PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nathalie Hart reveals her dating non-negotiables

Nathalie Hart: "Ang panahon kasi ngayon, emelatik na agad..."
by Rachelle Siazon
Published Nov 14, 2025
Nathalie Hart reveals her dating non-negotiables; says she's not easy to get
Nathalie Hart on looking for a financially capable guy: "Ayaw ko naman magpakain ng lalaki, Day! Dyusko! Nakakapanghina naman yun na may papakainin pa ako at magpapaaral pa ako ulit."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Nanindigan si Nathalie Hart, 33, na hindi dahil hiwalay siya sa asawa ay ibababa na niya ang kanyang standard pagdating sa susunod na makakarelasyon.

Isang taon at kalahati na ang nakalilipas mula nang maghiwalay si Nathalie at ang Australian husband niya.

May anak naman ang aktres sa ex-boyfriend niyang Indian.

Lahad ni Nathalie: "Sa akin naman, hindi naman sa mataas yung standards ko. Pero naniniwala pa rin talaga ako na ang babae, bakit mo ibababa yung standards mo just in case nagkaanak ka lang at nagkaasawa ka lang?

"Kasi, yun nga. Parang ako kasi, I just started trying to talk to people na may anak ako, [ang dating sa kanila] parang, 'Wala ka nang karapatang mag-inarte.'

"So, naiinis talaga ako doon. Parang ang inarte ko naman is 'Bayaran mo naman yung dinner ko.' Napakaliit lang naman nun. Hindi naman suntento yung hinihingi ko, di ba?"

Hindi raw siya easy to get.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag pa ni Nathalie: "Ang panahon kasi ngayon, emelatik na agad. Ay, hindi yan puwede sa akin. Dalagang Pilipina, yeah, pa rin.

"Pero siyempre, kung gusto mo yung tao, you will go for it. Pero I don't like the dating era now na parang kung gusto mo yung tao, aalis na kayo.

"Gusto ko ngayon, 'Paghirapan mo pa rin ako, 'no? Nag-makeup ako sa yo, naligo ako sa yo. Akala mo yun na yun? Di puwede. Yeah."

Isa-isa ring inilarawan ni Nathalie ang tipo niyang lalaki.

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): Importante ba sa kanya na financially stable?

Sagot ni Nathalie, "Sa akin, especially may anak na ako ngayon at siyempre stable na rin ako ngayon.

"Ayaw ko naman magpakain ng lalaki, Day!

"Kumbaga, siguro nung kabataan ko, puwede. Pero ngayon na nagpapaaral na ako ng batang parang....

"Dyusko! Nakakapanghina naman yun na may papakainin pa ako at magpapaaral pa ako ulit."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Wala naman daw sa kanyang problema kung may anak na yung lalaking manliligaw sa kanya.

Kung hiwalay sa asawa?

"Wala rin akong pakialam. Basta wag lang double-timer," sagot ulit ni Nathalie.

Nakapanayam si Nathalie ng entertainment press at bloggers pagkatapos ng screening at presscon ng AFAM Wives Club.

Ginanap ang event sa Stratosphere events place sa Century Mall sa Makati City noong November 12, 2025.

Read: Kiray Celis, naloka sa lumolobong budget para sa kanyang kasal

NATHALIE HART ON HER NON-NEGOTIABLES

Nang tanungin ng PEP kung nagde-date na ba siya ulit, sinabi ni Nathalie na single pa rin siya ngayon.

"Pero open... siyempre lahat naman ng tao gusto makahanap ng pang-forever nila. Yun, gusto ko mahanap yun.

"Pero talagang walang dumarating. Natatakot sila sa akin."

Kaya raw may non-negotiables siya sa pakikipagrelasyon ay dahil pangseryosohan ang hanap niya.

Open ba siyang mag-date ng Pinoy?

"Yun nga, e. Sabi ko nga, Pinoy naman. Para naman ma-try ko naman. Wow! Malandi rin!" natatawang hirit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabataan pa raw kasi niya nang huli siyang nakipag-date sa Pinoy.

Wala pa rin daw siyang Pinoy na manliligaw sa ngayon.

"Ayaw nila sa akin. Di nila ako nililigawan. Baka nandiriri sila. Okay lang," kuwelang sabi pa ng aktres.

Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica

ON AFAM WIVES CLUB

Sa reality show na AFAM Wives Club, tila mina-match siya kay Nico Loco at sa isa pang foreigner guy.

Pero base sa first episode ay chill lang si Nathalie at nagpapakatotoo sa kanyang first impression sa mga nakakasalamuha niya sa show.

Kasama ni Nathalie ang seven-year-old daughter niyang si Penelope, at may eksena sa first episode na pinapili ni Nathalie ang anak kung sino ang mas guwapo kina Nico at sa isang foreigner na kausap niya.

"Naloka ako! Pati si Nico inaano niya [Penelope]! E, wala lang, bored lang ako. 'Sino mas guwapo dito?' Pinili niya si Nico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, my god! Yung pinili mo malandi pa!" bulalas ni Nathalie.

Sumali raw si Nathalie sa AFAM Wives Club para ibahagi ang karanasan niya bilang isang single mom at kung ano ang buhay niya matapos ang divorce nila ng kanyang ex-husband.

Aminado siyang naging vulnerable siya sa show, at may mga bagay siyang naibahagi na di niya karaniwang sinasabi sa publiko.

"Sige na nga, io-all-out ko na kung ano man ang itinatago ko sa buhay. Pero mabagal, ha. Para siyang sponge na parang medyo matagal mong mailalabas yung totoong ikaw. Nung natapos na, medyo naiyak kami...

"Kung magustuhan ng tao, thank you. Kung hindi, pasensiya sa akin. Bahala na kayo."

Read: Kim Atienza reveals last conversation with daughter Emman

HOW TO ATTRACT AFAMS

Sa huli, tinanong si Nathalie kung paano maka-attract ng AFAM.

"Kasi ang AFAM, una-una, pag Pilipina ka, attracted na sila. Kasi kakaiba ka na, e. Ang kailangan mo lang talaga ay mag-make effort ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na kailangan mo, e, kung pupunta ka sa mga maraming AFAM, or talagang mag-app ka.

"Na talagang mamumuhunan ka sa kaka-chat kasi mamamatay ka doon. 'Hello? How are you?' Nakakapagod!

"So, I think in every relationship naman talaga, mamumuhunan ka talaga.

"So siguro be open na lang na, 'Hi, I'm available for you.' Yun, that's a start."

Ang AFAM Wives Club ay idinirek ni JP Habac, co-producer si Antoinette Jadaone ng Project 8 Project, at showrunner si Rodina Singh.

Eksklusibo itong mapapanood tuwing Martes, 8 P.M., sa iWant. Free ang first episode, pero may subscription na PHP35 per month (4.99 dollars per month outside PH).

Download the app and subscribe via Google Play or the Apple App Store or via www.iwanttfc.com

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nathalie Hart on looking for a financially capable guy: "Ayaw ko naman magpakain ng lalaki, Day! Dyusko! Nakakapanghina naman yun na may papakainin pa ako at magpapaaral pa ako ulit."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results