Walang sapat na basehan para idawit si Gretchen Barretto sa kontrobersiyal na missing sabungeros.
Ito ang nakasaad sa 120-page joint resolution ng five-member panel of prosecutors o fiscals mula sa Department of Justice (DOJ).
Kasama si Gretchen sa sinampahan ng multiple complaints nang idawit siya ni Julie "Dondon" Patidongan sa trahedyang sinapit ng missing sabungeros.
Nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng joint resolution ng DOJ ngayong Miyerkules, December 10, 2025.
Read: Gretchen Barretto denies involvement in missing sabungeros case
MULTIPLE COMPLAINTS AGAINST GRETCHEN BARRETTO
Pitong magkakahiwalay na docket numbers o tracking number para sa multiple legal complaints ang kasama sa joint resolution ng DOJ.
Sa batch na nakalista ang pangalan ni Gretchen, may kasama siyang humigit-kumulang 57 respondents.
Kabilang din sa respondents ang tinaguriang "mastermind" ng missing sabungeros—ang gambling tycoon na si Atong Ang.
Sinampahan ang grupo nila ng reklamong murder, kidnapping and serious illegal detention, corruption of public officials, at paglabag sa New Passport Law.
Sinampahan din ang grupo nila ng obstruction of apprehension and prosecution of criminal offenders at paglabag sa Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012.
Kasama rin sa mga isinampa laban sa grupo nila ang reklamong paglabag sa Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.
Kabilang si Gretchen sa natukoy na 11 members ng "Pitmasters Alpha Group" na dawit sa maselang isyu.
Ang "Pitmasters" ay tumutukoy sa mga negosyanteng nagsu-supply ng 700 "game fowls" para sa 24/7 online sabong operations na pagmamay-ari ni Atong.
Diumano, sangkot sila sa insidente ng serious illegal detention, kidnapping, at murder sa apat na natukoy na biktima noong January 13, 2022.
May kinalaman umano ang pagditena at pagpaslang sa mga biktima sa mga insidente ng dayaan sa sabong.
Read: Atong Ang files counter-affidavit in missing sabungeros case
GRETCHEN BARRETTO'S defense IN PRELIMINARY INVESTIGATION
Nakasaad sa resolusyon ng DOJ ang mga naganap sa preliminary investigation—ang reklamo ng complainants at kontra-salaysay ng respondents.
Bilang depensa, mariing itinanggi rito ni Gretchen na sangkot siya sa diumano'y "criminal conspiracy" sa missing sabungeros.
Nanindigan si Gretchen na walang "supporting evidence" na naihain ang private complainants laban sa kanya.
Kinuwestiyon din ni Gretchen ang aniya'y walang basehang salaysay ni Julie Patidongan na bumoto o sumang-ayon si Gretchen sa pagpaslang sa apat na biktima para matigil na ang diumano'y pandaraya ng mga ito.
Hindi rin daw personal na kilala si Gretchen ng complainants na nagsampa ng patung-patong na reklamo sa kanya.
Read: DOJ issues subpoena for Atong Ang, Gretchen Barretto, 60 others
DOJ PROSECUTORS' RESOLUTION
Kinatigan ng piskalya ang salaysay ni Gretchen at iba pang miyembro ng tinaguriang Pitmasters Alpha Group.
Ibinasura ng five-member panel of prosecutors ng DOJ ang lahat ng reklamong isinampa laban kay Gretchen kabilang ang kidnapping, serious illegal detention, at murder.
"Speculated and uncorroborated" daw kasi ang ebidensiya laban kay Gretchen at iba pang Alpha Group members.
Ayon pa rin sa resolusyon ng fiscals ng DOJ, hindi sapat na basehan ang salaysay ni Julie Patidongan na kasama si Gretchen sa mga dumalo sa "meeting" para desisyunan ang pagpaparusa sa "cheating sabungeros."
"However, there is no showing that they gave direct orders, participated in logistics or had knowledge of the specific abductions.
"Their alleged 'approval' during meetings was unsupported by any document, recording, or independent witness," saad ng panel of fiscals.
Kung sakali man daw totoo na naroon si Gretchen sa meeting, wala rin daw pruweba sa "intent and participation" ni Gretchen sa umano'y dinesisyunang pagpaparusa sa mga natukoy na apat na biktima.
"Assuming arguendo that they were present in the meetings, mere association or attendance thereat, even if a crime is discussed, does not amount to conspiracy unless there is proof of intent and participation.
"Thus, the complaint against the Pitmaster Alpha members should be dismissed for lack of merit without prejudice should future evidence arise linking them directly to the unlawful detentions."
Inirekomenda naman ng DOJ na sampahan ng kasong kidnapping with homicide ang tinaguriang "principal" respondent o "mastermind" na si Atong Ang para sa insidenteng naganap noong January 13, 2022.
Hindi pa kasama rito ang ibang kasong isinampa laban kay Atong at iba pang respondents kaugnay ng ilan pang insidenteng konektado sa kontrobersiyal na missing sabungeros.
Read: Atong Ang denies "mastermind" tag in missing sabungeros case
GRETCHEN BARRETTO CAMP OFFICIAL STATEMENT
Nanindigan ang kampo ni Gretchen na wala siyang kinalaman sa masalimuot na kaso ng missing sabungeros sangkot si Atong Ang at ibang respondents.
Ayon sa legal counsel ni Gretchen na si Atty. Alma Mallonga, nagpapasalamat ang kampo nila sa pagsang-ayon ng DOJ sa paninindigan ng kanyang kliyente.
"As Ms. Gretchen Barretto had steadfastly maintained, there is no truth to the accusations against her.
"She played no part in the case of the missing sabungeros.
"Thankfully, the Department of Justice agreed, ruling that the accusations were based on speculation and uncorroborated, and thus dismissed the complaint against her for lack of merit."
