PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera on going viral in Vietnam: "Kinikilig talaga ako!"

Marian Rivera overwhelmed by warm welcome from Vietnamese fans.
by Melba R. Llanera
Published Nov 8, 2025
marian rivera vietnam
Marian Rivera on her return to Vietnam: "Hindi ko naman in-expect na paglabas ko [sa airport], may mga tao palang naghihintay sa akin. Nagulat talaga ako. Ang sarap naman sa pakiramdam na sa Vietnam... after ten years ago, kilala pa rin nila ako. Kinikilig talaga ako."
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram

Naging trending sa social media ang pagrampa ni Marian Rivera sa Lunar Fracture – The Art of Harmony Showcase ng Vietnamese fashion brand na Hacchic Couture sa Ho Chi Minh City, Vietnam, noong October 15, 2025.

Agaw-pansin ang Kapuso Primetime Queen habang rumarampa suot ang isang bridal-inspired gown na disenyo ng naturang brand.

Si Marian ang vedette o star model ng show, at tunay na pinahanga niya ang mga bisitang Vietnamese.

Read: Marian Rivera overwhelmed by Vietnam fashion show experience

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres noong October 27, kasabay ng two-year contract renewal niya sa NuWhite na ginanap sa Siren Studio, Makati, natanong si Marian kung gusto rin niyang dumalo sa Fashion Week sa Europe, gaya nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach.

Sagot niya: "Parang hindi ako yun, parang hindi ko personalidad yun. Hindi ako yun, e.

"Top na mga international brands? Oo, pag mga ganun okay naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, ini-invite din naman ako, pero sabi ko nga depende sa schedule.

"Siyempre priority ko pa rin na nandito ako para sa mga kids ko.

"Ngayon, kung may chance, bakit hindi? Pero pag medyo matagal, kasi minsan one week, two weeks, ay mamamatay yata ako na hindi ko makita ang mga anak ko."

Read: Anjo Yllana admits he was bluffing, calls ceasefire with Senator Tito Sotto

MARIAN RIVERA ALSO A SUPERSTAR IN VIETNAM

Aminado si Marian na nasa cloud nine pa rin siya kapag naaalala ang kanyang runway experience sa Vietnam at ang mainit na pagtanggap ng fans doon.

Kilala ng maraming Vietnamese si Marian dahil ipinalabas doon ang mga Kapuso teleserye niya gaya ng Marimar, Dyesebel, at Temptation of Wife.

Read: Marian Rivera mobbed by fans in Vietnam

"Di ko talaga ine-expect," sambit niya.

"Basta kami ay kinontak, tinawagan na kung puwede nga na pumunta ako dun dahil may event sila. Sabi ko, 'Sige, try ko lang.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko naman in-expect na paglabas ko [sa airport], may mga tao palang naghihintay sa akin. Nagulat talaga ako.

"Ang sarap naman sa pakiramdam na sa Vietnam, kung kailan pinalabas [ang MariMar], after ten years ago, kilala pa rin nila ako. Kinikilig talaga ako.

"Sabi ko nga, isa siguro sa bansang napuntahan ko, ang Vietnam sobrang sweet ng mga tao dun, sobrang bait sa akin.

"Saka all the way, kahit saan ako magpunta nandun sila to support, so thank you sa kanila."

Viral moment with an elderly Vietnamese fan

Nag-viral din sa social media ang video ni Marian habang hinahalikan at pinpiktyuran siya ng isang matandang Vietnamese fan — isang eksenang umantig sa puso ng netizens.

Kuwento ng aktres: "Oo, hindi ko rin alam kasi ang daming tao, nakita ko lang sa video na nandun pala siya.

"Yun palang apo niya is DongYanatics Vietnam. Ito ay mga hindi Filipino, ito ay legit na Vietnamese talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, sabi ko, okay na sa airport, tinanong nila kung kailan ako uuwi, so sinabi ko.

"Nakipag-coordinate ako sa DongYanatics Philippines para sila ang magsabi sa Vietnam.

"So, ayun, hinintay ko. Nung nakita ko na nandun siya, parang sinasabi niya na parang ang tagal niyang hinintay na makita ako.

"Actually, naiyak ako kasi sinabi nila sa akin, hindi raw nila alam kung kailan ako babalik. Sana raw buhay pa siya pag bumalik ako.

"At least, nabigyan kami ng chance na magkita kami."

Read: Janice de Belen, nag-walkout sa event dahil kay John Estrada?

Family first, always

Bagamat nag-enjoy si Marian sa fashion show sa Vietnam, inamin niyang hindi siya palaging makaka-attend ng ganoong events dahil priority pa rin niya ang mga anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Ziggy.

"Oo, pero siguro hindi palagi, ang hirap," pakli niya.

"Ang hirap mag-travel tapos may mga anak pa akong iniintindi. Parang, sandali muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, yung pag-alis ko sa Vietnam, itinaon ko talaga na may sembreak ang kids ko for one week.

"Pero kung walang break, hindi ko siya matatanggap."

Nakakatuwa raw ang reaksiyon ng kanyang pamilya, lalo na ng mga anak nila ni Dingdong, habang pinapanood ang livestream ng pagrampa niya.

Saad ni Marian: "Actually nakakatawa, kasi sabi ko, 'Manood kayo.'

"E, may pasok ang mga bata kinabukasan. May video silang sinend sa akin na nanonood.

"So, yung mga anak ko, niloloko ako nung nagsasalita ako ng Vietnamese. Sabi nila, 'Mommy, we cannot understand you.

"Kasi may nagturo sa akin na Vietnamese. Sabi ko, 'Parang gusto kong magsalita sa language mo since di ako comfortable na magsalita ng kung anu-ano. I-try ko kayang magsalita ng Vietnamese.'

"Pero hindi ko alam kung mapo-pronounce ko siya nang tama.

"Nag-try ako pero yung feedback sa akin, super na-appreciate daw nila na kahit hindi ko lengguwahe, e, ginawa ko raw sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung mga anak ko, nakalagay dun nagbi-video, 'I'm proud of you Mama.' Sobra silang happy para sa akin."

Pagdating sa Pasko, simple lang daw ang plano ni Marian — family time pa rin.

Aniya: "Ganun pa rin, sama-sama kami ng family. Pag Christmas kasi sama-sama ng family.

"Family ni Dong with my family. Alll together every year."

Bukod sa kanyang successful international appearance, muling pinirmahan ni Marian ang two-year endorsement contract niya sa NuWhite.

Sabi ng actress-endorser: "Siyempre nakakataba ng puso na itong mga produkto na ito na ineendorso ko ay patuloy pa rin na nagtitiwala sa akin.

"Ang maganda diyan, hindi lang siguro para sa akin, ang ganda rin ng mga adbokasiya tungkol sa mga kababaihan how to glow, hindi lang sa panlabas kundi panloob lalo."

Read: Slater Young’s Monterazzas project blamed by netizens for Cebu flooding

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on her return to Vietnam: "Hindi ko naman in-expect na paglabas ko [sa airport], may mga tao palang naghihintay sa akin. Nagulat talaga ako. Ang sarap naman sa pakiramdam na sa Vietnam... after ten years ago, kilala pa rin nila ako. Kinikilig talaga ako."
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results