Present si Manny Pacquiao at misis niyang si Jinkee Paquiao sa laban ni Eman Bacosa sa Thrilla In Manila 2.
Read: Anak ni Manny Pacquiao, panalo sa Thrilla in Manila 2
Ginanap ang boxing match sa Araneta Coliseum nung October 29, 2025, kunsaan tinalo ni Eman by unanimous decision ang katunggaling si Nico Solado ng Bohol.
Ang final score ay 58-55, 58-5, at 60-53.
Si Eman ay anak ni Manny sa waitress na si Joanna Rose Bacosa. Taong 2003 nang ipinanganak si Eman.
Marami ang nagsasabing si Eman ang maaring sumunod sa yapak ni Manny, na tinaguriang People's Champ dahil sa record-breaking wins na dinala niya sa bansa sa larangan ng boksing.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Manny ang kagalakan sa pagkapanalo ng anak.
"Proud siyempre dahil nanalo ang boxing natin. Mas ganado ako manood kaysa ako ang lalaban," ani Manny.
Tinanong din namin si Manny kung ano ang advice niya kay Eman.
"Mahirap pero sabi ko hard work lang," simpleng saad ni Manny.
Tingin ba niya ay papasukin din ni Eman ang international boxing?
"I'm sure papunta yan dun," sagot ni Manny.
Marami ang natuwa na kasama ni Manny ang asawang si Jinkee sa panonood sa laban ni Eman.
Nakunan ng video at litrato ang pagkikita at pagsasama ng tatlo at kumalat ito sa social media.
"Okay naman, okay naman siya," reaksiyon ni Manny.
Dagdag niya, "At least, nakikita namin. Kumbaga, yung bata na naggo-grow, nagiging mature sa field na pinili niya. May pangarap siya sa buhay."
Ang Thrilla In Manila 2 ay proyekto ng MP Promotions na pag-aari ni Manny.
Ginunita rito ang ikalimampung anibersaryo ng Thrilla in Manila, kunsaan naganap ang makasaysayang boxing match nina Muhammad Ali at Joe Frazier noong Oktubre 1, 1975.
"Masaya dahil, can you imagine, di pa ako pinanganak ng time na yun, ako pa ang nag-promote ng anibersaryo ng Thrilla in Manila, 50th anniversary nila."
Read: Pacquiao, pinagkaguluhan ng kapwa athletes sa Physical: Asia
MANNY PACQUIAO SOON TO BE A GRANDDAD
Sa kabilang banda, hiningan din ng reaksiyon si Manny sa nalalapit na panganganak ng girlfriend ng anak niyang si Jimuel.
"Siyempre masaya. Mukha ba akong lolo?" hirit ni Manny.
Kung sakali, payag ba siya na magpatawag na lolo?
"Papa lang," saad ni Manny.
Ngayon pa lang, tingin ni Manny ay spoiler siya na lolo, lalo pa't babae raw ang anak ni Jimuel.
Read: Emman Atienza's cremated remains now at Atienza family home
MANNY PACQUIAO ON FLOOD-CONTROL SCANDAL
Bilang dating senador, tinanong din si Manny tungkol sa maanomalyang flood control projects na diumano'y kinasasangkutan ng mga mambabatas, ibang government officials, at contractors.
"Sinabi ko na naman yan noon. Noong araw ako nagsisigaw sa taong bayan. Sinasabi ko palagi na grabe ang korapsyon, times two, times three. May naniwala ba sa akin?
"Actually, na-bash pa nga ako nung nag-comment ako na grabe ang korapsyon.
"Wala akong nagawa. Ang ginawa ko, nag-pray ako sa Panginoon, na lalabas lahat ng katotohanan, lalabas lahat ng baho ng magnanakaw.
"Hayun, naglabasan nga ang lahat. Walang usok na...
"Lahat yan, lahat tayo ay haharap sa government, sa taong bayan, at higit sa lahat haharap tayo sa Panginoon."
Read: KC Concepcion reveals reason for seven-year break from showbiz
MANNY PACQUIAO NEW VENTURE
Nakapanayam ng PEP si Manny sa launch ng Manny Pay, isang online payment service app. Ginanap ang event sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel noong October 30, 2025.
Ayon kay Manny, mas mura ang fees sa paggamit sa app.
"We are not trying to compete with GCash. We are trying to lessen the burden para mas madali yung pag-process ng mga payments, makatulong din sa taumbayan.
"Mas mababa din kami. Secured na ito kasi bago ang technology. Yung system upgraded na siya so di basta-basta maha-hack. Yung old system yung gamitin mo, mag-a-upgrade ka pa."
