Patuloy pa rin ang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand ngayong araw, November 16, 2025.
Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng INC para humiling sa pamahalaan ng "Transparency and a Better Democracy."
Sa pagtataya ng mga awtoridad ay umabot sa 650,000 ang attendance sa rally noong bandang 6 P.M. Ngunit nabawasan na ito at naging 300,000 noong bandang 9 P.M.
Hanggang Martes, November 18, 2025 pa ang ginagawa nilang three-day rally.
May mga kilalang personalidad na dumalo rito para ipakita agad ang kanilang suporta.
Read: Susan Enriquez blasts Zaldy Co amid his revelations
CELEBS AT INC RALLY
Isa na rito si Gladys Reyes, na kilalang miyembro ng INC.
Sa verified Instagram account ng drama actress ay nag-post siya ng litrato niya sa rally, kasama ang kanyang mga kamag-anak.
Nakita rin sa Quirino Grandstand ang reporter at businessman na si Anthony Taberna, na kilala ring INC member.
Nandoon din ang vlogger at influencer na si Kristel Fulgar. Nag-post siya ng ilang eksena sa rally sa kanyang Instagram Stories.
Namataan din sa rally ang kilalang TV at events host na si Ai dela Cruz. Isa siya sa mga naging hosts sa event.
Nag-perform naman ang Kapuso actor na si Jon Lucas. Inawit niya ang "Bitiw" ng Sponge Cola at "Liwanag sa Dilim" ng Rivermaya.
Marami ang nag-aabang kung may ilan pang mga kilalang personalidad ang magpapakita ng suporta sa rally hanggang sa pagtatapos nito sa Martes.
Read: DENR cites 3 violations in Slater Young’s Monterazzas project