Kilig at hindi takot ang pasabog ng rumored couple na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada nitong Halloween weekend matapos makita ang dalawa na magkasama in public.
Dumalo sa Halloween party sina Daniel at Kaila dressed up as Gomez at Morticia Addams ng The Addams Family — ang tanyag na American Gothic cartoons na unang lumabas noong 1930s sa The New Yorker bago naging sitcom at movie franchise.
Read: Netizens ask: Are Daniel Padilla and Kaila Estrada an item?


Kasamang nagdiwang nina Daniel at Kaila ang kanilang mga malalapit na kaibigan.


DANIEL AND KAILA SPOTTED HAVING DINNER
Hindi natapos sa nasabing Halloween party ang Daniel at Kaila sightings nitong weekend.
Naispatan din ang dalawa na magkasamang kumakain sa tila isang Chinese restaurant at may kuha rin kasama ang staff.

May video at screenshot din na makikitang nakapuwesto sa table sa ikalawang palapag ng restaurant sina Daniel at Kaila.

Mabilis namang kumalat sa social media ang mga larawan nina Daniel at Kaila na ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga.

Komento ng ilang netizens, bagay daw sina Daniel at Kaila, at masaya sila para sa dalawa.
Ikinatuwa rin ng mga tagahanga ni Daniel na makita ang aktor na tila nakausad na sa longtime relationship nito sa ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.
November 30, 2023, nang kumpirmahin nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng statement.
Read: Kathryn Bernardo learns Daniel Padilla cheated from Andrea Brillantes
#KAINIEL HARD LAUNCH?
Para sa marami, ang mga naganap nitong weekend ang kumpirmasyon ng relasyon nina Kaila at Daniel.
Nauna nang sinabi ni Ogie Diaz na may relasyon ang dalawa — pagtitinginang nabuo habang ginagawa nila ang Kapamilya serye na Incognito.
Noong Oktubre, sa programang Are You G? ng TFC, tinanong ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe si Daniel tungkol sa nasabing isyu.
Hindi kinumpirma o itinanggi ni Daniel ang rumored romance nila ni Kaila, at bagkus ay nakiusap itong huwag na lang silang intrigahin.
“Huwag na nating i-pressure yung sarili natin, huwag na nating ilagay sa ganun, i-showbiz pa yun, pero you get my point," bungad ni Daniel.
"Lalabas at lalabas, pero ayoko lang na may naghihintay na, alam mo yun, huwag na. Hayaan na nating mangyari ang mga mangyayari.”
Dagdag pa ng aktor: “Huwag niyo na muna kaming kulitin, just let it be. Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay.
"And again, ayoko siyang maging showbiz, e.
"Well, di pa rin naman maiiwasan, di ba, pero may choice pa rin naman ako, di ba?”
Read: Daniel Padilla neither confirms nor denies relationship with Kaila Estrada