PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dondon Nakar, '70s matinee idol and Apat Na Sikat star, dies

Dondon Nakar dies from cardiac arrest.
by KC Cordero
Published Nov 2, 2025
dondon nakar death
Former '70s matinee idol Dondon Nakar passes away on November 1, 2025. He was 66.
PHOTO/S: Facebook / Pikapika Showbiz YouTube

Pumanaw na ang '70s singer-actor na si Dondon Nakar nitong Sabado, November 1, 2025.

Siya ay 66 years old.

Ang announcement ng kanyang pagpanaw ay ipinadala ng kanyang pamilya sa mga kaibigan at kakilala nito sa entertainment industry.

Art card about Dondon Nakar's death
Photo courtesy of Dondon Nakar's family

Ayon sa kanyang pamilya: "With faith in the Risen Lord, we share the passing of Dondon Nakar today, November 1, 2025—All Saints' Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“He passed away unexpectedly due to a sudden cardiac event.

“The Family is saddened by their loss but also rejoices that Dondon now is with the Lord.”

Ang mga labi ni Dondon ay ilalagak sa Mr. Carmel Church sa New Manila, Quezon City, mula November 4 hanggang November 5.

Read: In Memoriam: That's Entertainment stars

WHO WAS DONDON NAKAR?

Ang tunay na pangalan ni Dondon ay Guillermo Serafin L. Nakar III.

Isinilang siya noong July 26, 1959.

Young Dondon Nakar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Old photo of Dondon Nakar. Photo: Facebook

Una siyang nakilala bilang child star sa pelikulang Alaala ng Pag-ibig ng Ed V per Productions na ipinalabas noong 1971.

Nakasama rin siya sa pelikulang Fist to Kill ng Perlas Productions noong 1972.

Siya ang gumanap bilang Ding sa Darna and the Giants na pinagbidahan ni Vilma Santos, at produced ng Tagalog Ilang-Ilang Productions noong 1973.

Kabilang pa sa kanyang film credits ang Binhi (1973) at Ang Barbaro at si Genghis Khan (1973).

Mas lumaki ang pangalan ni Dondon nang maging bahagi siya ng Apat na Sikat, ang musical-variety show na kinabibilangan din nina Lala Aunor, Arnold Gamboa, at Winnie Santos.

apat na sikat

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Apat Na Sikat: (from left) Dondon Nakar, Winnie Santos, Lala Aunor, and Arnold Gamboa.

Inilunsad ang kanyang career bilang lead actor sa pelikulang Pilyang Engkantada, kasama si Winnie, noong 1976.

Ang iba pa niyang mga naging pelikula ay Menor de Edad (1979), Nang Bumuka ang Sampagita (1980), at Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang (1981).

Si Dondon ang kumanta ng theme song ng soap opera na Flor de Luna, na pinagbidahan ni Janice De Belen.

Tumakbo ang drama series mula 1980 hanggang 1983.

Read: Lito Atienza, nagpasalamat sa mga nakiramay sa pagpanaw ni Emman Atienza

DONDON NAKAR FONDLY REMEMBERS FANS' ADULATION

Sa panayam kay Dondon ng website na pikapika.ph noong September 1, 2021, sinabi nitong hindi na niya matandaan ang mga detalye kung paano binuo ni Ike Lozada ang grupo nilang Apat na Sikat noong 70’s.

Ka-loveteam niya rito si Winnie Santos na nakababatang kapatid ng Star or All Seasons na si Vilma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang natatandaan lang daw niya ay ang sinabi noon ni Ike na gagawin sila nitong superstars.

Apat na SIkat photo
Ang Apat na Sikat (back row, L-R) Dondon, Winnie, Lala, and Arnold with (front row, L-R) German Moreno, Inday Badiday, and Ike Lozada. Photo: Facebook

Hindi naman niya nakakalimutan ang sobrang paghanga sa kanilang grupo ng fans noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw maubus-ubos ang supply nila ng sampaguita garlands kapag may shows.

At kahit isa lang sa kanilang apat ang um-attend ng event, nagkakaroon ng pandemonium dahil sa pagtutulakan ng fans na lahat ay gustong makalapit.

Wala pa aniyang social media noon pero matindi rin ang awayan ng fans.

May mga pagkakataon, ayon kay Dondon, na nagkakagatan ng tenga at nagpapaluan ng tubo ang mga tagahanga.

Read: Mel Feliciano bids goodbye to ex-wife Anna Feliciano

DONDON NAKAR CLARIFIES HE DID NOT BECOME A PASTOR

Nang ma-interview si Dondon, ibinahagi niyang tahimik ang kanyang buhay at aktibo sa itinatag na Catholic charismatic community ng kanyang mga magulang, ang Elim Communities.

Nilinaw rin niya ang mga napaulat noong iniwan niya showbiz para maging isang pastor. Hindi umano iyon totoo.

Hindi siya naging pastor pero active sa services nila.

Wala siyang nabanggit kung bakit iniwan niya ang showbiz.

Inamin din niyang hiwalay siya sa naging asawa pero nanatili silang magkaibigan. Mayroon silang isang anak na lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging close friends daw niya sina Vilma Santos at Nora Aunor.

Inamin din niyang hindi talaga sila naging real friends ng mga kagrupo niya sa Apat na Sikat noong kasagsagan ng kanilang popularity.

Read: Former actor Patrick dela Rosa dies at 64

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former '70s matinee idol Dondon Nakar passes away on November 1, 2025. He was 66.
PHOTO/S: Facebook / Pikapika Showbiz YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results