May nakakatawang reaksiyon si Ronnie Alonte sa binuhay na viral comment ng asawa na niya ngayong si Loisa Andalio.
Noong October 2018, hindi napigilan ni Loisa ang sarili na sagutin ang isang basher na nagsabing maniniwala lang siyang mahal si Loisa ng rumored boyfriend pa lamang noong si Ronnie kapag pinakasalan siya nito.
Komento ng basher, "Di woow!! Maniniwala nlng kme kung ikaw pinakasalan nea."
Tugon ni Loisa, "Wait ka lang haha."

Kahapon, November 27, 2025, kasabay ng pagsapubliko nina Loisa at Ronnie na sila ay nagpakasal na, lumabas sa isang entertainment fanpage ang viral comment ni Loisa noong 2018.
Reaksiyon dito ni Ronnie, "Nye."

Read: Loisa Andalio and Ronnie Alonte are now married
ronnie CONFIRMED relationship with loisa on december 9, 2018
Inamin ni Ronnie ang relasyon nila ni Loisa noong December 9, 2018 sa pamamagitan ng iWant ASAP.
Ang iWant ASAP ay live stream show at online version ng ABS-CBN Sunday noontime show na ASAP Natin 'To.
Nangyari ito nang in-on the spot nina Robbie Domingo at Maymay Entrata ang aktor sa harap mismo ni Loisa, live studio audience, at libu-libong viewers kung girlfriend na nga ba niya ang aktres.
Tugon ni Ronnie: "Aba'y oo naman!"
Umani ito ng palakpakan mula sa live studio audience.
Noong panahon na iyon, dalawang taon na ang relasyon ng dalawa na nagsimula noon pang November 26, 2016.

Read: Loisa Andalio and Ronnie Alonte: A love team, in and out of showbiz
RONNIE-LOISA ENGAGEMENT, WEDDING
At sa kanilang ika-siyam na anibersaryo bilang magkasintahan nitong nakaraang November 27, inanunsiyo nina Loisa at Ronnie na ikinasal na sila.
Simple lamang ang anunsiyo ni Ronnie, kasabay ng pag-post niya ng ilang larawang kuha mula sa kasal.
Saad lang niya, "Zup! Mrs. Alonte [bride and infinity emoji]."
Makalipas ang ilang oras, si Loisa naman ang nagbahagi ng kanilang nararamdaman ngayong nag-isang dibdib na sila.
Bahagi ng post ni Loisa ang pagpapasalamat sa Diyos.
Aniya, "At higit sa lahat, salamat kay Lord. Sa guidance, sa strength, sa timing, at sa lahat ng taong ginamit niya para maging posible ang espesyal na araw na ito.
"Ibinibigay namin sa kanya ang noon, ngayon, at ang future namin bilang mag-asawa.
"Salamat sa biyayang hindi nauubos at sa perfect timing niya. Grateful forever. To God be the Glory, always. [heart emoji]"
Read: Loisa Andalio pens heartfelt note after wedding to Ronnie Alonte
