PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by Manny

Eman Pacquiao says his mother Joanna Bacosa is a good person.
by Jojo Gabinete
Published Nov 10, 2025
eman pacquiao kmjs interview
Eman Bacosa Pacquiao admits he longed for a father’s love before finally being acknowledged by his dad, boxing legend Manny Pacquiao (not in photo): “Nung bata ako, lagi akong magagalitin. Naiinggit sa ibang bata lalo na kapag nakikita ko yung may Father’s Day, nakikita ko na kasama nila yung papa nila. I always longed for my father’s love ever since I was a child. I barely know him."
PHOTO/S: KMJS YouTube

Madamdamin ang mga pahayag ni Emmanuel Joseph “Eman” Bacosa Pacquiao kay Jessica Soho tungkol sa muling pagtatagpo nila ni Manny Pacquiao, na hindi raw niya nakita sa loob ng sampung taon.

Si Eman ang anak ni Manny kay Joanna Rose Bacosa, na nakarelasyon ng Pambansang Kamao noong 2003.

Isinilang si Eman noong Enero 2, 2004.

Read: Who is Eman Bacosa, rising star of Philippine boxing?

MANNY AND EMAN REUNITE AFTER TEN YEARS

Sa panayam ni Jessica kay Eman sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), na napanood sa GMA-7 noong Linggo, Nobyembre 9, 2025, detalyadong ikinuwento ng 21-year-old boxer ang paghaharap nila ng kanyang ama.

Lahad niya: “Noong 2022, bumisita kami kay Daddy, pinapasok po kami, tapos niyakap po ako ng daddy ko nang mahigpit.

“[Sabi niya], 'Na-miss kita, matagal kitang hindi nakita.' Tapos niyakap ko rin siya.

"Ako, pinipigilan ko ang luha ko, sobrang saya ko po talaga na nakita ko po siya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hanggang ngayon, hindi ko po makalimutan yung moment na iyon. Ten years po kasi na hindi kami nagkita.

“Sinabihan ko po siya na, ‘Dad, plano ko po sana mag-boksing.’

“Sabi niya, ‘Anak, mahirap mag-boksing. Mag-aral ka na lang. Papuntahin na lang kita sa Amerika.’

“Sabi ko, ‘Dad, passion ko po ang boksing, e."

Read: Anak ni Manny Pacquiao, panalo sa Thrilla in Manila 2

eman pacquiao dad manny pacquiao
Eman Pacquiao and his father Manny Pacquiao
Photo/s: KMJS YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MANNY ACKNOWLEDGES EMAN AS HIS LEGITIMATE SON

Noon din daw pinirmahan n Manny ang dokumentong nagpapatunay na kinikilala niya si Eman bilang lehitimong anak.

"Tapos pinirmahan po niya yung ano ko, ’Gawin kitang Pacquiao para mabilis ang pag-angat mo sa boksing.’

“Parang bumawi po siya sa akin. Sabi ko, 'Hala, thank you Lord.’

“Pumasok po ako ng kuwarto. Dun po ako umiyak. Sabi ko, ‘Lord, thank you. Thank you so much, Lord God,'” pagbabahagi ni Eman.

Nagkaroon daw sila ng puso-sa-pusong pakikipag-usap sa kanyang ama.

“Heart-to-heart [talk] po. Humingi po siya ng tawad sa akin. Pinatawad ko rin po siya.

“Saka sabi ko po sa kanya, 'Dad, naiintindihan ko po ang sitwasyon ninyo. Ang importante lang sa akin na makasama kayo. Sinusuportahan na po ninyo ako sa pangarap ko, sa pagbo-boksing ko, kaya po na-appreciate ko siya.”

Ibinahagi ni Eman na naranasan niyang maging biktima ng bullying dahil anak siya ni Manny, at naging mahirap daw ito para sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya: “Hindi po naging madali talaga. Tiniis ko po yung gutom, hirap, financial problems.

“Sinusuportahan naman po from time to time. Binibigyan po, pero hindi naman po as in araw-araw.”

Napaluha si Eman nang ipagtapat ang sakit ng kalooban na nararamdaman niya noong hindi pa siya kinikilala ni Manny bilang anak.

Ito ang dahilan kaya Bacosa ang kanyang ginamit na apelyido noon.

Naluluhang pagtatapat niya: “Nung bata ako, lagi akong magagalitin. Naiinggit sa ibang bata lalo na kapag nakikita ko yung may Father’s Day, nakikita ko na kasama nila yung papa nila.

“I always longed for my father’s love ever since I was a child. I barely know him."

Dasal daw ni Eman noon: “Sana, Lord, makasama ko man lang siya kahit buong araw o kahit saglit lang.”

