Kinumpirma ni Eric Quizon ang noon pa man ay isyung ang adopted sister niyang si Nicole "Coco" Quizon ay entitled sa 50 percent ng kabuuang ari-arian ng pumanaw nilang amang si Dolphy.
Si Dolphy, o Rodolfo Vera Quizon sa totoong buhay, ay pumanaw noong 2012. Siya ang tinaguriang Comedy King of Philippine cinema.
Si Dolphy ay may 18 anak sa iba’t ibang nakarelasyon. Lahat ng mga anak na ito, puwera kay Nicole, ay born out of wedlock.
Apat na anak na ni Dolphy ang pumanaw: si Freddie noong 2005, sina Rolly at Dino noong 2018, at si Edgar noong 2020.
Inampon ni Dolphy si Nicole noong 1990.
Sa ilalim ng Domestic Adoption Law, kinikilala siya bilang legitimate child, samantalang ang biological children ng nasirang Comedy King ay illegitimate.
Si Nicole ay adopted daughter nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla.
Biological daughter naman nina Dolphy at Zsa Zsa ang singer na si Zia Quizon.
Nangangahulugan ito na sa pagpanaw ni Dolphy, entitled si Nicole sa 50 percent ng mga ari-arian ng Comedy King.
Kinumpirma ito ni Eric nang eksklusibo siyang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang PEP Live noong December 1, 2025.
Nag-guest si Eric, kasama si Gardo Versoza, sa PEP Live para sa promo ng pelikulang Jackstone 5, na nagbukas sa mga sinehan noong December 3.

ERIC REVEALS NICOLE WAIVED HER 50 PERCENT INHERITANCE
Pagkumpirma ni Eric, sa ilalim ng batas ay mapupunta dapat kay Nicole ang kalahati ng mga ari-arian ng kanilang ama.
Sabi niya: “When it comes to the inheritance, 'no, Nicole is the one… we're all, we're all illegitimate children. Si Nicole lang ang legal.
"So, technically speaking, at that time, she was supposed to get 50 percent, and then she's also part of the 50 percent that we're all sharing.”
Sa kabila nito, may habilin daw ang ama nilang si Dolphy sa nais nitong mangyari pagdating sa hatian ng kanyang mga anak.
Pagdedetalye ni Eric: “However, my dad asked me with the lawyer, my dad asked me to talk to Nicole. So, ako na ang nakipag-usap kay Nicole, and iyon sinabi ko...
“Alam mo, mabait na bata si Nicole.
“Ang sinabi ko sa kanya, ‘Nicole,’ sabi ko, ‘Technically, ito yan… Pero this is what Daddy wants. And he wanted…'
“Kumbaga, para may... kasi magkapatid kaming nag-uusap, ‘tapos meron akong pinapapirmahan sa kanya, e.”
Hindi tinukoy ni Eric kung ano ang pinapirmahan kay Nicole. Pero batay sa kanyang mga pahayag, may posibilidad na ukol ito sa pag-waive sa 50 percent inheritance ni Nicole.
Pagpapatuloy ni Eric: “And then, iyon, ang sinagot lang ni Nicole sa akin… that's why even up to now, hindi ko iyon makakalimutan.
“Ang sinabi lang ni Nicole sa akin, 'Kuya, I'm so blessed to be part of this family. Of course, I'm going to sign this waiver.’
"So, sinign niya yung waiver.”
Sabi pa ni Eric: “So, nagkaroon kami ng dramatic moment doon. So, parang pang-MMK, ganun.
"So, ganun siya. So, ganun kabait na kapatid si Nicole.
“Kasi naiintindihan naman niya na lahat kami anak, e.
“Sa daddy ko kasi, walang anak sa labas. Lahat pare-pareho iyan."
Read: The women in Dolphy's life

ERIC ON BEING THE ANCHOR OF THE FAMILY
Sa pagpanaw ng Comedy King, isang malaking responsibilidad ang iniatang kay Eric.
“When my dad died, parang ako yung inatasan na mag-administrate nung my dad’s estate.
"So, parang bigla akong naging daddy. So, parang naging tatay ako ng 17 other siblings,” pagbabahagi ng actor-director.
Kinumusta ng PEP si Eric ukol sa bigat ng responsibilidad na iyon.
“I’m holding up pretty well," sambit niya.
"Siguro kasi I consider myself a problem-solver. I find solutions to any problems, or any situation na mapuntahan ko. I try to solve it.
"May Plan A, may Plan B. Minsan umaabot hanggang Plan Z kung kinakailangan.
"I always think four, five steps ahead. Meron akong ganoong thinking.”
Ang nasa isip daw ni Eric, kailangan niyang gampanan ang responsibilidad na ibinigay sa kanya.
Sa kabila nito, inamin niyang may mga pagtatalo sa kanilang magkakapatid.
Saad niya: “Although, siyempre, in any family, merong arguments.
"Pero arguments lang iyon, hindi naman hindi naso-solve, somehow, yung lahat ng nae-encounter namin na mga disagreements.
"Kasi siyempre, we're like 18 different heads. Siyempre, iba-iba ang takbo ng isip ng mga iyan.
“But we try to come up with a solution and yung talagang lahat agree sa desisyon.
"Kasi, in any estate, pag merong humindi na isa, walang mangyayari doon. So, kailangan lahat yes or lahat no, parang ganoon.”
Read: Eric Quizon, itinalagang executor ng mga negosyo ng Quizon family
ERIC CITES KEY TO UNDERSTANDING AMONG SIBLINGS
Ang solusyon naman daw para magkaintindihan ang magkakapatid ay komunikasyon.
“I always talk to them," sabi ni Eric.
"Sometimes to a point where I have to talk to them individually.
"So, 18 times akong nasa telepono or minsan I talk to them as a family, as a unit.”
Pagbibigay-halimbawa pa ni Eric, “Kamukha ng mga kapatid ko sa Los Angeles, pag kausap ko sila, so apat sila ang kausap ko doon.”
Gayundin daw kapag kausap niya ang mga naiwan ng kanyang pumanaw na kapatid na si Rolly Quizon.
“Yung family niya so kinakausap ko yung lahat ng heirs ng brother ko...
“Communication lang talaga. Kailangan lang talaga nagkakaintindihan kayo.”
Sumang-ayon din si Eric na isa sa karaniwang problema pagdating sa mana sa Pilipinas ay sa hatian ng lupain ng mga magkakapatid.
Tinukoy pa niya ang karaniwang paniniwala na ang laki ng hatian ay nakadepende sa seniority ng magkakapatid—na ang mas matanda ang makakakuha ng mas malaking bahagi.
Pero payo ni Eric: “I think ang importante lang diyan is they should know the law, especially when it comes to inheritance law.
“Dapat alam lang nila yung mga ganyan kasi pagka hindi nila sinunod ang Philippine law, walang law about that. Hindi magkakasundo talaga.”
Sa kaso raw ni Eric, inaral niyang mabuti ang inheritance law para sa gayon ay maiayos ang hatian nilang magkakapatid.
Read: Eric Quizon at mga kapatid, walang isyu pagdating sa negosyo
