Si Catalina Duque ng Colombia ang itinanghal at kinoronahang Miss International 2025.
Idinaos ang ika-63 edisyon ng Miss International ngayong Huwebes ng gabi, November 27, 2025, sa Yoyogi National Gymnasium, Shibuya, Tokyo, Japan.
Dinaig ni Catalina ang iba pang 79 candidates sa Miss International 2025, kabilang na rito ang pambato ng Pilipinas na si Myrna Esguerra.
Read: Who is Binibining Pilipinas International 2024 Myrna Esguerra?
Bakas sa mukha ni Catalina ang lubos na kasiyahan at pagkabigla nang tawagin ang kanyang pangalan at pasahan ng korona ni Miss International 2024 Huynh Thi Thanh Thuy ng Vietnam.
MISS INTERNATIONAL 2025 RUNNERS-UP
Nakaabante naman hanggang Top 5 o final round si Myrna, kunsaan niya sinagot ang parehas ding tanong kay Catalina.
Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi nakamit ni Myrna ang ika-pito sanang Miss International crown ng Pilipinas nang hirangin siyang fourth runner up.

Ang Miss International titleholders mula sa Pilipinas ay sina Gemma Cruz-Araneta (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), Bea Rose Santiago (2013), at Kylie Verzosa (2016).
Bukod kina Catalina at Myrna, tatlo pang kandidata ang nakatanggap ng korona nang kilalaning runners-up.
First runner-up si Yollanda Chimbarami ng Zimbabwe, second runner-up si Paola Guzman Sanchez ng Bolivia, at third runner-up si Melliza Xaviera Yulian ng Indonesia.

