Kontrobersiyal ngayon si Slater Young matapos ang kalunus-lunos na sinapit ng lalawigan ng Cebu dahil sa pananalasa ng Typhoon Tino na nagdulot ng pagbaha sa maraming bahagi ng nasabing lalawigan.
Sa pinakabagong ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 71 na mga Cebuano ang namatay dahil sa flash floods na idinulot ng bagyo na tumama sa Cebu noong Martes, November 4, 2025.
Dagdag pa ng NDRRMC, 65 katao sa Cebu ang nawawala pa, at mahigit sa 1.95 million katao ang naapektuhan ng matinding pagbaha.
Sinisisi ng ilang netizens ang Pinoy Big Brother: Unlimited Big Winner sa naganap na trahedya sa Queen City of the South.
Si Slater ang engineer na namamahala sa The Rise at Monterrazas, isang real-estate development na itinatayo sa tabi ng bundok ng Guadalupe.
Noong 2023 pa sinimulan ang proyekto, na ayon kay Slater ay inspired sa Banaue Rice Terraces.
Ayon sa netizens, ang The Rise project ang dahilan ng matinding pagbaha sa Cebu.
Read: Slater Young debunks "misconceptions" about controversial real-estate project
View this post on Instagram
NEGATIVE SENTIMENT
Hindi man trending ang pangalan ni Slater sa X (dating Twitter), matatagpuan pa rin dito ang maraming tweets na umaatake sa dating Kapamilya celebrity.
Ayon sa analysis ng online marketing tool na Brand Mentions, majority ng mga tweet tungkol kay Slater ay may negative sentiment; lagpas 43 million na rin daw ang naging reach ng nasabing tweets.
Isa sa top tweets ay galing sa abogadong si Jesus Falcis.
Kalakip ng tweet ni Atty. Falcis ang isang video kung saan makikita ang construction site ng The Rise at Monterrazas.
“It can clearly be seen that construction is still on-going and KINAKALBO pa din ang BUNDOK. Literally, sabi nga sa kanta, they paved paradise to put up a parking lot!” caption niya.
May 1.6 million views at mahigit sa 12,000 likes na ang tweet ni Atty. Falcis at press time.
Mas matapang naman ang ilan pang tweets laban sa dating PBB housemate.
“is their comfort even worth our lives??? F*CK YOU SLATER YOUNG. F*CK THE RICH,” saad ng tweet ni @svtland_17, kalakip ang ilang larawan ng baha.
May mahigit sa 500,000 views at 17,000 likes na ang nasabing tweet.
Tanong naman ni @datumx11, bakit daw pinayagan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang proyektong kumalbo umano sa isang bundok sa Cebu.
“ICI should include his HOMES for the RICH in its investigation together with the substandard flood control projects,” saad pa niya.
May higit sa 50,000 views at 1,300 likes na ang tweet na ito.
Read: Brilliant or risky? Slater Young gets flak for latest real-estate project in Cebu
REAPING THE WHIRLWIND
Samantala, viral sa Facebook ang post ng lawyer na si Wilfredo Garrido, na may titulong "Cebu City: Reaping the Whirlwind."
Sa post ni Atty. Garrido ay itinuro niya ang The Rise at Monterrazas bilang isa sa mga naging dahilan ng pagbaha sa Cebu.
Sinisi rin niya ang mga namumuno sa Cebu City dahil pinayagan umano nila ang proyekto ni Engr. Slater.
Bahagi ng kanyang Facebook post: “Cebu City’s dads, doubtless fattened with wine, women and song, looked the other way as Slater Young bulldozed the mountain and paved its slopes, paying lip service to his promise to replace trees felled, as none of them could grow fast enough or in numbers dense enough to substitute for the old forest.”
At dahil daw sa mga permit mula sa Cebu City officials at sa DENR ay lagi nang babahaan ang lalawigan.
“They better get used to it. The floods will keep coming back while the multi-millionaires at the mountaintop stay dry,” saad ni Atty. Wilfredo.
May halos 7,000 reactions at higit sa 500 comments na ang nasabing Facebook post.
Read: Slater Young addresses backlash over controversial real-estate project in Cebu
SLATER’S REACTION
Sa ngayon ay wala pang statement si Slater sa mga akusasyon laban sa kanya at sa kanyang real estate project.
Gayunpaman, napansin ng netizens na ipinagbawal muna nito ang mga comment sa kanyang Facebook at Instagram accounts.
Nagpadala rin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa Instagram account ni Slater ngayong Huwebes, November 6, 2025.
Wala pa kaming nakukuhang sagot at press time.
Read: Catholic group to Filipinos: Join Trillion Peso March on November 30