PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang apologizes after brother’s road-rage incident

Pokwang: "Humihingi po ako ulit ng kapatawaran doon po, doon sa mag-ama."
by Arniel C. Serato
Published Dec 16, 2025
Pokwang apologizes for borther's outburst
Pokwang on her brother's (encircled) road rage incident: "Ako po yung humihingi ng dispensa doon po sa kaniyang nakaalitan at lalung-lalo na po doon sa anak na babae. Pasensya ka na, iha. Dadalawin kita ha, wait lang ha, pupunta ang Tita Pokwang diyan. Pasensya ka na."
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Humingi ng paumanhin ang comedienne-TV host na si Pokwang dahil sa inasal ng kanyang kapatid na lalaki.

Sa kanyang Instagram ngayong umaga ng Martes, December 16, 2025, kinumpirma ni Pokwang na kapatid niya ang nag-viral na driver ng puting Toyata Hilux na nangumpronta ng mag-amang magkakariton.

Saad niya: "May gusto lang po akong ipahiwatig or malaman niyong lahat na totoo po yung tungkol po doon saan nag-viral po na video na isa pong lalaki, na naka-Hilux na Toyota'ng puti.

"Opo, kapatid ko po yun. Nag-viral siya. Galing, 'no? Ano po, galing."

Idiniin ni Pokwang na ang kasalanan ng kanyang kapatid ay hindi nangangahulugang kasalanan na rin ng kanilang buong pamilya.

Humingi rin siya ng paumanhin sa nakaalitan ng kapatid niyang lalaki, lalo na sa paslit nitong anak na babae.

Aniya, "Paalala lang po na ang kasalanan po ni Pedro ay hindi po puwedeng maging kasalanan ni Juan.

"Maaaring pong iisa kaming apelyido pero hindi naman po kami pareho lagi ng pag-iisip at ng mga gawain araw-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako po yung humihingi ng dispensa doon po sa kaniyang nakaalitan at lalung-lalo na po doon sa anak na babae.

"Pasensya ka na, iha. Dadalawin kita ha, wait lang ha, pupunta ang Tita Pokwang diyan. Pasensya ka na."

Nilinaw ni Pokwang na hindi niya ikinatuwa ang ginawa ng kapatid, pero lagi raw may dalawang panig sa isang istorya.

Ganunpaman, inaako ng kanilang kampo ang kasalanan.

Aniya: "Hindi po ako natutuwa at hindi ko po dapat kampihan yung nangyari po doon sa kapatid ko.

"Hindi naman din po ako ano, kumbaga siyempre nanay din naman po ako.

"Pero lagi po nating iisipin na laging may other side of story.

"Pero sige po, sa amin na lang po iyon. And humihingi po ako ulit ng kapatawaran doon po, doon sa mag-ama."

Read: John Lloyd Cruz, Isabel Santos spotted with Ellen Adarna and son

POKWANG CONDEMNS POLITICIAN FOR POSTING HER FAMILY

Dahil natunton at natukoy ang katauhan ng kapatid ni Pokwang, ipinost ng ilang netizens ang larawan nilang buong pamilya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinaalalahanan ng komedyana na may batas laban dito.

Saad niya: "And paalala ko lang din po doon sa mga nag-post pa ng paulit-ulit ng mukha ng buong pamilya ko.

"May tinatawag po tayong cyberbullying and cyberlibel."

Nagpasalamat naman si Pokwang sa alkalde ng Antipolo na si Jun Ynares dahil sa ginawa nitong aksiyon upang maayos ang problema.

Pero hindi niya pinalampas ang isang pulitiko na isinapubliko ang pangalan ng kapatid niya at mga mukha ng kapatid nila.

Aniya: "Doon po sa mga ibang pulitiko na nakisakay po na hindi naman taga-Antipolo, nakakaloka, na nag-post pa kayo, sir.

"Alam niyo na kung sino kayo. Alam ko taga Bicol kayo, e.

"Ingat po kayo kase mambabatas pa naman kayo so alam po ninyo dapat po yung tinatawag nating cyberlibel... cyberbullying, sir. Okay?

"Pinost po ninyo yung mukha ng buong pamilya ko. Isa lang po ang may kasalanan pero buong mukha na... asan po yung privacy, yung protection po ng pamilya ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po ako kumakampi sa kapatid ko pero sana, nag-iingat po kayo sa mga post ninyo, sa mga comment ninyo.

"Again, doon po sa naka-alitan, pasensya na po kayo sa ginawa ng kapatid ko. Maraming salamat po."

Read: Marie Lozano absuwelto sa kasong libel ni Gretchen Fullido

DRIVER SUSPENDED

Inanunsiyo ng Land Transportation Office (LTO) kahapon, December 15, na sinuspinde nila ang lisensiya ng isang drayber matapos nitong saktan ang isang lalaking nagtutulak ng kariton.

Kasama ng magkakariton ang kanyang babaeng anak.

Inilabas ng LTO ang desisyon nito sa pamamagitan ng post sa Facebook.

Sa nag-viral na video na higit isang minuto, makikitang kinukumpronta ng drayber ng puting Toyata Hilux ang lalaking nagtutulak ng kariton.

Lumalabas na nasagi ng kariton ang sasakyan ng drayber.

Sa video na ibinahagi ng uploader na si Mary Grace, nagtangka pa umanong awatin ng asawa ang driver.

Pero hindi nagpapigil ang drayber na nagsisigaw pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dinig ang pag-iyak ng batang paslit na anak ng magkakariton.

Binatukan nang malakas ang magkakariton at minura pa ulit ng driver.

Lalong umiyak ang paslit dahil nakitang sinaktan ang ama nito.

Sinabihan ng uploader ang drayber na huwag itong manakit.

Sinabihan rin ng isang lalaking umaawat ang uploader na kuhaan ng video ang plate number ng sasakyan ng driver, na sa mga oras na iyon ay nagmamadaling sumakay at umalis.

Sinubukan pa ng magkakariton na harangin ang sasakyan ng drayber subalit pinigilan na ito ng nagvi-video.

Pinauwi na ang mag-ama at maririnig ang lalaking umawat na diumano'y nagbantang babarilin ng drayber ang magkakariton.

The viral video of a Toyota Hilux driver (encircled) cursing and hurting a magkakariton in front of his young daughter.
The viral video of a Toyota Hilux driver (encircled) cursing and hurting a magkakariton in front of his young daughter.
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naglabas naman si LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ng pahayag tungkol sa insidente.

Isang Show Cause Order din ang inisyu sa drayber at 90-day preventive suspension sa kanyang driver’s license.

Pahayag pa ng LTO chief: "Hindi kukunsintihin ng ahensya ang ganitong asal sa lansangan. Kung totoo man ang mga paratang ayon video, dapat managot ang driver. Tinitiyak natin sa publiko na bibigyan natin ng hustisya ang insidenteng ito."

Read: Driver suspended after hurting magkakariton in front of his kid

HOT STORIES

*additional text from Bernie Franco

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang on her brother's (encircled) road rage incident: "Ako po yung humihingi ng dispensa doon po sa kaniyang nakaalitan at lalung-lalo na po doon sa anak na babae. Pasensya ka na, iha. Dadalawin kita ha, wait lang ha, pupunta ang Tita Pokwang diyan. Pasensya ka na."
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results