PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mon Tulfo defends brother Raffy amid indecent proposal allegation

Mon Tulfo: “Kung totoo man ang balita... eh, ano ngayon?"
by Jojo Gabinete
Published Dec 9, 2025
raffy tulfo mom tulfo chelsea ylore
Broadcaster Mon Tulfo (right) on brother Senator Raffy Tulfo's (left) alleged indecent proposal to VMX star Chelsea Ylore (center): "Eh, ano ngayon kung nambabae siya? Ang nakakahiya ay kung nanlalake ang kapatid ko gaya ng isang lalakeng mambabatas na mahilig sa basketbolista."
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Posibleng hindi na magsalita ang VMX star na si Chelsea Ylore tungkol sa isyu — na siya rin ang nagsimula — dahil pinagbawalan na siyang magpainterbyu.

Umingay ang pangalan ni Chelsea dahil sa rebelasyon nito sa isang podcast interview na "paldo" ang senador na nagbigay sa kanya ng malaking halaga ng tip — PHP250K to PHP300K — kahit wala pang “nangyayari” sa kanila.

Hindi pinangalanan ni Chelsea ang senador, pero nagbigay siya ng clue.

Diumano, may mga letrang "Y," "R," at "F" ang pangalan ng senador na kanyang tinutukoy.

Read: Batang Quiapo ni Coco Martin, hanggang January 2, 2026 na lang?

MON TULFO REACTS: "Eh, ano ngayon kung nambabae siya?"

Nadamay ang pangalan ni Senator Raffy Tulfo sa isyung inumpisahan ni Chelsea dahil sa reaksiyon ng kanyang kapatid — ang hard-hitting broadcast journalist na si Ramon Tulfo.

Base sa Facebook post ni Mon, parang kinumpirma niya ang mga espekulasyon na ang kanyang kapatid ang paldong senador na tinutukoy ni Chelsea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw siya makapaniwala sa balita dahil "takusa" si Raffy sa misis nitong si Jocelyn.

Saad ni Mon (published as is): "Natatawa ako sa balitang kumakalat na isang senador ay nag-offer ng indecent proposal sa isang artista (kuno) ng 250k para bembangin ito.

“May mga haka-haka na ang kapatid kong si Raffy ang tinutukoy.

“Hindi ako makapaniwala sa balita dahil takusa (takot sa asawa) ang kapatid ko kay Jocelyn."

Pero kung sakali man daw totoo, sabi ni Mon: "Eh, ano ngayon kung nambabae siya?

“Ang nakakahiya ay kung nanlalake ang kapatid ko gaya ng isang lalakeng mambabatas na mahilig sa basketbolista.

“Kung totoo man ang balita— granting but not admitting, ang sabi pa ng mga abogado— eh, ano ngayon?"

Read: Paolo Valenciano to Rico Blanco: "We’re simply not meant to work together again."

Kilala rin daw na galante ang kanyang kapatid, at sa sariling bulsa raw nito ang ipinamimigay nitong pera.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mayaman na raw si Raffy at ang misis nitong si Jocelyn bago pa man naging senador ang kapatid ng broadcaster.

Saad ni Mon: “Kilalang galante (generous) si Raffy. Nakakapamigay siya ng daan-daang libo sa kanyang programang Raffy Tulfo In Action sa TV at radyo.

“Sa kanyang bulsa nanggagaling ang pera pinamimigay niya.

“Kasing galante siya ni Willie Revillame.

"Bago pa man naging senador si Raffy at congresswoman si Jocelyn ay mayaman na silang mag-asawa.

“In fact, ang kanilang combined Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SAL-N) ay P1 billion.

“Ikumpara mo ang kanilang SAL-N na P1 billion sa mga SAL-N ng ibang mga pulitiko na maliit na halaga ang dineklara."

Katuwiran pa ni Mon: “Don’t you appreciate their honesty? Kung ako pa ang napabalita na nag-offer ng indecent proposal, kapani-paniwala pa.

"Sa edad kong ito ay tumitigas pa rin at humahanap si manoy ng masasabong. Hehe!

“Pero, kung ako yung may pera gaya ni Raffy ay Miss Philippines material ang pipiliin ko gaya ng mga litrato sa ibaba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: James Blanco at Abby Bautista: dating "mag-ama," "lovers" na ngayon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Broadcaster Mon Tulfo (right) on brother Senator Raffy Tulfo's (left) alleged indecent proposal to VMX star Chelsea Ylore (center): "Eh, ano ngayon kung nambabae siya? Ang nakakahiya ay kung nanlalake ang kapatid ko gaya ng isang lalakeng mambabatas na mahilig sa basketbolista."
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results