Ang Kapamilya star na si Iñigo Jose at Kapuso actor na si Lee Victor ang latest evictees sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.
Ngayong gabi ng Sabado, December 13, 2025, nangyari ang third eviction night, kunsaan sina Iñigo at Lee ang nakakuha ng pinakamababang text votes.
Habang ang kapwa nila nominado na sina Heath Jornales at Fred Moser ang naligtas.
Sa ipinakitang tally of votes, nakuha ni Health ang pinakamaraming boto na 84.41%, sinundan ito ni Fred na may 59.48%, habang si Iñigo ay may 40.52%, at Lee na may 15.59%.


iÑigo and Lee Turn Emotional as They Return to the Outside World
Samantala, hindi napigilang maging emosyunal nina Iñigo at Lee nang salubungin sila ng kanilang fans at pamilya sa outside world.
Naitanong din sa dalawa ng host ng programa na si Bianca Gonzalez kung ano ang mahalagang aral na kanilang natutunan sa Bahay Ni Kuya.
Saad ni Iñigo, "Para sa akin po yung respeto. Kahit anong henerasyon man yan, respeto po talaga. Kaya maraming salamat po sa lahat."
Emosyonal namang sambit ni Lee, "Yung pag-stay ko dito sa Bahay ni Kuya, grabe mas naging tama akong lalaki, mas na-prove ko sa kanila na kaya kong maging mature in a very young age.
"Lahat ng nga pinagdaanan ko, lahat ng improvement ko hindi lang it’s me on my own kung hindi sa lahat ng mga kasama kong housemates. Sila talaga yung nagpa-enhance sa pagkatao ko."
Sa ngayon, tatlong Kapamilya at Kapuso housemate na sa edisyong ito ang na-evict sa PBB house mula nang magsimula ito noong October 25.
Bago ma-evict sina Iñigo at Lee ay nauna nang lumabas ng bahay sina Waynona Collings, Reich Ailm, Marco Masa at Eliza Borromeo.
Read:
