PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Harry Roque claims he was offloaded, not arrested, in Amsterdam

Roque says incident happened due to his conflicting medical reports.
by KC Cordero
Published Nov 26, 2025
Harry Roque's photos
Former Presidential Spokesperson Harry Roque denies that he was arrested by Dutch authorities in Amsterdam. He says there was merely some confusion regarding his medical clearances, which prevented him from being allowed to board the plane. (Photos: Screenshot at Boldyakan Facebook)

Pinababa si former Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang eroplano ng KLM Royal Dutch Airlines na bibiyahe mula Amsterdam, Netherlands, papuntang Vienna, Austria, noong November 25, 2025.

Naganap ang insidente ilang oras matapos kanselahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanyang pasaporte.

Si Roque ay nahaharap sa kasong human trafficking.

Kinumpirma ng DFA na kanselado na ang passport ni Roque, pati na rin ang kay Cassandra Li Ong at apat na iba pa.

Kasunod ito ng inilabas na resolusyon mula sa Branch 157 ng Pasig Regional Trial Court.

Ang pagkansela sa passports ng mga nabanggit ay kaugnay ng kasong isinampa laban sa kanila na may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), na isinapubliko noong November 24.

Harry Roque's boarding pass
Ang boarding pass ng dating presidential spokesperson. Photo: Harry Roque Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa offloading, kumalat ang mga balitang naaresto si Roque sa Amsterdam.

Nag-post naman si Roque sa official Facebook account niya ng larawan ng kanyang boarding pass.

Ang kanyang post, published as is: “There is no truth to the rumors that I have been arrested.

“I have a scheduled flight to Vienna, Austria today, November 25.

“Details to follow.”

Read: AR dela Serna, kinumpirma ang joint bank account nila ni Roque

WHY ROQUE’S PASSPORT WAS CANCELLED

Sa isang pahayag ay sinabi ni DFA spokesperson Angelica Escalona na ang kanselasyon ng mga pasaporte nina Roque, Ong, at apat na iba pa ay alinsunod sa Republic Act No. 11983 at implementing rules ng nasabing batas.

Naipagbigay-alam na rin daw ito sa border control authorities sa buong mundo.

Matapos ang anunsiyong kanselado na ang kanyang passport, sinabi ni Roque na hindi pa pinal ang kautusan.

Naghain umano siya ng motion for reconsideration.

Pinanindigan din ni Roque ang karapatan niyang humingi ng asylum sa Europe ay sasansala sa anumang tangkang maipa-deport siya pabalik sa ating bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matatandaang nauna na siyang nag-apply para sa asylum sa The Hague, Netherlands, dahil sa aniya'y “political persecution” sa kanya sa Pilipinas.

Read: Ronnie Liang speaks up about viral video with Harry Roque

ROQUE DENIES HE WAS ARRESTED

Itinanggi rin ni Roque ang mga naunang naglabasang ulat na naaresto na siya.

Iginiit niyang ang pagpapababa sa kanya sa eroplano ay dahil sa argumento kung physically fit ba siyang bumiyahe.

Ito ang binigyang-diin niya noon ding November 25 sa pamamagitan ng live interview sa kanya ng YouTube vlogger na si Claire Contreras—na mas kilala sa social media bilang “Maharlika.”

Ani Roque: “Taliwas po sa mga fake news, wala pong pag-aresto sa akin. Ako po ay malaya ngayon dito sa The Hague.”

Sinabi rin niyang ililipat sana siya ng Dutch authorities sa Austria bilang bahagi ng asylum application.

Ayon kay Roque, alinsunod ito sa Dublin Regulation of the European Union na nagtatakda ng mga responsibilidad para sa asylum sa bansang nag-issue ng visa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Schengen visa ni Roque ay iniisyu ng Austrian Embassy.

Read: Who is AR dela Serna, Harry Roque's executive assistant?

ROQUE CLAIMS HE WAS NOT CLEARED BY HIS PHYSICIANS TO TRAVEL

Ipinaliwanag din ni Roque na ang pagpapababa sa kanya sa eroplano ay dahil sa magkakaiba niyang medical certificates.

Tatlumpong araw na ang nakararaan ay sumailalim daw siya sa major operation.

Sumailalim din daw siya sa minor operation isang araw bago ang nakatakda niyang pagbiyahe.

Nag-isyu raw ang kanyang attending physicians ng medical certificates na siya’y “unfit to fly.”

Pero binigyan umano siya ng medical clearance ng Dutch immigration doctor na puwede siyang bumiyahe matapos suriin ang kanyang blood pressure at oxygen levels.

Ani Roque: “Nung ako’y nakasakay na sa eroplano, alam kasi ng airline na meron akong tinatawag na medical passport.

“So, nung nakita na sa medical passport ko na meron akong certificate na unfit to fly, ayun na, naantala na ang paglipad ng eroplano at kinailangang linawin ng kapitan kung ako’y pumapayag na lumipad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin kung talagang pumayag siyang bumiyahe, sagot ni Roque: “I thought I had no choice.

“Sino naman ako para tumanggi, e, ang laki ng utang na loob ko sa The Netherlands.”

Napagkalooban siya ng medical insurance coverage sa naturang bansa sa panahon ng kanyang pananatili roon.

Dagdag pa ni Roque, tinanong siya ng piloto at ng Dutch police kung gusto niyang bumiyahe.

Iginiit daw niya ang payo ng kanyang mga doktor at tumanggi nang bumiyahe.

Ito raw ang dahilan kaya siya pinababa sa eroplano.

Read: DSWD to minors traveling without parents: Apply early for travel clearance

ROQUE INSISTS HIS ASYLUM CLAIM REMAINS VALID

May claim din si Roque na kaya siya pinababa sa eroplano ay may kaugnayan sa mga banta sa kanyang seguridad.

Kuwento niya, nakakita siya ng isang pasaherong Pilipino sa eroplano na mukhang militar.

Nakaupo umano ito sa business class at kinukunan siya ng mga larawan at video habang papasakay sa eroplano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilapitan daw ng Dutch police ang naturang pasahero.

Sinilip din daw ang smartphone nito at inutusang tanggalin ang kinuhang video kay Roque.

Hindi raw ito pinababa sa eroplano.

Para kay Roque: “Dapat hindi nila pinalipad. Dahil as an asylum seeker, alam naman nila na may banta talaga sa buhay ko.”

Kinikilala naman daw ng Dutch authorities na posibleng may banta sa kanyang kaligtasan.

Nag-offer umano ang mga ito ng ligtas na tirahan para sa kanya.

At dahil kumalat nga ang mga ulat na naaresto na siya, hinala ni Roque ay taktika ito para mailihis ang atensiyon ng publiko sa inilabas na bagong video ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Sa video ay iniugnay ni Co ang anak ni President Bongbong Marcos Jr. na si Ilocos Rep. Sandro Marcos III sa flood control scam.

Binigyang-diin din ni Roque na ang kanyang asylum claim ay nananatiling valid.

Aniya, ang anumang pagtatangka na maipatupad ang Interpol Red Notice laban sa kanya ay “legally impossible” hangga’t hindi pa nakukumpleto ang asylum process.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Roque ay dati ring international law professor.

Accredited lawyer siya sa International Criminal Court.

Read: BPI cash withdrawals now available at Robinsons cashiers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Presidential Spokesperson Harry Roque denies that he was arrested by Dutch authorities in Amsterdam. He says there was merely some confusion regarding his medical clearances, which prevented him from being allowed to board the plane. (Photos: Screenshot at Boldyakan Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results