Ibinasura ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) ngayong November 28, 2025 ang apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang conditional release.
Noong September 2025 ay tinanggihan din ng Pre-Trial Chamber I ng ICC ang request para sa interim release ng dating Pangulo, at ipinag-utos na dapat siyang manatili sa kanyang detention cell sa The Hague, Netherlands.
Ito ay para masiguradong makadadalo siya sa mga pagdinig sa mga kasong isinampa laban sa kanya.
Ang September decision ng Pre-Trial Chamber I ay pinagtibay ng Appeals Chamber ngayong araw na ito.

Ang ruling ay binasa ni Presiding Judge Luz Del Carmen Ibañez sa open court.
Tinanggihan ng Appeals Chamber ang lahat na tatlong grounds of appeal para sa pansamantalang paglaya ni Duterte.
Tinukoy ni Ibañez na ang desisyon ay “unanimous” mula sa limang miyembro ng chamber.
Hindi dumalo ang dating Pangulo sa pagdinig matapos i-waive ang kanyang karapatang personal na humarap sa korte.
Kinatawan siya ng kanyang abogado na si Nicholas Kaufman.
Read: Pokwang defends Vice Ganda’s mother from Duterte supporters
DUTERTE’S LAWYER SAYS HIS CAMP CAN STILL RAISE THE ISSUE
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Kaufman na maaari pa ring i-raise ng kampo ng dating Pangulo ang isyu ng conditional release nito sa ilalim ng ICC Rule 118.
Binanggit niyang sa ilalim ng ICC Rule 118, kailangang i-review ng Pre-Trial Chamber ang status ng detainee kada 120 araw at magsagawa ng least one hearing kada taon.
Sinabi naman ni Gilbert Andres, isang ICC-listed lawyer, ang mga biktima ng war on drugs ng Duterte administration ay patuloy ring kokontrahin ang anumang pagtatangka ng kampo ng dating Pangulo na makakuha ng provisional release.
Read: Robin Padilla at Claire Castro, nagsagutan tungkol sa voice clip
DUTERTE CHARGED WITH THREE COUNTS OF MURDER
Si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay pormal na kinasuhan ng ICC ng tatlong bilang ng kasong murder na crimes against humanity noong September 23, 2025.
Una rito ay may kinalaman sa 19 biktima noong panahong nakaupo ang dating Pangulo bilang alkalde ng Davao City mula 2013 hanggang 2016.
Ikalawa ay may kinalaman sa "high-value targets" sangkot ang 14 biktima noong 2016 at 2017.
Ikatlo ay may kinalaman sa "barangay clearance operations" sangkot ang 45 biktima noong 2016 at 2018.
Nanungkulan ang dating Pangulo para sa pinakamataas na posisyon ng bansa mula 2016-2022.
Read: Kampo ni Bato, hinihintay ang kumpirmasyon sa arrest warrant
