PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ben Tulfo reprimands brother Mon for commenting on Raffy's issue

Ben Tulfo calls his Kuya Mon Tulfo "epal" and "kunsitidor."
by Jojo Gabinete
Published Dec 12, 2025
ben ramon raffy tulfo issue
Broadcaster Ben Tulfo (left) castigates older brother Ramon Tulfo (center) for commenting on issue involving their brother, Senator Raffy Tulfo (right): "Kapag ang isang kapatid namin na nagsasalita na hindi naman siya opisyal para magsalita, hindi siya binigyan ng pahintulot na magsalita... Pero yung kusa kang loob na nagsalita, hindi naman kayo naninirahan sa isang bahay, magkaiba naman ang buhay, e, bakit ka makikialam at bakit ka nagsasalita?”
PHOTO/S: YouTube / Facebook

Ilang buwan makalipas niyang kastiguhin ang pamangkin na si Congressman Ralphy Tulfo at ama nitong si Senator Raffy Tulfo, ang nakatatandang kapatid naman niyang si Ramon "Mon" Tulfo ang binanatan ng komentarista na si Ben Tulfo.

Banat ni Ben kay Mon: “Kaya ikaw, Kuya, shut up! Magtanim ka na ng kamote sa bukid. Nandoon ka na lang, magretiro ka na, the sun’s going down and then, gracefully grow old!”

Tinawag din niyang "epal" at "kunsintidor" ang 79-anyos na kapatid.

Ang pinagmulan ng pagkastigo ni Ben kay Mon ay ang isyu na, diumano, malaking halaga ng pera ang ibinigay na tip ng kapatid din nilang si Senator Raffy sa aspiring sexy star na si Chelsea Ylore.

Read: Ben Tulfo castigates nephew Cong. Ralph Tulfo over P6.7M splurge

Hindi nagustuhan ni Ben ang diumano’y pag-angkas at pakikisawsaw ng kanyang Kuya Mon sa isyung hindi naman ito ang sangkot.

Bahagi ng Facebook post ni Mon tungkol sa isyu ni Raffy noong Disyembre 8, 2025: “Natatawa ako sa balitang kumakalat na isang senador ay nag-offer ng indecent proposal sa isang artista (kuno) ng 250k para bembangin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May mga haka-haka na ang kapatid kong si Raffy ang tinutukoy. Hindi ako makapaniwala sa balita dahil takusa (takot sa asawa) ang kapatid ko kay Jocelyn.

“Pero pagpalagay na natin na totoo: Eh, ano ngayon kung nambabae siya? Ang nakakahiya ay kung nanlalake ang kapatid ko gaya ng isang lalakeng mambabatas na mahilig sa basketbolista.

“Kung totoo man ang balita— granting but not admitting, ang sabi pa ng mga abogado— eh, ano ngayon?”

Read: Mon Tulfo defends brother Raffy amid indecent proposal allegation

BEN TULFO CASTIGATES BROTHER MON TULFO

Hindi pinalampas ni Ben ang mga pahayag na ito ni Mon, na tinawag niyang "Facebook blogger."

Pahayag ni Ben sa kanyang programang Bitag kahapon, Disyembre 11: “Kung sino ang may isyu sa pamilya, siya lang ang magsasalita kasi siya ang may karapatang magsalita. Siya ang nadadawit.

“Hindi yung nakikiangkas ka lang, nakikisakay ka. Gusto mong sumakay sa pangalan dahil kapangalan mo, kaapelyido mo. Tulfo ka rin pero teka muna.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kami po nagsasabi noon pa man, nahihiya na po kami sa pinaggagagawa ng isang kapatid po namin.

"Magkaiba po kami, magkaiba po ang larangan namin.

“Kami po sa Bitag, hindi po namin kinukunsinti yung mga gawaing mali na, again, hindi ko sinasabing mali po yung kapatid ko at guilty po siya [Raffy]. Hindi po.”

Iginiit ni Ben na isa lang umano ang kanyang pamantayan: ang mali ay mali.

Hindi pa nagsasalita at hindi pinapatulan ni Senator Raffy ang kontrobersiyang inumpisahan ni Chlesea, at ito ang nais ipunto ni Ben sa kanyang paliwanag tungkol sa inasal ng kanilang Kuya Mon.

Saad niya: “Kung totoo man, kasi hangga’t hindi natin napakinggan yung panig nung tao na ayaw magsalita o hindi nagsasalita o wala siyang pakialam magsalita, ang consequence ay sa kanya.

