Ang masaya sanang bakasyon ng pamilya ni Kaye Abad ay napalitan ng pangamba nang manakaw ang ilang mahahalagang gamit nila.
Sa isang Facebook post nitong Miyerkules, November 19, 2025, ibinahagi ni Kaye ang nakakatakot na karanasan ng kanilang pamilya sa Las Vegas matapos manakawan ang sasakyang gamit nila.
Kuwento niya, nasa kalagitnaan sila ng pananghalian nang mangyari ang insidente.
Natangay raw ng kawatan ang kanyang bag na naglalaman ng mga mahahalagang gamit gaya ng mga ID at passport.
Agad daw ini-report ni Kaye ang insidente sa mga awtoridad.

Read: Police rule out foul play in Gina Lima's sudden death
Mababasa sa post ni Kaye, kalakip ang litrato niya habang nasa police station (published as is): "We went to Vegas para magbakasyon and isuroy ang kids. Never did I think that one of the places I’d end up visiting was the police station.
"My bag was stolen inside the car with all my IDs and 2 passports. (never leave ur bags inside the car.) We just had lunch for 1 hr and this happened."
Read: Valentine Rosales, gustong pakasuhan ni Rowena Guanzon
Kaye remains grateful that her family was unharmed
Sa kabila ng nangyari, nagpapasalamat pa rin si Kaye na walang masamang nangyari sa kanyang pamilya—ang asawang si Paul Jake Castillo at mga anak nilang sina Pio Joaquin, 7, at Iñigo Leon, 3.
Read: How Kaye Abad and Paul Jake Castillo de-stress as parents?
Ani Kaye (published as is), "Anyways, lesson learned. I still believe that everything happens for a reason. Kung ano man ang reason Nya…
"Iniisip ko na lang, everything can be replaced. Importante, my family is safe. God is good."
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang ibinibigay na update si Kaye kung natukoy na ng mga awtoridad ang suspek na nagnakaw sa kanyang mga gamit.
