PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Woman who saved fur babies first during the fire recounts ordeal

Woman from Mandaue City earns praise from netizens.
by Bernie V. Franco
Published Dec 12, 2025
Woman rescues dogs
TRUE HERO. Ei Mei Lee has earned widespread praise online after saving two dogs and then climbing out of a burning building in Mandaue City.
PHOTO/S: Ivy Baya on Facebook

Hinangaan at naging laman ng social media ang isang babae matapos unahing iligtas ang dalawang alagang aso kesa sarili nang masunog ang gusaling kinaroroonan nila.

Makapigil-hininga ang mga eksena.

Sa nag-viral na video, makikitang nasa balcony ang babae sa third-floor building na binabalutan ng makapal at maitim na usok.

Maririnig ang sigawan ng mga tao sa baba na ginagabayan ang babae para makaligtas ito.

Matapos ihagis ang dalawang aso na nasalo ng mga tao sa baba, bumaba sa balcony ang babae para iligtas ang sarili.

Woman dog
The woman, identified as Ei Mei Lee Maningo, was seen tossing one of her dogs from the third floor to spectators below, who caught the pet as the building went up in flames.
Photo/s: Ivy Baya on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi puwedeng magsayang ng sandali dahil mabilis na kumakalat ang apoy.

Sakto ang pagdating ng fire truck. Ipinuwesto agad ang ladder para umabot sa third-floor balcony ng isang building.

Hindi pa nailalapag nang maayos ang ladder, lumambitin na ang babae na kamuntik pang mahulog.

Pagkapit niya sa ladder, makikitang kumalat ang mapulang apoy mula sa balkonahe.

Read: Why more and more Filipinos choose live-in set-up

WOMAN RECOUNTS ORDEAL

Kinilala ang babae bilang si Ei Mei Lee Maningo, ulat ng GMA Regional TV.

Ang building ay nasa isang compound sa Sto. Niño, Brgy. Guizo, Mandaue City, Cebu.

Nangyari ang sunog noong umaga ng December 10, 2025.

Si Ei Mei Lee ay empleyado at kamag-anak ng may-ari sa third floor.

Umabot sa second alarm ang sunog at tinatayang nasa PHP10 million ang nasira ng apoy.

Sabi sa initial investigation, electrical faulting sa first floor ang naging sanhi ng sunog.

May vloggers na nakapag-interview kay Ei Mei Lee matapos siyang makaligtas. Dito ay inilahad niya ang mga pangyayari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento niya, nasa third floor siya at nasa kitchen nang maganap ang sunog. Bandang 7:15 A.M., nakarinig daw siya ng pagsabog sa may ground floor.

Hindi na niya ito pinansin, subalit hindi nagtagal ay nakarinig siya ng mga nahuhulog at nababasag na mga gamit. Uminit din daw ang paligid.

Doon na niya naisipang lumabas ng kusina at sinilip kung ano ang nangyayari.

Paglabas ay nakita niyang may nasusunog.

Sabi ni Ei Mei Lee, ang plano niya ay lumabas sa terrace, subalit bumulaga sa kanya ang maitim at makapal na usok, kaya sa balcony siya nagtungo.

Tumawag na siya at humingi ng tulong, pero kailangan niyang kumilos nang mabilis dahil mabilis na ring kumakalat ang apoy.

Unang dumating ang Emergency Rescue Unit Foundation subalit hindi umabot hanggang third floor ang dalawa nilang ladder.

Doon na naisipan ni Ei Mei Lee na ihagis ang mga aso sa baba at ipasalo sa mga taong nasa labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Woman fire third floor
As the fire reached the balcony, Ei Mei Lee climbed over the railings to escape. Just in the nick of time, firefighters arrived and positioned a ladder to help her down.
Photo/s: Ivy Baya on Facebook

Makalipas lamang ang isang sandali ay maririnig na ang pagdating ng fire truck.

Sumampa sa balcony si Ei Mei Lee. Nadulas pa ito. Buti na lang ay mahigpit ang pagkakakapit niya sa railing at lumambitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilapat na ng mga bumbero ang ladder sa balcony para sagipin si Ei Mei Lee.

Maraming netizens ang humanga at pinapurihan si Ei Mei Lee sa kanyang ginawa.

Tinawag siyang bayani.

Pinuri nila ang kanyang katapangan, presence of mind, at pagiging alerto sa gitna ng sunog.

Read: Meet Boy Buhat, Divisoria porter turned on-the-spot reporter

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TRUE HERO. Ei Mei Lee has earned widespread praise online after saving two dogs and then climbing out of a burning building in Mandaue City.
PHOTO/S: Ivy Baya on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results