Muling mapapanood sa big screen si Enrique Gil sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Manila's Finest.
Kasama sina Piolo Pascual, Joey Marquez, Romnick Sarmenta, Rico Blanco, Dylan Manor, at iba pa, isa lang ito sa mga proyektong pinagkakaabalahan ngayon ni Quen mataopos mabuwag loveteam nilang LizQuen ng ex-girlfriend niyang si Liza Soberano.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor sa nakaraang set visit sa Manila's Finest na ginanap sa Potrero, Malabon, nung November 19, 2025, sinabi ng aktor na ang magandang script at ang pagiging period film ng pelikula ang ilan sa mga rason kung bakit niya tinanggap ang proyektong ito.
"The script, the story, I have never done a period film, historic film... ever. So, I'm trying to do stuff na di ko pa nagagawa.
"I try to push myself, so yeah, I said yes to this. I'm really happy I did."
really wanted to work with this a-list actor
Isa rin sa dahilan kaya gusto niyang gawin ang Manila's Finest ay dahil gusto niyang makasama sa pelikula si Piolo Pascual.
Ayon kay Enrique, matagal na niyang gustong makasama sa isang proyekto ang A-list actor.
"Super, super solid! Sabi ko nga, it's been a long time coming and finally nagkatrabaho na kami ni Peej [palayaw ni Piolo].
"It's been great, it's super great, I've always wanted to work with him on a project, and to be working with him in a project like this, Manila's Finest.
"He's really perfect for the role of Magtibay and ngayon ko lang napansin, bagay siya na maging pulis," banggit pa ni Enrique sa pangalan ng character ni Piolo sa pelikula nila.
"Piolo is a great guy, super kind, he's really amazing to be with sa set, ang sarap niyang kasama," patuloy na pag-compliment ni Enrique kay Piolo.
two years in a row now
Masaya rin ang aktor sa pagkakasama ng Manila's Finest bilang isa sa mga official entries sa MMFF ngayong taon.
Matatandaang nakasali rin ang movie niya nung nakaraang MMFF.
"It feels really good and an honor to be back here again.
"We got in last year with Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital. I've been doing this two years in a row, and it feels really good
"At least makakasama uli natin ang mga kababayan natin this Christmas. Sana next year uli."
Ang Manila's Finest ay produced ng MQuest Ventures at Cignal TV, at sa ilalim ng direksyon ni Raymond Red.
