Naglabas ng statement ang ABS-CBN matapos lumabas ang ulat na tinapos na ng TV5 ang kanilang content partnership.
Ito ay dahil umano sa hindi pagbabayad ng ABS-CBN ng revenue share na nagkakahalaga ng halos PHP1 billion kapalit ng pagpapalabas ng ilang Kapamilya shows sa TV5.
Kabilang sa mga programang ito ang FPJ’s Batang Quiapo, The Iron Heart, Dirty Linen, Everybody Sing, at ASAP Natin ‘To.
Hanggang Enero 2, 2026 na lamang mapapanood ang mga programa ng ABS-CBN sa TV5.
Read: TV5 and ABS-CBN landmark deal is now official
ABS-CBN RELEASES STATEMENT ABOUT TV5'S DEMAND
Kaugnay nito ay naglabas ang ABS-CBN ng pahayag ngayong Huwebes, December 4, 2025.
Ipinaliwanag ng Kapamilya network na isa sa dahilan kung bakit nahihirapan sila sa pagbabayad ay ang pagkatigil ng kanilang prangkisa noong 2020.
Dahil daw rito, kinailangan nilang magsimula muli mula sa ibaba at humarap sa kakaibang hamon na noon lamang nila naranasan.
Nangako naman ang ABS-CBN na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang tuparin ang kanilang obligasyon sa TV5.
Kung hindi man maiwasang matigil ang pag-ere ng kanilang mga programa sa TV5, hahanap at hahanap sila ng paraan para maipaabot sa kanilang mga manonood ang kanilang contents.
Narito ang buong pahayag ng ABS-CBN:
"We want you to hear this directly from us: ABS-CBN has received notice that our partnership with TV5 may end.
"While we are doing everything we can to resolve this within the short time we've been given, we want to be transparent with you about what's happening.
"Since losing our franchise in 2020—in the midst of a pandemic—we have faced challenges unlike any in our history.
"We've had to rebuild from the ground up, operating at a loss while staying true to our mission.
"These financial constraints are real, but they have never diminished our commitment to you.
"We know we have obligations to fulfill, and we're working as hard as we can to honor them.
"But whatever happens, our service to you will continue.
"We will find ways to reach you, just as we found our way back to you after losing our franchise.
"In the Service of the Filipino is our purpose and we will strive to pursue this no matter the odds. Thank you for believing in us."


