bad.

Magkaiba kasi sila ng home network, si Dustin ay mula sa GMA-7 habang si Bianca ay sa ABS-CBN Studio.

Read: Dustin Yu says Bianca de Vera is girlfriend material

DUSTIN YU ON LIFE AFTER PBB

Napanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dustin nang ilunsad siyang endorser ng Aromagicare sa Hype, Tomas Morato noong October 24, 2025.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dito rin inanunsiyo na magkakaroon siya ng fan meet para sa brand, ang Dustin Yu Experience, na gaganapin sa New Frontier Theater sa December 4.

Nang tanungin kung ano ang nabago sa kanya nang makalabas siya sa Pinoy Big Brother House, napaisip muna si Dustin.

Sabay sabi niya, “Marami na rin nagbago sa akin, especially sa work load.

"Kapag minsan naiisip ko, kahit na maraming dapat gawin, hindi talaga mababago kung sino ka talaga, kahit anong gawin mo.

"Yes, maraming nagbago in terms of blessing. Pero kung sino talaga ako, hindi ko kayang baguhin.”

Nang ipalabas ang PBB Celebrity Collab, mixed reactions ang feedback ng mga manonood sa kanya.

Kung may katangian siya na gusto niyang i-improve, yun daw ay ang pagiging seryoso niya sa buhay.

"Kasi, maaga rin akong naging seryoso in life na nadala ko sa industriya.

"Ngayon, honestly, natutunan ko kung paano maging light, paano mag-let-go, paano maging happy. So yun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kanina nga, napag-usapan namin na may mga issues pa na lilitaw, pero nasa sa ‘yo kung paano iha-handle. Siguro yun lang, kung paano ko patatagan yung mindset ko."

Read: Magkapatid na Kim at Alessandra Atienza, pareho ng karanasan

DUSTIN YU ON WILL ASHLEY

Una nang nag-concert sa New Frontier Theater si Will Ashley noong October 18.

May kumpetisyon ba sa kanilang dalawa?

"Wala, walang kumpetisyon,” mabilis na sagot ni Dustin.

"Alam niyo, meron siyang career at may sarili rin akong career. At ito ay fan meet, para siyang interaction. Wala, walang competition."

May onscreen love triangle sa pagitan nina Will, Bianca, at Dustin sa Love You So Bad.

May kanya-kanya ring supporters na gustong ka-tandem ni Bianca si Dustin, at meron din namang gusto sina Will at Bianca.

Pero siniguro ni Dustin na hindi iyon issue sa kanila sa tunay na buhay.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dustin Yu on growing closeness with Bianca de Vera: "Kami, mas happy, mas matured at mas lumawak pa ang mundo namin. Sa bahay ni Kuya, may sarili kaming mundo, e."
PHOTO/S: @dustinyuu / @paulolazaro.studio Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results