Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Regine Velasquez fondly talks about "Kim Samsoon" and Ogie's children

by Nora Calderon
Sep 2, 2008
"Usually, kapag isang foreigner at isang Pinoy, either makukuha ng anak nila ang kulay ng hair or eyes at ang color ng skin; pero sina Leila at Sarah, nakuha lahat kay Ogie. Kahit ang blonde hair ni Michelle, hindi nila nakuha dahil parehong black ang hair nila," relates Regine Velasquez about the daughters of her boyfriend Ogie Alcasid.


May ice bag sa ulo ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez nang abutan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa last taping day ng Ako Si Kim Samsoon sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna, kahapon, September 1. Grabe kasi ang init ng araw at halos wala ring hangin, dagdag pa rito ang init ng ilaw na gamit sa taping ni Direk Dominic Zapanta.

"Hindi kasi ako puwedeng sumpungin ng migraine ko," paliwanag ni Regine. "Kailangang matapos namin ang mga eksena rito dahil lilipat pa kami sa Hacienda Isabella sa Tagaytay mamayang gabi. Aalis kasi ako sa Wednesday [September 3] para sa series of concert namin ni Lani Misalucha sa US at Canada, kaya hindi puwedeng hindi namin matapos ang taping ngayon."

Over lunch with Mark Anthony Fernandez, Carmi Martin, John "Sweet" Lapus, and program manager Rams David, naitanong ng PEP kay Rams kung totoong nag-extend pa sila ng two weeks kaya aabutin pa hanggang October ang airing ng Ako Si Kim Samsoon sa halip na third week ng September.

Continue reading below ↓

"Yes, kaya po nagbayad pa kami ng two additional episodes sa MBC [franchise owner ng My Name is Kim Samsoon sa Korea]," saad ni Rams. "Kahit anong foreign TV shows na ire-remake dito, kung ilang episodes lang ang ipinalabas sa kanila, dapat ganoon din ang gagawin dito. Kaya kailangang bayaran ang additional rights for the show kapag nag-extend kami."

Hindi na sinabi ni Rams kung magkano ang binayaran nila, pero mahal daw ang bawat episode na idadagdag nila.

LOYAL VIEWERS. Kuwento rin ni Regine, masaya siyang malaman na marami palang sumusubaybay sa Ako Si Kim Samsoon.

"Nagugulat nga ako kapag lumalabas ako at ang tawag na nila sa akin Kim Samsoon," nakangiti niyang sabi. "Minsan, pumunta ako sa Rustan's para kumuha ng mga damit na gagamitin ko sa SOP. Inabutan ko sila sa office na nanonood ng Kim Samsoon. Sabi ko, 'Kahit ba kayo mayayaman, nanonood?' Hindi ko talaga ini-expect.

Continue reading below ↓

"Minsan naman, nagpunta ako ng Miriam College. Sabi ng mga nanay na nakausap ko doon, nanonood daw sila ng Ako Si Kim Samsoon at ang nakakatawa, ikinukuwento pa nila sa akin kung ano ang napanood nila noong gabi. May mga nagsabi naman sa aking mga nanay na kung puwede ko raw sabihin sa GMA-7 na ilipat kami sa mas maagang timeslot. Napupuyat daw ang mga anak nila dahil ayaw matulog agad hanggang hindi tapos manood," lahad niya.

Totoo bang ganoon karami ang isinusubo niyang pagkain sa mga eksena niya sa Ako Si Kim Samsoon at kung nilululon niya talaga ‘yon?

"Yes, kinakaya ko, kaya nga tumaba pa ako habang nagte-taping nito!" natatawang sagot ni Regine. "Kailangan kong lulunin dahil magda-dialogue ako pagkatapos. Masarap naman kumain at masarap yung kinakain ko. Pero sinabihan ko yung mga nanay na kausap ko na huwag gagayahin ng mga anak nila ‘yong pagkain ko, baka sila mabilaukan!"

Continue reading below ↓

"BIRTHDAY GIFT." Biro sa kanya, may nasulat na kaya raw siya tumataba dahil baby raw ang gusto niyang ibigay na birthday gift sa boyfriend na si Ogie Alcasid.

"Maganda nga sana, pero hindi, e," sagot ni Regine.

Naitanong din kay Regine kung aliw ba siya sa bagong character ni Ogie sa Bubble Gang bilang si Angelina at si Michael V naman ang yaya nito.

"Yes, tuwang-tuwa ako sa naisip nilang character na ‘yon ni Ogie. Alam ba ninyong kamukha niya ang panganay niyang si Leila sa character niyang 'yon. Si Leila kasi ang carbon copy ni Ogie, yung features ni Ogie, pati ang kulay niya, ganoon si Leila.

"Si Sarah, hindi masyadong maputi, pero nasa kanya rin ang features ni Ogie. Mahilig kasi sa sports ang dalawang bata kaya hindi sila talaga maputi. Pero kapag nakita mo sila, sasabihin mo talagang malakas ang dugo ni Ogie kesa kay Michelle [Van Eimeren, Ogie's wife].

Continue reading below ↓

"Usually, kapag isang foreigner at isang Pinoy, either makukuha ng anak nila ang kulay ng hair or eyes at ang color ng skin; pero sina Leila at Sarah, nakuha lahat kay Ogie. Kahit ang blonde hair ni Michelle, hindi nila nakuha dahil parehong black ang hair nila," kuwento ni Regine tungkol sa mga anak ni Ogie sa asawa nitong si Michelle.

Ipinaabot din ni Regine ang pasasalamat nila sa mga press sa pagsuporta sa kanila na huwag na munang pag-usapan ang tungkol sa annulment case ni Ogie.

Hindi naman tumanggi si Regine sa tanong sa kanya kung kailan darating sa bansa sina Michelle at ang mga anak nila ni Ogie para manood ng Twenty/Twenty concert sa Araneta Coliseum sa September 27.

"I think sa September 26 na ang dating nila rito from Australia," sabi ni Regine. "Ako naman, mga September 23, narito na ako dahil sa September 21 pa ang last concert namin ni Lani sa Canada."

Continue reading below ↓

Biro kay Regine, iiwanan na naman niya si Ogie na mag-isang mag-host ng Celebrity Duets every Saturday.

"Oo nga, e, siya na muna. Bale three Saturdays din ‘yon. Hindi kasi namin puwedeng i-advance ang taping dahil every Saturday, at 12 noon, saka pa lang matatapos ang text voting para malaman kung sino ang matatanggal sa gabi."

Ngayong tapos na ang Ako Si Kim Samsoon, may susunod na ba siyang teledrama na gagawin sa GMA-7?

"Meron na wala," nagbibirong sagot ni Regine. "I mean, meron, pero hindi pa namin puwedeng sabihin kung ano ‘yon. Basta malaki ang casting, malaki rin ang story. Baka mag-start kami before the year ends, pero early 2009 pa ito mapapanood. Tamang-tama naman dahil meron pa nga akong Celebrity Duets," pagwawakas ni Regine.
Read Next
Read More Stories About
Regine Velasquez, Ogie Alcasid
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Usually, kapag isang foreigner at isang Pinoy, either makukuha ng anak nila ang kulay ng hair or eyes at ang color ng skin; pero sina Leila at Sarah, nakuha lahat kay Ogie. Kahit ang blonde hair ni Michelle, hindi nila nakuha dahil parehong black ang hair nila," relates Regine Velasquez about the daughters of her boyfriend Ogie Alcasid.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results