Read: Eman Bacosa seen hugging, kissing Manny Pacquiao after knockout victory in latest bout

EMAN PACQUIAO ON GROWING UP IN JAPAN

Hindi lamang ang husay ni Manny sa boksing ang minana ni Eman dahil magaling din siya sa paggamit ng musical instruments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal na nanirahan si Eman sa Japan, kasama ang kanyang mga kapatid, dahil kinuha sila ng kanyang inang si Joanna Bacosa na nagtatrabaho noon sa nasabing bansa.

Nakilala ni Joanna sa Japan si Sultan Ramir Diño, ang kanyang asawa na tumayo bilang ama ni Eman at sumuporta sa hilig sa boksing ng kanyang stepson.

Ang matagal na paninirahan sa Japan ang dahilan kaya mahusay magsalita at magsulat sa wikang Hapon si Eman.

JOANNA BACOSA: EMAN PACQUIAO'S MOTHER

Isa nang pastora ngayon si Joanna sa Antipas, North Cotabato.

Ang mga anak niya ay mga aktibong miyembro rin ng simbahan na kanyang pinaglilingkuran.

Sa panayam ng KMJS kay Joanna, mapapansing "Sir Manny" at "Ma’am Jinkee" ang tawag niya sa mag-asawa.

Ayon sa kanya, nag-move on na siya.

Saad ng ina ni Eman: “Natutuwa ako para sa anak ko, pero parang kinakabahan ako kaya ako parang naiiyak, kasi hindi ko alam ang kahihinatnan nito pagkatapos ng interbyu na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ako naman, I am still hoping for the best na para ito sa kabutihan ng anak ko, yung interview na ito, lalo na po kina Sir Manny at Ma’am Jinkee.

"Ayoko na pong magkaisyu kasi minsan yung mga tao, kahit na dapat walang isyu, pinag-aaway-away na nila.

“Ang intensiyon ko talaga is para sa anak ko. Yung para sa kabutihan niya.

"At saka tungkol sa past, naka-move on na po ako.”

Read: Emmanuel Joseph Bacosa Pacquiao, aka Eman Bacosa, starts pro boxing career

eman pacquiao and son eman pacquiao
Joanna Bacosa on son Eman Pacquiao: “Natutuwa ako para sa anak ko, pero parang kinakabahan ako kaya ako parang naiiyak, kasi hindi ko alam ang kahihinatnan nito pagkatapos ng interbyu na ito."
Photo/s: KMJS YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman kay Eman, inspirasyon niya ang kanyang inang si Joanna.

Pahayag niya: “Hindi po ako nagpapadala sa pangalan kasi, at the end of the day, hindi naman po ako si Manny Pacquiao. Ako naman po si Eman Bacosa Pacquiao.

“Kapag nagbo-boksing ako, parang nabibigyan ko ng meaning yung buhay ko, yung mama ko. Naipapakita ko sa mundo na mali ho yung akala nila sa mama ko.

“Ang mama ko, hindi masamang tao. Maka-Diyos po ang mama ko. Pinalaki niya ako na [may] mabuting puso.”

Iginiit din ni Eman na maayos ang relasyon niya sa kanyang "Tita Jinkee."

“Maayos naman po kami ni Tita, paminsan-minsan nag-uusap naman po kami,” kuwento ni Eman tungkol sa relasyon nila ng kanyang madrasta.

Read: Manny Pacquiao reacts to being seen with Jinkee at Eman's match

eman pacquiao manny jinkee
Eman Pacquiao with dad Manny Pacquiao and stepmother Jinkee Pacquiao.
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"PIOLO PACQUIAO" MEETS PIOLO PASCUAL

Hindi lamang ang personal na buhay at propesyon ni Eman bilang boksingero ang napag-usapan nila ni Jessica.

Ipinakita rin sa KMJS ang pagtatagpo nina Eman at Piolo Pascual.

Binansagang "Piolo Pacquiao" si Eman dahil sa pagkakahawig niya umano sa aktor kaya gumawa ng paraan ang staff ng KMJS na magkita sila nang personal.

Read: Anak ni Manny na si Eman Bacosa, binansagang "Piolo Pacquiao"

piolo pascual eman pacquiao meeting
Photo/s: KMJS Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eman Bacosa Pacquiao admits he longed for a father’s love before finally being acknowledged by his dad, boxing legend Manny Pacquiao (not in photo): “Nung bata ako, lagi akong magagalitin. Naiinggit sa ibang bata lalo na kapag nakikita ko yung may Father’s Day, nakikita ko na kasama nila yung papa nila. I always longed for my father’s love ever since I was a child. I barely know him."
PHOTO/S: KMJS YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results