Ibinahagi ni Joshua Garcia na nagpupunta siya sa mga simbahan bago mag-public screening ang kanyang pelikula sa mga sinehan.
Noong nakaraang birthday break niya ay nag-ikot daw siya sa mga simbahan sa Italy upang ipagdasal ang tagumpay ng kanilang pelikulang Meet, Greet, & Bye (MGB).
Ang pelikulang ito ng Star Cinema ay pinagbibidahan nila nina Maricel Soriano, Piolo Pascual, Belle Mariano, at JK Labajo.
Read: Belle Mariano embraces growth beyond DonBelle loveteam
JOSHUA GARCIA VISITS THE HOLY DOORS OF ROME
Paano ba niya ito pinaghahandaan? Nag-iikot ba siya sa mga simbahan?
Lahad ni Joshua: "Yes, ayan yung ginawa ko ngayon.
"Simula bata pa lang ako madasalin na ako, kasi lumaki ako sa tito kong pari.
"So, every time na may sinisimulan ako, nagsisimba ako.
"At pagkatapos nun, nagsisimba rin ako.
"Like, ang ginawa ko ngayon for celebration ng birthday ko [October 7] and at the same time, gusto kong pasalamatan sa lahat ng blessings and gustong ipagdasal yung MGB.
"So, nag-tour ako sa Rome. Nadaanan ko yung apat na Holy Doors, pero nakatatlo lang ako."
Ang tinutukoy ni Joshua na Holy Doors of Rome ay ang mga espesyal na pintuan ng apat na major basilicas doon: St. Peter's Basilica, St. John Lateran, St. Paul Outside the Walls (aka Basilica Ostiense), at Santa Maria Maggiore.

Dagdag pa niya: "Nakatatlo ako. And then nag-Lourdes ako, nag-confess ako. A, gusto ko yun.
"Gusto kong napupunta sa mga bagong simbahan kasi may libreng hiling.
"So, ayun, ipinagdasal ko yung MGB, of course. Yung success ng hindi lang yung pelikula, kundi success naming lahat, of course, after ng pelikula.
"Kailangan, e. Kailangan sa lahat ng ginagawa mo na andiyan yung Panginoon, e."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua sa intimate media day niya kahapon, November 5, 2025, sa 14th floor ng ELJ Building, ABS-CBN compound, sa Quezon City.

Read: Dominic Roque enjoys his new life as a content creator
JOSHUA ON WORKING relationship WITH DIRECTOR CATHY GARCIA-SAMPANA
Inusisa rin ng PEP si Joshua tungkol sa working relationship nila ng box-office director na si Cathy Garcia-Sampana.
Maraming beses na silang nagkatrabaho. Napagalitan na ba siya nito?
Paglilinaw ni Joshua: "Pero kasi yung pagalit niya kasi, hindi siya galit na parang namemersonal, e. Kumbaga, may itinama din siya sa pagkakamali mo.
"Mga instructions, ganyan, yun mga tinatama niya. And maiintindihan mo bilang aktor.
"Bilang nandodoon ka, bilang nagtatrabaho ka. Hindi mo siya mamasamain."
Dagdag pa niyang may halong biro: "Kahit na medyo tambalasan yung bunganga ni Direk, hindi mo mamasamain, kahit mura-murahin ka niyan.
"Hindi, e, kasi ano, pagka sinabi niya yun, kapag kinorek ka niya, doon mo malalaman na may care siya sa performance mo. So, appreciate mo na lang."
Ang dating, ayaw mapulaan ni Direk Cathy ang bawat eksena ng kanyang pelikula.
"Of course! Sino ba namang hindi, di ba?" pagsang-ayon ng Kapamilya actor.
"Kung lahat ng... we all have the same goal. Gusto namin maparating yung mensahe nang maayos, di ba?
"Gusto namin, maraming maka-relate. At saka ano yan, e, yung movie, panghabambuhay yan, e.
"Hanggang sa tumanda ka na, makikita pa rin, nandadiyan pa rin yan, di ba?
"So, one time, big time, ayusin na natin. Ganun siya, e."
Ipalalabas ang Meet, Greet, & Bye sa mga sinehan simula November 12.
View this post on Instagram
Read: Slater Young’s Monterazzas blamed by netizens for Cebu flooding
