Suportado ng Star Magic si Kim Chiu sa kanyang desisyong idemanda ang panganay na kapatid na si Lakam Chiu.
Ang Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN Studios, na may hawak sa karera ni Kim sa loob ng 20 taon.
Lumabas sa official Instagram account ng Star Magic ang official statement ni Kim sa pagsampa ng reklamong qualified theft kay Lakam.
Inamin dito ni Kim na nadiskubre niya ang "financial discrepancies" sa "business assets" niya na may kinalaman diumano ang kapatid.
Masakit daw sa Kapamilya actress na humantong sa legal battle ang hidwaan nila ni Lakam.
Pero kailangan daw niya iyong gawin para protektahan ang kumpanyang pinaghirapan niya pati na rin ang mga empleyadong umaasa sa kanyang negosyo.
Hindi naman sinabi ni Kim kung magkano ang aniya'y nawawalang halaga sa kanyang kumpanya.
Read: Kim Chiu sues sister Lakam for qualified theft
KIM CHIU AT THE FISCAL'S OFFICE
Kasunod nito ay nailathala rin sa Star Magic IG account ang ilang litrato ni Kim nang humarap ito sa piskal.
Ngayong Lunes, December 2, 2025, inihain at pinanumpaan ni Kim ang kanyang salaysay sa Quezon City Prosecutor's Office.
Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.






