PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gardo Versoza weighs in on DTI's PHP500 noche buena budget

Gardo: "Alam mo ba talaga yung hirap ng buhay ngayon?"
by Rachelle Siazon
Published Dec 3, 2025
Gardo Versoza weighs in on P500 noche buena budget
Gardo Versoza on Filipino people deserving more than a PHP500 noche buena budget: "Parang kahit papaano, pampalubag-loob, hindi mo pa maibigay. Nasaan na yung puso mo niyan bilang kalahing Pilipino, di ba?"
PHOTO/S: Gardo Versoza Facebook

Kulang sa malasakit sa manggagawang Pilipino.

Ito ang hugot ni Gardo Versoza sa viral statement ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque na kasya na ang PHP500 pang-noche buena sa isang family of four ngayong Pasko.

Sabi ni Roque, maaari na raw makabili ng mga sahog sa macaroni salad, spaghetti, at ham sa budget na ito.

Ikinagalit ito ng netizens pati na rin celebrities dahil sa "insensitive, insulting, tone-deaf" na pahayag ni Roque.

Read: Celebrities react to DTI's PHP500 Noche Buena budget

Sa guesting ni Gardo sa PEP Live nitong December 1, 2025, ibinahagi ng aktor na hindi lang ang price guide ang ikinakagalit ng sambayanang Pilipino kundi ang salat na kaalaman sa hirap ng buhay ng ordinaryong mamamayan.

"Sa totoo lang naman, di ba? Ako nga, gusto kong sagutin yung isang nag-comment, e.

"Kasi, like, nung buhay pa yung nanay ko, minsan after magsimba, tapos simpleng kain ng hapunan, madalas natutulog na kami mag-ina. So, hindi na, hindi ka na naaabot doon sa [Noche Buena], di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Like, makikita mo pa, 'Ano ang handa mo?' Ano na lang yan, in a way, siyempre kasi espesyal yung araw, espesyal yung okasyon.

"May mga special kang taong makakasama na hindi mo palaging nakakasama."

Iba lang daw yung pagpapahalaga na magkaroon ng maayos na selebrasyon sa Pasko ang mga Pilipino.

Lalo na sa gitna ng kaalamang trilyong piso ng pondo ng bayan ang nilulustay lamang ng mga korap sa gobyerno.

Na mano man lang daw ay matamasa ng Pilipino ang pera na galing din naman sa tao.

"Siguro kaya yun yung magiging dahilan kung bakit napakalaking issue noong PHP500 [price guide].

"Pero kasi dahil nga doon sa mga ginawa nila, di ba? Parang wala pa nga sa gabuhok yung PHP500, e.

"So, parang sana, kung may tunay na pagmamalasakit... Parang sana eto yung pagkakataon na maiparamdam nila sa bawat Pilipino sa buong bansa, di ba?

"Na yung PHP500 na yan, puwede mong gawing PHP500,000 bawat tao, di ba? Ipamahagi mo, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, parang ganun ba kabigat kung sakaling ibabalik mo sa bawat Pilipino, di ba?"

Diin pa ni Gardo: "Parang, sana bigyan ng tunay na kahulugan yung darating na Pasko.

"Napakarami nang dagok na dumating sa buhay ng bawat Pilipino at sa buong bansa, di ba?

"Parang, teka lang, parang alam mo ba talaga yung hirap ng buhay ngayon?"

Read: Kim Chiu sues sister Lakam for qualified theft

GARDO VERSOZA frustrated over plight of fellow filipinos

Parang minamaliit daw kasi ang mga Pilipino sa halagang ipinataw ng DTI.

"Parang kahit papaano, pampalubag-loob, hindi mo pa maibigay. Nasaan na yung puso mo niyan bilang kalahing Pilipino, di ba?"

Sentimyento pa ni Gardo: "Minsan nga sinasabi ko, okay na lokohin ka ng hindi mo kalahi, di ba? Mapapalagpas mo pa, e.

"Pero yung kauri mo, kalahi mo, nakatira sa sariling bansa mo, parang ang bigat tanggapin, di ba?"

Sabay segue ni Gardo sa pelikula niyang Jackstone 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sana samantalahin nila ngayon na makapagpasaya katulad sa December 3. Yun yung maibabahagi namin kahit papaano, di ba?

"Yung mapukaw [ang damdamin ng tao] kahit papaano, di ba? Makiliti kayo ng konti, di ba?

"Sigurado naman na mag-e-enjoy kayo sa Jackstone 5. And this is directed by Direk Joel Lamangan.

"At least, yung PHP500 pasok sa pambili ng ticket, di ba?"

Ang Jackstone 5 ay comedy film na pinagbibidahan nina Gardo, Eric Quizon, Arnell Ignacio, Jim Pebanco, at Joel Lamangan.

Singit ni Eric, na guest din sa PEP Live, "Pero isa lang yun, ha? Wala pang popcorn."

Read: Who is Dr. Reginald Santos, rumored fiance of Carla Abellana?

ON BEING VOCAL ABOUT RELEVANT SOCIAL ISSUES

Bukas si Gardo sa paghayag ng saloobin tungkol sa maanomalyang flood control scam ng mga nagsasabwatang mambabatas, opisyal ng gobyerno, at mga contractor.

"Kaya ko naman pinagdidiinan at pinaglalaban kasi para kahit papaano magkaroon din naman ng saysay yung pagiging artista ko. Yung kahit papaano may maibahagi ako sa kapwa ko Filipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, mas maganda yung bago ka man lang sana mawala, makita mo na yung mga susunod na henerasyon, maganda na yung magiging kinabukasan nila.

"Saka kaya nga tinawag na public servant, di ba, dahil you're serving the public. Pero pag self-service yung ginawa mo, e, hindi na maganda yan."

Diin pa ni Gardo, kailangan talagang i-call out kapag may maling ginagawa.

"Saka, para kasing pag hindi mo pinaglaban yung tama, magtutuluy-tuloy na naman ulit yun.

"So, buti na lang din ngayon, kahit papaano nagkaroon ng paggising. And then sana nga tuluy-tuloy na at mareresolba na rin.

"Para rin naman sa kapakanan ng bawat Pilipino yun, e. Para sa bansa natin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gardo Versoza on Filipino people deserving more than a PHP500 noche buena budget: "Parang kahit papaano, pampalubag-loob, hindi mo pa maibigay. Nasaan na yung puso mo niyan bilang kalahing Pilipino, di ba?"
PHOTO/S: Gardo Versoza Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results