Kusang-loob na sumuko ang contractor na si Sarah Discaya sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City bago pa man lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya.
Nagsadya si Discaya sa NBI headquarters nitong Martes ng umaga, Disyembre 9, 2025, ilang oras matapos ianunsiyo ni President Ferdinand Marcos Jr. na nakatakdang lumabas ang arrest warrant para sa contractor sa linggong ito.
Ang arrest warrant para kay Discaya ay dahil sa pagkakasangkot ng construction company niya sa ghost flood control project sa Barangay Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental, na nagkakahalaga ng PHP96.5 million.
Read: Mon Tulfo defends brother Senator Raffy Tulfo amid indecent proposal allegation
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Marcos: "Inaasahan na rin nating lalabas ang warrant of arrest ni Sarah Discaya itong linggong ito, at hindi na rin magtatagal ang pag-aresto sa kanya."
Ang pahayag na ito ng Pangulo ang nag-udyok kay Discaya na sumuko sa NBI para doon na lamang niya hihintayin ang paglabas ng arrest warrant para sa kanya.
RIMANDO ALSO SURRENDERS
Hindi lamang si Sarah ang sumuko sa NBI dahil nauna nang pumunta sa Pasig City Police Station si Ma. Roma Angeline Rimando, ang pamangkin ng kanyang asawa na si Pacifico "Curlee" Discaya III.
Si Rimando ang presidente ng St. Timothy Construction, isa sa mga construction company na pag-aari ng mga Discaya.
Noong nakaraang Biyernes, Disyembre 5, ipinag-utos ni Marcos sa Philippine National Police (PNP) na tugisin si Rimando at ang ibang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na inaakusahan na sangkot din sa mga anomalya sa ghost flood control project sa Davao Occidental.
Gaya ni Sarah, kusang-loob na sumuko si Rimando sa Pasig City Police Station noong Lunes, Disyembre 8, bago lumabas ang inaasahan niyang arrest warrant laban sa kanya.
Isinuko rin ni Rimando ang passport nito sa Pasig City Police bilang patunay na haharapin niya ang kaso at wala sa kanyang plano ang tumakas at magtago.
Read: Male news personality na sangkot sa sexual harassment, nag-resign sa trabaho