“Your choice, your consequence, kasi ayaw mo magsalita. At may karapatan kang huwag magsalita kung totoo man o hindi or balewalain mo, pasinungalingan mo o patotohanan mo o aamin ka o hindi, mangatuwiran ka hangga’t gusto mo. Hindi po yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Diretso po ako, nadadamay po yung isang kapatid ko, mahal ko naman ang mga kapatid ko.

“Bagamat kung minsan nakikita ninyo, nagsasalita ako, hindi dahil isinusuka ko. Magkaiba lang po siguro yung aming mga larangan.

"Yan ang trabaho ko. Puwede rin akong pintasan, puwede po akong pagsabihan."

Pasaring pa niya sa kanyang Kuya Mon: “Yun pong isang kapatid magsasalita para sa isang kapatid na hindi naman siya designated spokesperson.

“Kung ako man po ang magkakaroon ng isyu, ako lang po ang magsasalita.

"Hindi puwedeng ang kapatid ko makialam sa akin at hindi po pupuwede yung kuya ko ang magsasalita kasi sosoplahin ko.

“Bakit ka magsasalita? Sino ang nagbigay sa yo ng karapatang magsalita?

"Bakit, sangkaterba ba na mga tanga kami, Kuya Mon? Na ikaw ang nagsasalita, gusto mong magpa-epal?"

Dagdag pa ni Ben: “Ang point ko rito, let the guy speak kung siya ang may isyu.

"Kung ako po ang may isyu, ako lang po ang magsasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako ang nadadawit, ako ang magtutuwid.

"Ako ang magpapaliwanag kung kinakailangan kong magpaliwanag.

"Kung mananahimik ako, karapatan kong manahimik.

“Pero kapag ang isa’y umentra, nakiangkas, nakisawsaw, nakisakay na iba na po yung buhay naming magkakapatid."

Read: Nico Locco tinawag na "extra lang" ang co-star na si Chelsea Ylore

BEN CALLS HIS KUYA MON "KUNSITIDOR"

Ayon pa kay Ben, hindi na sila mga bata na puwedeng pakialaman ng nakatatandang kapatid.

“Hindi na po kami mga bata na puwedeng makialam ang isang kuyang matanda. Matatanda na po kami!

“Parang ang ginagawa rito, para kaming sangkaterbang paslit.

"Kaya para sa akin, kapag ang isang kapatid namin na nagsasalita na hindi naman siya opisyal para magsalita, hindi siya binigyan ng pahintulot na magsalita...

"Mabuti sana kung sinabi ng kapatid naming si Raffy na, ‘O, sige, magsalita ka para sa akin,’ okay lang yon.

“Pero yung kusa kang loob na nagsalita, hindi naman kayo naninirahan sa isang bahay, magkaiba naman ang buhay, e, bakit ka makikialam at bakit ka nagsasalita?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa “epal,” tinawag din ni Ben na "kunsintidor" ang kanyang Kuya Mon dahil sa sinabi nitong okay lang na mambabae — na maling-mali raw kaya hindi dapat ipilit na tama.

“Para tuloy ang dating ni Kuyang, e, kunsintidor ka! Kunsintidor ka sa mga gawaing mali! Yun ba yon?

“Tapos bibigyan mo ng dahilan na ang mali ay tama? Okay lang?

"Okay lang mambabae, huwag manglalake? Anong ibig sabihin nun?

“Kung gawain mo at estilo mo, magwala ka hanggang gusto mo! Huwag mo kaming idamay!

"Huwag mo kaming isama sa ipagtatanggol mo dahil hindi ka tagapagtanggol namin. Marunong kami magtanggol!” sabi ni Ben.

Read: Sen. Raffy Tulfo, ipinagtanggol ang anak na si Cong. Ralph Tulfo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Broadcaster Ben Tulfo (left) castigates older brother Ramon Tulfo (center) for commenting on issue involving their brother, Senator Raffy Tulfo (right): "Kapag ang isang kapatid namin na nagsasalita na hindi naman siya opisyal para magsalita, hindi siya binigyan ng pahintulot na magsalita... Pero yung kusa kang loob na nagsalita, hindi naman kayo naninirahan sa isang bahay, magkaiba naman ang buhay, e, bakit ka makikialam at bakit ka nagsasalita?”
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results