Kaakibat ng macho image ni Gardo Versoza, 56, bilang action star at sexy star noong '90s ang pagiging matinik sa chicks.
Nakilala siya sa action films na Akin Ang Ulo Mo Kid Manalo, Hangga't Kaya Kong Lumaban, at Kargado noong 1998.
Pero higit siyang nakilala sa sexy films tulad ng Kumusta Ka Aking Mahal (1993), Machete II (1994), at Ang Lalaki sa Buhay ni Selya (1997).

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inamin ni Gardo na tanging ang misis niyang si Ivy ang nakapagpatino sa kanya.
Ikinasal sila noong 2019, at mayroon silang anak na si Deity, 12.
Read: Gardo Versoza marries longtime partner Ivy Vicencio
Lahad ni Gardo: "Yung wife ko ngayon, parang nakita ko sa kanya yung mga traits na gusto ko.
"And then, uh, na-feel ko na it's about time, kasi sobra na yung pagdurusa niya doon sa pangtsi-chicks ko before.
"Kumbaga, it's payback time, di ba? So, parang sa lahat ng mga dumaan..."
Sabay naalala ni Gardo kung paano nasaksihan ni Ivy ang hirap at saya na pinagdaanan niya sa buhay.
"And then, siya kasi yung naka-experience nung, nung mawala yung mommy ko.
"Nung buhay pa si Mommy, parang ako yung sa character ni Direk Eric, laging may picture ng mommy."
Ang tinutukoy niyang "Direk Erik" ay si Eric Quizon, na co-star niya sa pelikulang Jackstone 5.
Grabe raw ang pagmamahal ni Gardo sa kanyang ina na si Purisima Torres.
"Like, parang sa ranking, sabi ko, never mapupunta sa baba yung mommy ko. Laging No. 1.
"So, like, nung nawala si Mommy, naisip ko na wala nang No. 1, so puwede nang iangat yung No. 2."

Taong 2010 nang pumanaw ang ina ni Gardo dahil sa sakit na sepsis.
Ang sepsis ay life-threatening medical emergency na ang infection sa katawan ay kumakalat at maaaring magresulta sa tissue damage, organ failure, at pagkasawi ng buhay, ayon sa clevelandclinic.com.
Dinamdam ni Gardo ang pagkawala ng ina, at aminado siyang inabot din ng siyam na taon bago siya nagdesisyong talikuran ang pangtsi-chicks.
"Ang tagal ng realization ko, e, kasi masarap mang-chicks sa totoo lang," prangkang hirit ni Gardo.
Alam daw ni Gardo na mali iyon.
"Ano naman iyon, e, parang parte talaga ng buhay iyon, e.
"Parang habang hindi ka pa kasal, tingnan mo kung ano yung mga hinahanap mo sa isang relasyon o sa magiging partner mo, di ba?
"Para pag dumating yung time na magse-settle down ka na, di ba, wala nang butas para magloko ka pa."
Read: Gardo Versoza weighs in on DTI's PHP500 noche buena budget
GARDO VERSOZA ON BEING A LADIES' MAN
Ayon kay Gardo, 20 years na silang magkarelasyon ng kanyang misis na si Ivy.
Naging tapat si Gardo sa pagsasabing noong magkasintahan pa sila ni Ivy ay nagkaroon siya ng ibang babae.
"Marami," pag-amin niya.
"Saka siyempre, di ba, alam niyo naman yung show business, maraming temptations.
"Pero nga kasi, parang pag nakita mo na yung pagpapahalaga mo dun sa isang tao, ano na, e, nawawala na unti-unti yung ano. Mas binibigyan mo ng pagpapahalaga [yung partner mo]."
Pagdating sa relasyon, ang natutunan daw ni Gardo ay ang kalagahan ng "palaging open yung communication ninyo."
Dugtong niya: "As much as possible, wala kayong tinatago sa isa't isa.
"Nadiskubre na nga niya yung kalendaryo ko, yung listahan ko ng mga...
"So, malaking bagay yung openness, and then yung pananampalataya niyo kay Jesus, and then respeto."

Read: Gerald admits shortcomings in past relationship with Julia
COMMON MISUNDERSTANDING THESE DAYS
Sabi pa ni Gardo, kung meron man daw silang madalas na pag-awayan ng misis niya ngayon, iyon ay ang pagiging vocal niya sa paglaban ng karapatan ng mamamayan.
"Lagi siyang nagugulat sa akin. Sabi niya, 'Wala ka naman position, e. bakit nangingialam ka pa?'
"Sabi niya, 'Wag ka na makigulo diyan.'
"Sabi ko, 'Hindi, e. Para sa kapakanan ng mga kapwa Pilipino ito, e.'"
Naging bukas naman si Gardo sa pagsasabing bukod sa anak nila ni Ivy, may dalawa siyang anak sa magkaibang babae.
May panganay siyang anak na nakatira sa U.S., at may isang bunsong anak dito sa Pilipinas.
"Kabilin-bilinan ni wifey, siya na yung pinakabunso. Dapat wala nang sumunod," pagtatapos ni Gardo.
Nakapanayam ng PEP si Gardo pagkatapos ng guesting nila ni Eric Quizon sa PEP Live noong December 1, 2025.
